Fall apart

293 14 3
                                    


"David, bumalik ka na dito. Nagwawala ang tatay mo.. gusto mo bang magalit siya ulit sa'yo?" Nakatulalang nakatanaw sa labas ng bintana si David. He's still in his office kahit pa nag-uwian na ang mga empleyado nila including Jade. He wishes to be alone na naintindihan naman ni Jade although she's still confused. Confuse sa kadahilanang hindi niya alam kung anong nararamdaman ni David. He's literally acting weird.

"Ang bilis talaga ng karma, Julie." Sa halip na i-recognize ang sinasabi ni Julie ay iba ang sinabi ng binata. "Akalain mo.. nagawa akong lokohin ni Jade."

"Niloko ka.. ni Jade? anong nangyari?"

"She had an affair with another woman. Alam mo ba.. kung gaano kasakit 'yon?" Julie stayed quiet. "I can't explain it. Pero.. wala akong karapatang magalit sa kanya. Ako 'yung.. mas malaki ang kasalanan. Nabuntis kita.. and it's not the first time that we did it."

"David.. okay ka lang ba?"

"Yeah.. yeah.. I'm just drinking. Julie, I wanted to fix us. Me.. and Jade. Pero 'wag kang mag-alala.. akong bahala kay Dave. Kami mag-aalaga sa kanya hindi ko siya papabayaan. I promise." Halos manghina si Julie when she heard this. Hindi siya sumagot kay David. "Julie?"

"Amm.. David. Tinatawag ako ng Mama mo.. mag-iingat ka diyan."

"S-sandali Julie.." Before Julie hung up, David asks her not to tell anyone what he told her. "Salamat, Julie."

"Sige na.. 'wag ka na magpakalasing ah. Bye." Pagkababa ni Julie ng tawag saktong umiyak si Dave na tila ba naiintindihan kung anong nararamdaman ng nanay niya.

Umasa kasi si Julie na somehow magkakaroon siya ng buong pamilya na kailanman ay hindi niya naranasan.

After the call David continues to drink alone still looking outside the window. He didn't call Jade kahit may idea siya na pwede itong makipagkita kay Althea anytime. He refused to be that psycho guy na magwawala at paghihigpitan ang babaeng mahal niya dahil sa panloloko nito.

And so, Jade met Althea sa apartment nito.

"Hindi ka ba niya sinaktan?" Althea asked while serving Jade a glass of water. She's been crying since she arrives at her apartment.

"Hindi. He's so calm."

"Sigurado ka bang alam na niya? baka nag a assume lang siya tapos.. umamin ka."

"I know him. If he said something like that.. sigurado ako alam na niya. I went here kasi.. I need to know if you're okay. Hindi mo kasi sinasagot 'yung mga tawag ko." Jade said refusing to drink the water kaya nilapag na lang ni Althea 'yung baso ng tubig sa may lamesa at saka umupo across her.

"Ayoko lang kasi na magkagulo kayo. Ang plano ko makipagkita sa'yo bukas or sa ibang araw. Pero kung sakaling sinaktan ka niya mananagot siya sa'kin." Hearing this, Jade looks at Althea and reaches for her hand. Naintindihan naman ito ni Althea kaya siya na mismo ang nag-abot ng kamay niya kay Jade.

"Althea.. hindi ko rin gustong saktan ka niya or kahit na sino. Kung nakapag hire siya ng investigator para sundan ako. I know kaya niya rin mag hire ng taong pwedeng manakit sa'yo. Kaya sana.. makinig ka muna sa'kin. As much as.. I wanted to keep our relationship, I need time para.. ipaliwanag kay David lahat."

"Anong ibig mong sabihin?" Tila naguguluhan si Althea, tama ba ang narinig niya? "Jade.."

"Mahal kita, Althea. Now that he's here mas lalo ko lang narealize na ikaw talaga 'yung mahal ko." Says Jade squeezing Althea's hand. "Give me some time to process this. Babalik ako sa'yo." Althea couldn't believe it that Jade actually loves her. Dahil sa tuwa, bagkus nakakaramdam din ng kaba at takot. Althea went up to Jade and kisses her passionately. Agad namang bumawi si Jade until they found themselves again drowning into their own fantasy.

Her Secret Fantasy (Rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon