"Ano? isa pa ba?" Tanong ni Batchi sa tatlo niyang kasama kahit obviously medyo tipsy na siya."Isa pa 'ko." Sagot ni Althea na nasa kusina at abalang nagluluto ng pork sisig pampulutan.
"Sure, Tsong, buksan ko na ba?"
"Oo. Malapit na rin 'tong sisig."
"Yun oh.. ang bango ah. Jade, alam mo ba? magaling magluto 'to si Althea." Umiinom si Jade ng beer when Batchi spoke to her. Nang ibaba ang iniinom sa sahig tumingin siya kay Althea.
"Really? anong specialty mo?" Tanong niya sa dalagang busy pa rin sa pagluluto.
"Madami. Name your dish, lulutuan kita." Althea said in a her normal tone.
"Oh kahit ano daw.." Batchi at doon niya lang napansin na natutolog na si Sally sa kama. "Tignan mo 'tong jowa ko, tulog na pala." Jade chuckles and watches Batchi approaching Sally. Kinumutan niya natutulog ng dalaga at saka hinalikan sa noo. She haven't realized na nakatitig siya sa dalawa and secretly wishes na sana ganito rin siya, kung noon pa man nag out na sana siya, ganito rin ba?
"Jade.." Sa pagkatulala, hindi niya napansin na naroon na pala si Althea sa tabi niya na kanina pa siya pinagmamasdan. "Namimiss mo na fiancèe mo 'no?"
"Huh? Amm.. o-oo." Jade said and quickly looks at Althea.
"Sisig?" Agad namang in-offer ng dalaga ang niluto niya. "Solid 'to pampulutan."
"Mabango, mukhang masarap."
"Tikman mo.. ito oh." Kumuha ng kutsara si Althea at sumandok. "Have a taste, promise masarap 'to." Jade was a bit awkward dahil sa akmang susubuan siya ni Althea.
"Ako na." Napansin ito ni Althea kung kaya't binigay niya kay Jade ang kutsara. Tahimik na sinubo ni Jade ang sisig. "Mmmm.. wow.. masarap nga. Crispy, tasty, and spicy." Umubo ng konti si Jade kaya natawa si Althea. Uminom ito ng beer.
"Masyado bang maanghang?"
"Hindi.. okay lang. I'm not just used to eating spicy foods."
"Sorry, dapat pala hindi ko na nilagyan ng siling pula. Gusto mo ba ipagluto kita ng bago?" Tatayo na sana si Althea ng hawakan ni Jade ang kamay niya.
"Hindi na, okay lang. May beer naman e. Baka pagod ka na, tinulungan mo na nga kami mag-ayos dito tapos.. nagluto ka pa."
"Ayos lang 'yon.. mas gusto kong may ginagawa. Saka, request 'yan ni Batchi, paborito niya. Teka.. asan na ba 'yon?" Lumingon silang pareho sa kama and found the couple already asleep. "Ay tarantado, tinulugan tayo? seryoso ba 'to?" Tumayo si Althea para lapitang ang dalawa, dumampot siya nung isang unan na nakaplastik pa at saka binato kay Batchi. "Huyy Tsong! Tutulugan mo talaga kami?" Tawa ng tawa si Jade habang paulit-ulit na hinahataw si Batchi sa mukha. "Pambihira naman." Until sumuko na lang ito at bumalik sa kinauupuan niya.
"Hayaan mo na, baka pagod din sa byahe." Tumungga na lang si Althea ng beer.
"Ubusin na lang natin 'to tapos, papasok na ko sa apartment ko."
"Sure para makapagpahinga ka na rin." Nagkatinginan ang dalawa at nagkangitian.
"Yelo, gusto mo?"
BINABASA MO ANG
Her Secret Fantasy (Rastro fanfic)
RomanceA soon-to-be-wife offered by a friend to go to a bachelorette party. Little did Jade knows that they invited a female stripper instead of a male. The said event will change her entire life as she met the female stripper again where she began fantasi...