18 - Very special

1 0 0
                                    


"Ang cute talaga ni Ponyo!" Nanggigigil na saad ni Gyin habang mahigpit na yakap ang unan ko.

"Aray!" Angal naman ni Neo habang nakahawak sa pisngi niya.

"Bakit mo ako pinisil sa pisngi? Ako ba si Ponyo?" Dagdag pa niya habang hinihimas-himas ang pisngi.

Nagkatinginan kami ni Ayi. When we both smiled, syncing our thoughts, kinindatan niya ako.

What's happening is so obvious. Kung sino man ang nasa posisyon namin, imposibleng hindi nila maiintindihan ang mga nakikita namin. Denying what's clearly in front of us is like seeing a red heart, but describing it with a different color.

"Podcast niyong dalawa na may kaunting Ponyo." Sarkastikong singit ni Clee sa usapan habang nakaharap kay Gyin at Neo.

In a heartbeat, umingay lalo ang kuwarto dahil sa pagbabangayan nila. Natahimik lang ang lahat nang mapansing naka-off na ang TV.

Napatingin kami kay Jinx na nakaupo sa carpet, hawak ang remote.

"Oops? Napindot." Aniya, with evident sarcasm in his tone.

"Lumalabas na ang tunay mo na kulay, kuya Jinx!" Madramang utas ni Ayi habang nakahawak sa kanyang bibig.

Hindi siya pinansin ni Jinx. Tumayo lang si Jinx at pinagpagan ang kaniyang suot.

"Let's continue decorating downstairs." Aya pa nito.

Bahagya akong natawa nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ni Jinx. When our eyes met, kinindatan niya ako.

He obviously turned off the TV on purpose so we can continue decorating downstairs. Masyado kasi kaming nadistract. Bigla rin kasing nag-aya si Gyin manood ng Ponyo!

That's why we ended up in my room, at nagsiksikan kaming lima sa kama, maliban kay Jinx na naupo sa carpet.

"Tara, kung ayaw niyong ma-bad shot kay tito Dons." Panloloko ko naman. 

Napanganga na lang ako nang lubayan ng apat ang kuwarto ko. Parang dinaanan ng bagyo ang kama ko!

"I'll help you tidy it up." Saad naman ni Jinx, biglaan pa ang pagsulpot sa tabi ko.

He did it alone, anyway. Isang pagpag niya lang sa comforter ko ay maayos na agad itong napwesto sa kama. I watched him do that.

While straightening out my pillows, he started talking again.

"I left your gift on your table." Aniya.

Mabilis akong napalingon sa table ko sa may hindi kalayuan. There's a big paper bag placed on it. Wala naman iyon kanina roon! How did he sneak it into my room without me noticing?

Lalapit na sana ako sa table upang tignan ang kaniyang regalo nang pigilan niya ako. "Mamaya mo na buksan." 

"Okay." Natatawa kong sagot bago siya hinintay matapos at magtungo na sa sala.

Bumungad sa akin ang mga lobo at fairy lights na naka-decorate sa sala.

There are balloons on the wall that says 'Uno is eighteen!'.

The balloons are mostly yellow, and all the decorations are almost yellow. Hinaluan lang ng white touches.

When they asked for my favorite color, I didn't think that they would be this serious!

Sila ang bumili ng lahat ng decorations, kaya ngayong araw ko lang mismo nakita ang mga ito. Kanina noong nagsimula na kami mag-decorate.

"Tapos niyo na agad?" Takang tanong ko sa kanila.

Kanina, ang mga letter balloons lang ang nakadikit sa pader! Nagpaiwan lang kami saglit ni Jinx sa kuwarto, nadikit na nila ang ibang lobo, fairly lights, at napalitan na rin nila agad ang kurtina.

Meet me Again in December.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon