16 - Never leave this island

1 0 0
                                    


"Sasali ka?" Chau asked me as we both looked at the small poster na nakadikit sa whiteboard namin.

"Sasali 'yan. Nangungulekta 'yan si Ulla ng medals at certificates." Pabiro akong siniko ni Sora, kaklase ko rin.

To be particular, nakatingin kami sa isang poster patungkol sa isang singing competition for the school's Christmas program. 

"Puwede naman..." Sagot ko bago kinuhanan ng larawan ang poster.

Wala rin naman kasi akong pinagkakaabalahan maliban sa school works. Dati ay busy pa ako sa training namin sa journ, pero ngayong wala ng training, feeling ko unemployed na ako.

My life is still as busy as ever, kahit pa wala na ang trainings. I'm still so busy that time seemed so slow and fast at the same time, but I think everything seems different with a lot of things going on. Maybe I like being busy. 

"Nasaan si Neo?" Tanong ko kay Jinx nang makitang mag-isa lang siya sa usual meeting spot namin.

Our meeting spot is at the bench in front of 12th Graders' building. Madalas, kaming tatlo lang talaga ni Jinx, at Neo ang nagkakasabay pauwi dahil palaging abala sa training si Rue. Si Ayi at Clee naman ay madalas mag-solo, samantalang si Gyin naman ay may ibang kaibigan na sinasabayan pauwi. It's really up to her kung kanino niya gusto sumabay, but I guess hindi kami nina Jinx ang trip niyang kasabay pauwi ngayong araw.

"Tatatlo na nga lang tayo." I sulked before tapping Jinx's left shoulder. 

"May lakad daw si Neo." He said.

Tumango-tango ako bago kami nagsimulang maglakad patungo sa labasan ng university.

"Uuwi na tayo?" Tanong ko pa.

Sayang, I was hoping we could hang out today dahil Friday naman.

Friday is usually the hang out day dahil walang pasok kinabukasan ang mga estudyante. Moreover, at least students have less than three days to do their tasks rather than less than 10 hours. In my conclusion, mas may time para mag-hang out.

"Gusto mo sa resto namin?" Jinx asked.

Saglit kaming napatigil sa paglalakad at nagkatinginan. After a few seconds, we eventually laughed.

"Magiging pizza na ata tayong dalawa." He joked.

I agreed and nodded my head while giggling. Palagi na lang kaming nasa kainan nila Jinx. Hindi naman sa nagsasawa na ako sa lugar at mga pagkain sa lugar na iyon, but I just don't want to eat the same food every week. That place also means a lot to me kaya as much as possible, ayoko pagsawaan. 

"Do you..."

Napatingin ako kay Jinx. He was trying to say something.

"Ano?" I asked.

"Do you want to visit Rue on their training? Let's bring him food." Aya niya.

The next thing I knew, we were already buying everything we wanted from a sari-sari store nearby. I was really planning on buying many foods para ganahan si Rue sa training, but I didn't imagine it to be like this.

Mahina kong hinampas ang kamay ni Jinx.

"Hey, ang dami na masyado." Sita ko kay Jinx.

Ngayon lang ako nakakita ng taong naubos ang five hundred pesos niya sa isang sari-sari store! Parang nangonti nga ang laman ng tindahan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o masisiraan ng bait.

Mukha tuloy kaming nag-grocery shopping habang umaakyat sa building!

Nang marating ang journ room ay agad naming nakita si Rue mula sa bintana. Rue was sitting near the window of the other side of the room. Mukha siyang nagmumuni-muni.

Meet me Again in December.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon