5 - Uuwi saan?

0 0 0
                                    


"Wala na ba akong nakalimutan?" Tanong ko sa sarili ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga gamit sa bag ko. All good.

Today, I'm wearing a plain white halter dress that's above the knee. Pinaibabawan ko naman ito ng isang grey cardigan. I'm going out to treat myself and to study also.

Tutal maaga pa naman ay nagpasya akong maglakad na lang papunta sa resto. Hindi ganoon kaaraw ngayon at mahangin pa.

Noong junior high school ako, mahilig akong mag lakad-lakad. Lalo na sa mga lugar na malapit sa may dalampasigan. I haven't tried eating at Pizza Jinxed, but I'm sure I've seen it already! Mayroong isang branch hindi kalayuan sa dalampasigan. 

I really haven't tried eating in there. Hindi ko rin alam kung bakit. Maybe the place isn't known that much yet noong bata pa ako. I assume na matagal na ipinatayo ang resto dahil nakapangalan pa iyon kay Jinx.

I'm now calling him Jinx, hindi na Jinno! Jinx sounds so cute. 

After seeing and hearing of how successful their business is already, naisip kong baka mayroon na rin silang ibang branch sa Ediviar. This place is big after all. 

When I was in front of the place already, I saw how busy the place is from the number of costumers.

Siguro dinadagsa rin ang restaurant dahil maraming turista sa dalampasigan.

Nang makapasok ay pasimple akong naghanap ng mauupuan. Nang makahanap naman ako ng table na pandalawahang tao ay hindi na ako nag-alinlangang pumunta at umupo doon. I left my bag there para alam ng ibang tao na may nakaupo na. Dinala ko na lang ang wallet at cellphone ko para umorder. 

Malaki ang restaurant at damang-dama ko ang lamig na galing sa aircon. The place has a color theme which is space grey. The place didn't look that simple, but not that extravagant either. But I must day that it really do attracts the eye.

Maganda ang lugar. Bonus iyon sa katotohanang ang bango-bango ng lugar dahil sa amoy ng pizza at ng iba pang mga putahe. 

Mabilis na umusad ang pila. I thought na baka dahil maraming costumers ay medyo matatagalan ako sa pila.

My face quickly brightened when I recognized kung sino ang isa sa mga cashier na nasa counter. Si Jinx! Sakto, sa line niya ako nakapila.

He was simply wearing a white polo shirt na may logo ng restaurant nila sa may right chest part. The collar also had grey and blue linings. It was partnered with brown slacks. Uniform nila iyon dito. Pero bakit mukhang hindi uniform kapag siya ang may suot?

His body proportions are insane, plus his charisma. Hindi mo aakalaing napakamahiyain niya. Tumango-tango ako sa sarili kong naisip.

Napaisip tuloy ako kung gaano na siya katagal tumutulong sa family business nila.

"Good morning, ma'am. May I know what's your order?" He politely asked.

Surprisingly, he speaks well! Rinig na rinig ko ang boses niya at hindi siya mukhang kinakabahan. Wow, maybe he likes doing this. Working at their restaurant, I mean. 

Tila naman nag-glitch ang utak niya nang mag-tama ang paningin namin. Ilang segundo siyang naka-pause lang!

"Hi, good morning din." I greeted while smiling. "One set of package 1 please." Tinuro ko naman ang naka-display sa may likod niya. 

"I told you, pupunta ako." Saad ko naman habang inaayos niya ang resibo ng order ko.

"Sana sinabi mo para naman..." He replied ngunit habang patagal nang patagal ay humihina ang boses niya.

"Para?" I asked.

"Uhm..." Iyon lang ang nasabi niya, mukhang nahihiya na.

Aware ba siyang namumula ang tenga niya? Natawa tuloy ako.

Meet me Again in December.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon