1 - June sucks

6 0 0
                                    


"Two o'clock na?" Tarantang tanong ko sa sarili ko as I went out of the restroom. Restroom ng school. 

Tinanong ko pa ang sarili ko kahit kitang-kita ko naman ang oras sa cellphone ko.

The next thing I knew, tumatakbo na ako sa labas ng building namin. Anong klaseng pagsubok ba ito sa akin? Why did the location of the contest had to be from another building? Medyo malayo pa naman ang pagitan. Puwede namang sa Seniors' building na lang, tutal ay mga upper year levels din naman ang nag-asikaso ng event na 'to---bakit ba ang dami kong tanong?

Maybe I feel irritated dahil matindi ang sikat ng araw. After all, the temperature here in Ediviar around June is no joke.

Ediviar is a massive island where I grew up. Halos lahat nandito na---iyon ang sabi nila. I wish I had the same perspective. 

In this island, Ediviar, there are three schools---universities rather. The three universities are, Edi, Ivi, and Iar. To be precise, it's the name of the island na pinaghiwa-hiwalay lang. Iar is the most popular one out of the three. I, on the other hand, sa Ivi ako nag-aaral. From pre-school to senior high school. 

Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa pagod. Nasa harap na ako ng room na napag-usapan.

The students are already looking at me, so as the proctor na---thank God, hindi teacher. Grade 12 student lang din siya, base sa ID lace niya.

"Hi, good afternoon! Sorry for coming late." I greeted them as I stood at the doorway. 

Medyo kumalma ako nang ngumiti ang proctor. "Ayos lang, upo ka na." She replied

Mabilis lang akong nakahanap ng upuan dahil matagal ko na iyon pinag-isipan. I took a seat near the door. Nakaka-pressure kasi umupo sa dulo tapos makikita mo ang mga kasama mo na isa-isang mauna matapos.

It turns out na ako na lang pala ang kulang sa mga participants. Medyo nakakahiya lang that they really waited for me. The proctor assured me naman na I was only five minutes late. Mabilis lang siya nag-instruct kaya nakapagsimula na rin kami agad.

I looked at my blank illustration board. Mabuti na lang ay hindi nalukot o nagkaroon ng visible dents. Ang higpit pa naman ng hawak ko dito kanina dahil sa pagmamadali.

Our topic was about starting the school year again and learning attentively for the future. Pinadali ko lang ang meaning sa isip ko, pero ang mga binigay na words sa amin ay malalalalim at komplikado. Thanks to myself, I've always read English books kaya abot-kaya ito ng vocabulary ko.

Masyado akong nagpakampante. I sketched for like fifteen minutes. One hour and thirty minutes lang ang time na meron kami! Coloring takes up a lot of time kaya dapat mabilis lang ang gagamitin na oras para sa sketching.

Kaya naman noong nasa gitna na ako ng pagkukulay ay nagsisitayuan na ang ibang participants para ipasa ang mga gawa nila. Pabawas na kami nang pabawas. Sa dulo, medyo minadali ko na ang pagkukulay. Ilang details na lang ang kailangan kong punan. If I sum it up in my head, siguro mga five minutes na lang ay tapos na ako.

Suddenly, malakas na gumawa ng ingay ang upuan ng katabi ko nang tumayo ang isa naming kasama.

No, we're not really sitting next to each other. There's at least two chairs between us. Siya lang talaga ang pinaka-malapit sa akin. 

Lalong nanlamig ang mga kamay ko nang makita ang gawa niya. Ang ganda!

Mabilis naman akong tumingin sa ID lace niya. Same year pala kami. After niya magpasa ay humarap na siya sa gawi ko. Katabi ko nga lang pala ang pintuan.

"He looks familiar." Bulong ko sa sarili ko.

But when I saw the white streak on his bangs, I quickly took back what I said. 

Meet me Again in December.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon