7 - Ambon na kasama siya

1 0 0
                                    


The day after the contest went on as usual. Papasok sa klase, at pagkatapos ay didiretso sa training. 

Aaminin ko, mayroong kaunting pagkakaiba. Iyon ay dahil mas motivated ako.

Okay lang pala 'yung pagod ko. Worth it, ganoon. Kahit papaano'y napagsasabay ko ang pag-aaral ko at ang mga extracurricular activities ko.

Medyo naaaning lang ako na training agad after contest. Iniintindi ko na lang talaga dahil sa early September na ang Division level.

Kagabi nga pagkauwi ko, nakatulog na agad ako. Mabuti na lamang at kumain kami ni Rue sa labas.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasagot ang mga bumati sa akin through Messenger. Siguro mamaya na lang kung maalala ko.

As we were dismissed from our last subject, agad akong naghanda para makaalis na at dumiretsoo sa training.

May nakasalubong pa ako na mga kakilala ko na binabati ako along the way, but I just waved my hand and said thank you dahil nagmamadali ako. Wala namang exact time na binigay for training ngayong araw. I just feel like I need to go there right now. Nasanay na rin siguro. 

A few walks away from the journ room ay nakasalubong ko si Leti, our president sa student council. She was with Honn, our vice president.

"OMG! Ulla, congrats!" Bati ni Leti na sinundan naman ni Honn.

"Grabe? Akalain mo 'yon? Talagang napapagsabay-sabay mo lahat. Tapos first time mo lang sumabak sa journ and you won a high place already!" Bilib na saad pa niya.

Ako rin, hindi rin ako makapaniwala, but this is where my dedication and passion has taken me. I will proudly walk with my achievements. Big or small. 

"True, pati love life niya mamumukadkad!" Dagdag ni Honn na ipinagtaka ko. Love life? Meron ako?

Bakit siya alam niya? Ako hindi?

"Anong love life?" Tanong ko naman.

"Ikaw naman! It's okay, Ulla. Hindi mo kailangang mahiya." Leti said while giving me a meaningful smile.

"May something ba kayo ni Rue? Grabe, ganoon pala 'yon ma-inlove. Sa sobrang workaholic and school person niya, I never imagined him to be the dating type." Patuloy pang kuwento ni Leti. Honn nodded, agreeing with Leti.

"He posted you on Instagram. Tapos ikaw, you posted him too! Tapos both winners. Grabe naman po, Lord. Pati ba pagkapanalo, by pair?" Si Honn namn ang nag-salita. 

"He posted me on Instagram? Teka, I didn't even know na may Instagram account siya. " Naguguluhang saad ko.

Sabagay, I wasn't an Instagram person. I have an account pero naka-private iyon, and I don't remember the last time I really used it for a long span of time. Nag-post lang ako sa Instagram story ko kagabi, ayon lamang.

"Edi ngayon, alam mo na." Honn replied. "Ito, tignan mo." After she did a few taps on her phone, binigay niya sa akin iyon.

It was an Instagram post! Akala ko ay story lang din. His username is roccourie.

roccourie: Take a look at my trophy. 

Dalawang larawan ang nasa post. The first one was a picture of his trophy in his hand, at sa likod niyon ay ako. It was focused on the trophy kaya medyo malabo ang background, but if you know me, you could easily recognize that it was me. Meanwhile on the second photo, it was me walking on a sidewalk na medyo naka-harap sa side ang ulo. It totally reveals me. 

I even took a quick visit on his profile using Honn's account. Walang ibang post! First post niya ba iyon o naka-archive lang talaga ang iba? He didn't even have any story collections!

Meet me Again in December.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon