Prologue

26 2 2
                                    

Prologue


I ENTERED the coffee shop. My eyes roam around the whole area, finding a vacant chair. Ngumiti ako ng tipid ng may makita akong bakanteng upuan sa gilid ng glass wall.

Umupo ako kaagad at inilapag ang librong hawak sa ibabaw ng lamesa. Lumapit sa akin ang sa tingin ko'y barista at kinuha ang order ko. Nagpasalamat ako matapos nitong ilapag ang inorder ko. Binalik ko ang atensyon sa mga librong nasa harapan at sinimulan buklatin ito.

I plug my ear phones in my ears, connecting it to my phone and playing a melodic song while starting to flip the pages of the book slowly.

Sumisimsim ako ng kape nang mapansin ko ang taong naglalakad papalapit sa lamesa kong inuukupahan. Muntik ko ng maibuga ang kape ng maramdaman kong napaso ako sa dila. Mabilis kong binaba ang hawak na mug. I blink several times when it stops infront of the table.

"Can I share a table?" Inayos ko ang suot na salamin sa mata bago tumikhim at tumingin sa kanya. As I stared to the pair of forest green eyes, I almost forgot to breathe. That pair of forest green eyes speaks to many emotions.

Iniwas ko ang tingin ng maramdamang tila may kung anong nagtatakbuhan sa puso ko. Dahan-dahan akong tumango bilang pagtugon sa tanong niya.

Pasimple kong iginala ang tingin sa buong coffee shop. Marami pa namang bakanteng upuan, bakit niya pipiliin na maki-share sa akin ng table?

Binalik ko ang tingin sa mga nakabukas na libro sa harapan. Sa totoo niyan ay hindi ako makapagfocus sa pagbabasa ko kaya naman ay isinara ko na ito at inayos sa gilid bago tinuon ang atensyon sa labas. Pasimple ko siyang nilingon mula sa gilid ng mga mata ko. Mukhang nagrereview siya dahil dahan-dahan niyang binubuklat ang mga pahina na hawak na libro.

He cleared his throat causing me to look away.

Mabilis kong inubos ang laman ng mug bago nagmamadaling tumayo. Tumayo rin siya at naunang umalis na. I was about to grab my books when I noticed a note.

"See you when I see you... again."  A smile formed on my lips.

THE next day I was busy reading my books when the barista place a cup of coffee even I'm not still ordering. Nagtataka ko siyang nilingon pero ngumiti lang siya sa akin at umalis na.

Bumaba ang tingin ko sa kape may note na nakadikit dito.

"And please don't lower down your head when your walking. Okay?"

-N

I read it. Sa makalipas na araw ay ganon ang scenario sa bawat punta ko sa coffee shop. Kinolekta ko lahat ng sticky notes na nakadikit sa cup.

Simula noon ay naging routine ko na ang laging pumunta sa coffee shop matapos ang klase. Minsan ay naabutan ko siya doon pero kadalasan naman ay hindi ko siya naabutan at lagi naman niyang nag-iiwan ng sticky notes sa cup ng kape.

I learned that we are studying at the same university, him taking Political Science. I also learned his name.

I actually didn't know that he is famous in our school.

Years later, we started to hang-out together, he become my boy best friend whom I shared secrets and thoughts. With that, I found myself slowly falling in love with him.

After we graduated in collage, he confest his feelings to me and he started to court me. A year later, I said yes when he asked me to be his first officially girlfriend at exactly on his birthday.

And now, we are married for almost a year and I can say I'm totally contented and happy.

Or so I thought...

AS soon as I open the door, I saw my mother sitting on the floor, her face were buried between her knees. "Ma, ano bang nangyayari? B-Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala kong dinaluhan si mama. Inalalayan ko itong umupo sa upuan.

"Audrianna, I-I s-swear I didn't
i-intend to broke a f--family. Hindi ko alam... p-please b-believe m-mama..." Hinaplos niya ang aking pisngi habang tinititigan ang aking mga mata.

"Ma, hindi po kita maintindihan. Ano po bang nangyayari?" She didn't talk for a second.

"Anak... n-nakasira ako n-ng isang pamilya," she said. Napatigil ako sa pagpatahan dahil sa narinig ko mula sa kanya. Her hands were trembling as she covered her face.

"M-melinda..." she whispered. "S--she commited s-suicide b-because of m-me." Natigilan ako.

UMUWI ako sa bahay ng wala sa sarili. Maraming tanong na nalalaro sa aking isipan at hindi ko na alam ang sagot sa mga ito.

Hindi ko na alam ang gagawin pa.

Katahimikan ang sumalubong sa akin ng pumasok ako sa loob ng bahay namin. I wipe my tears. Sinigurado kong walang bakas ng luha sa aking mukha dahil panigurado ay tatanungin niya ako at mag-aalala iyon. Ayoko pa naman nag-aalala siya sa akin.

I inhaled deeply. Sigurado ay wala pa siya dito dahil hindi pa nakabukas ang ilaw. Kinapa ko ang switch ng ilaw para buksan ito.

Nagulat ako sa nadatnan. Ang daming kalat sa sahig, lahat ay wasak tila dinaanan ng bagyo. I blink several times. Nakarinig ako ng ingay sa ikalawang palapag, may kung anong nabasag.

Tumakbo ako pataas kahit pa ramdam ko ang manunuyo ng aking lalamunan. Sinundan ko ang ingay na nagmumula sa kwarto namin.

Nandito siya. Nasa harapan ko ang lalaking pinakasalan ko. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Ang akala kong sasalubong sa akin na masayang ngiti gaya ng lagi niyang ipinapakita sa akin ay hindi. Kung hindi ay tila galit na galit siya sa mundo. Seryoso siyang nakatingin sa kawalan.

Ang suot niyang damit ay kusot na maging ang kanyang buhok ay gulo na. My eyes roam around. All our picture frames including our wedding photos are all broken and scattered  on the floor, some have a small droplets of blood. Glasses were all broken.

Blood?

Mabilis akong natauhan. Napatingin ako sa dumudugong kamay niya. Mabilis ko siyang dinaluhan at iginaya para makaupo sa ibabaw ng kama. Sinimulan kong balutin ang kanyang kamay gamit ang panyo ko. Hindi ako nagtanong at ipinagpatuloy lang na balutin ang duguan niyang kamay. Matatapos pa lang ako ng marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa akin.

"What's wrong? Gagamutin ko muna baka maubusan ka ng dugo. Halika dito, love." Tumingin siya sa akin ng seryoso. Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong itsura.

"I'll file a annulment." Seryoso niyang sabi.

"W-what?" Nagsimulang mamuo ang aking luha sa baba ng aking mata. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga dahil sa narinig.

Kung panaginip lang ito, gusto ko ng magising. Ayoko nito. Maawa kayo, kahit sino sabihin niyong hindi totoo 'tong lahat. Na nagbibiro lang siya.

Hindi ko kaya...

"I don't like repeating what I've said." After that he left me inside the messy room, leaving me all alone without a reason why he said it. Tulala ako hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto. Tila hindi pa tuluyang rumerehistro sa aking isipan lahat ng binitawan niyang salita.

Nagsimulang magsihulugan ang mga luha ko. 



Author's note: Hi. So this is the prologue and I hope some of you like it. Please don't forget to vote and comment if you like it. Thankiee :)

The Denied Wife by elnor20
All rights reserved.

The Denied WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon