3 - Not your friend

0 0 0
                                    


"Ano ba 'tong pinasok ko?" Pabulong kong tanong sa sarili ko.

Nasa harap ako ng journ room. Dito nagsusulat at nag-eensayo ang mga campus journalist ng Ivi University.

Nagtanong kasi ang isa sa mga professor namin kung mayroon bang interisado matuto ng journalism. Akala ko naman parang workshop lang, kaya sinulat ko pangalan ko sa listahan. Iyon naman pala'y literal na sasali na sa club!

There were actually some of my classmates who wanted to try too pero nasasayangan sila dahil huling taon na rin naman na sa highschool. Parang huli na para sumali kumbaga. It's better to focus na lang sa academics, they said.

But I also thought that this may be my chance to win something again! Dagdag sa awards at certificates na maipapakita ko kay tito.

Kinain ko lang ang sinabi ko noong nakaraan na wala akong balak sumali sa kahit anong paligsahang umaabot sa ibang eskwelahan. 

Ang nangyari lang noong araw na iyon ay nag-meeting at pinakilala kaming mga bagong members. Sobrang lamig pa ng kamay ko pero panay daldal naman ako sa mga baguhang katulad ko pagkatapos noon. So far, so good. 

That next day, our training started. Parang simula nga nito ay mukhang araw-araw na naman ako tatakbo sa buong school, dahil bukod sa campus journalist na ako ay student council officer pa ako! At isa pa, graduating student din ako! I think I have to run a lot of errands.

I picked editorial cartooning as my category. Ibigsabihin ay editorial cartooning ang kategoryang ituturo sa akin. Iyon din ang pagkakaabalahan ko tuwing training namin. 

There's at least four of us sitting in one table. Mga hindi ko kilala. Pero mga training for editorial cartooning din sila. Dalawang Grade 8 at isang Grade 7. I suddenly felt conscious dahil ang tanda ko na!

"Hi guys! This is Rue. For sure kilala niyo na siya. Siya ang pinakamagaling nating editorial cartoonist. Siya ang magtetrain sa inyo." Our editor in chief, Rendy, introduced Rue to us.

Agad na nagtama ang paningin naming dalawa. Parang mas gulat pa siya sa akin!

He looks at me like I'm his rival more than a student that he's going to train!

Our EIC gave us two hours to train dahil marami sa amin ay mga seniors na rin. Busy din ang iba kaya understood na iyon. Bale one hour na ipapaliwanag at ituturo ang category, and the next hour for the training na talaga.

"Editorial Cartooning is expressing the writer or the cartoonist's opinion about the given controversy or topic. Mostly for political issues. Imbes na sulat ay pagguhit ang ginagawa. Don't mistake it for poster making. Magkaibang-magkaiba ang poster making at editorial cartoon." Paliwanag ni Rue sa harap naming apat. Mayroon siyang pinepresent na slide sa laptop niya na siyang binabasa at kinukuhanan namin ng litrato.

He explained so many things in detail and even thought us different ways of shading and how caricatures should look like.

"Preferably, maganda talaga iyong may ine-emphasize sa katawan ng isang tao sa cartoon. Kunwari kilalang tao sa politika." Aniya.

Suddenly, he pointed at me.

"Kunwari siya. May dalawa siyang nunal na nakapaligid sa mata niya. Kung siya ang karakter sa drawing mo, you could emphasize her moles." Paliwanag niya. "For instances, kahit hindi naman talaga trademark ng tao, it will look more like a caricature when you emphasize the feet or hands by making them bigger. You can also make the ears bigger. I suggest you do that."

Meet me Again in December.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon