Miss Fortune

269 16 2
                                    

After refusing a possible heated moment between her and Jade. Althea continues to work, nagkikita at nagkakasalubong sila ni Jade but the things began feeling awkward. Pansin naman ni Jade ito at kahit siya man din ay affected. Ginagawan na lang niya ng paraan na alisin ang pangyayaring 'yon sa utak niya.

"Althea!" Mula sa building ay sinalubong siya ni Cindy sa labas. Nagyakap ang dalawa na agad rin namang kumalas para magkumustahan.

"Kailan ka pa nandito sa Manila?"

"Nung isang linggo lang. Tinatawagan kita kaso out of coverage ka palagi."

"Hindi ko ba nabanggit sa'yo? nagpalit kasi ako ng number."

"Siraulo ka." Sa pagkabigla ay nahampas ng mahina ni Cindy sa kaliwang balikat si Althea. "Nagpalit ka tapos hindi mo man lang sinabi sa'kin? isa pa may number ako sa'yo. Ano ba naman 'yung i-text mo 'ko?" Pairap-irap si Cindy which making Althea laughs. Inakbayan niya ang dalaga at bumulong. Sakto namang papalabas ng building si Jade at ito at ang nadatnan niyang eksena nung dalawa. Naghahagikgikan ang dalawa na para bang magjowa kung kaya't hindi na naman maipinta ang itsura ni Jade. Mistulan itong nakatitig sa dalawa ngunit maya-maya'y lumingon sa iba at nagkunwaring walang nakita ng casual niya lang dinaanan sila Althea. "Saglit. Lunch break mo 'di ba? kain tayo.. nagugutom na 'ko e." Sinundan siya ng tingin ni Althea na naputol lamang ng kalabitin siya ni Cindy. "Kilala ko 'yun ah. Si Jade 'yon 'di ba? dito siya nagtatrabaho?"

"Ahh.. oo. Siya muna pumalit du'n sa tatay ni David."

"I see, kaya pala nakuha ka agad dito e. May backer ka." Althea chuckled lightly.

"Tara na nga. Libre mo 'ko ah." Naglakad na ang dalawa para tumungo sa isang fastfood chain para kumain. Nakasakay na si Jade ng kotse ng sundan niya ng tingin 'yung dalawa. Hawak na niya ang manibela at naghahanda na para umandar.

Sa nakikita niya, nagkakamabutihan na ang dalawa. Naisip niya, hindi malayong magkabalikan sila lalo na't may history. Sa iniisip niyang 'yon hindi niya mapigilan ang sarili na hindi masaktan. Parang may maliit na tinik na tumutusok sa puso niya.

It was confirmed na may gusto talaga siya kay Althea. Hindi lang basta gusto. It's like her body, mind and soul wanted Althea. Umandar na si Jade para tumungo sa isang lunch meeting.

Lumipas ang ilang oras, mga ilan pang araw. Until another month passed. Mas naging propesyonal ang turingan ng dalawang bida. Isang beses, may meeting. At isang napakagwapong lalaki, maputi, matangkad, chinito, matangos ang ilong, mukhang foreigner.

"I'm looking forward on working with you Miss Flores. Thank you again for your time." Obviously, this guy is flirting with Jade. Kay Jade naman ay normal lang na usapan 'yon pero hindi sa mga mata at tainga ni Althea.

"We were delighted by your cooperation Mr. Sandoval. Regards pala sa kapatid mo, I just got to know na classmates kami nung college."

"Oh yeah. Actually, I mentioned you to her and she recognized you. If you're not that busy we can hang out."

"Well.. if you're gonna sign the contract I'll definitely go out with you and your sister." The handsome guy chuckled.

"You got me there. Alright, sige.. I'll sign it." Jade began grinning.

"Really? as in ngayon na?"

"Yes."

"Alright. I'll prepare it. Can we please go back to the conference room?"

"Yeah sure." At gano'n gano'n na lang nga, naisara ni Jade ang investment contract with a legit huge investor. Tuwang-tuwa siyang ibinalita kila Fred ang tungkol rito. Sa ngayon ay nagkakausap na sila ni David, at maganda rin naman ang nagiging progress ng therapy niya.

Her Secret Fantasy (Rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon