A knock on the door startled Jade. Naalala niyang nasa office na nga pala siya at umpisa na naman ng trabaho. But unlike before, may malaking responsibilidad na nakasandal sa kanya.
"Come in!" Agad binuksan ng sekretarya ang pintuan. May dala itong folder kung saan nakalathala ang schedule ng acting CEO ng kompanya which is Jade.
"Amm.. Ma'am dumating na po pala 'yung female driver na ni-recommend ni Ma'am Sally and according po sa nag interview excellent po 'yung grade nila sa kanya. By tomorrow po pwede na siyang mag start since may delivery tayo ng ibang products sa Bulacan."
"Ahh.. yeah. Sure." Mukhang wala pa si ulirat si Jade kung kaya't parang tuod 'yung sekretarya na nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.
"Ma'am?"
"Yes?"
"Shall we give her a contract po?"
"Contract? Ahh.. kontrata?" Alanganin na tumango-tango ang sekretarya at ngumiti ng maiksi. "Oo sige. I'll prepare the contract, make a meeting for us siguro by lunch?"
"Sure po, Ma'am. Bale for later 'to Ma'am 'no?"
"Forget about that.. just tell her to go here right now."
"Okay po Ma'am. Tawagin ko na po siya."
"Alright, thank you Sheryll." Napakusot na lang ng mukha niya si Jade habang pinapakiramdaman ang ulo niyang sumasakit dahil sa hangover. Para siyang tangang kinakausap ang sarili, blabbering and cursing anyone and anything through thin air.
Ilang minuto pa siyang nag-abang bago bumalik si Sheryll kasama na ang bagong hire na female driver.
"Ma'am? nandito na po siya."
"Papasukin mo." Inayos ni Jade ang pagkakaupo niya at tahimik na nakaabang sa pagbukas ng pintuan. When it opens, Sheryll's face was first to pop up. Pansamantalang natigilan naman sa paghinga si Jade sa pagpasok ng taong kasunod nito. Naka formal attire ito, neat white polo shirt at matulis na sapatos. Kurbado ang katawan nito na humahapit sa black jeans na suot nito. Nagkatinginan ang dalawa bago kumurap si Jade at sabihan si Sheryll na mag stay kasama nila sa loob ng office. Nagtataka man ang sekretarya ay nanatili ito sa loob.
"Ma'am.. coffee muna kayo." May dala itong dalawang cup ng coffee mula sa paboritong kapehan ni Jade. Hindi sigurado ang dalaga kung paano nito nalaman pero mag naiisip na siya sa posibleng nagsabi kay Althea tungkol sa detalye ng paborito niyang kapehan. "Ito pala para sa'yo." Kikiligin na sana si Jade ngunit biglang lumapit si Althea kay Sheryll para abutan rin ito ng kape. "Okay lang ba sa'yo ang Latté?"
"Huh? amm.. oo. Paborito ko nga 'to e." Mahinang tugon ni Sheryll sa mabilis namang kinuha ang kape. "Thank you."
"Welcome." Nagkangitian ang dalawa making Jade to clear her throat, getting their attention.
"Sheryll, sige na iwan mo na kami." Sabi ni Jade na may makahulugang tingin kay Sheryll ngunit bigong mapagtanto ng sekretarya at maging ni Althea.
"E Ma'am sabi niyo po dito lang ako--"
"Labas." Maiksi ngunit nakakatakot ang tonong ginamit ni Jade kung kaya't mabilis na lumabas si Sheryll mula sa office. Pero hindi niya nakalimutang pabaunan ng isang matamis na ngiti si Althea na sinuklian naman ng dalaga. Sa paglabas ni Sheryll, naroon rin ang ibang mga empleyado na karamihan ay lalaki. Animo'y nakaabang sa muling paglabas ni Althea upang masilayan ulit ang dalaga. Hindi pa nga alam ni Althea na naging instant celebrity na pala siya sa kompanya. "At ikaw, umupo ka." Gano'n pa rin ang tono at tingin ni Jade. Hindi naman ito masyadong pinansin ni Althea na sumunod na lang sa utos nito.
Nagbaba ng tingin si Althea sandali at ito naman ang ginamit ni Jade na oras para matitigan ang kaliwang anggulo ng dalaga. Wala siyang gaanong matandaan sa nangyari kagabi dahil nalasing nga siya. Ang alam niya lang nakauwi siya ng bahay nila ng matiwasay.
BINABASA MO ANG
Her Secret Fantasy (Rastro fanfic)
عاطفيةA soon-to-be-wife offered by a friend to go to a bachelorette party. Little did Jade knows that they invited a female stripper instead of a male. The said event will change her entire life as she met the female stripper again where she began fantasi...