41

9.6K 176 6
                                    

Dj's POV

"David?" gulat na sabi ni kath.

Siya lang naman yung gagong kapatid nung Dave Kirschner na yun. Tangina anong ginagawa neto dito.

"Hi Kath" bati niya kay Kath.

Bisita ko ba talaga 'to! Parang ito rin yata may gusto sa asawa ko.

"Uh Hi" sabi ni kath.

Napatingin naman sa akin yung David na yun. "Hey" sabi niya.

"Wag mo kong mahey-hey diyan, anong kailangan mo?" maangas kong sabi at lumapit sa kanya. Hah! mas matangkad ako sayo.

"Woah, chill bro, i'm the CEO of the KE" sabi niya. Siya pala yung CEO nang company na yun. Tsk! dapat di na lang ako pumayag sa pagininvest netong bwisit na 'to.

Kinuha ko naman yung folder at tinapon yun sa harap niya. Alam kong yan lang naman kailangan niyan eh, yung share ng company namin sa company nila. Tss

Pinulot naman niya yun. "i'm not going to ruin your relationship and also sorry for the attitude of my brother" sabi niya.

Tss! mga plastik sa mundo, dapat pinagbabawal na yan. Dapat sinusunog, katulad na lang neto dapat sinusunog rin to eh.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Di namin kailangan ng sorry mo, kaya umalis ka na" galit na sabi ko. Bumuntong hininga na lang siya at lumabas na.

Umupo na ako sa swivel chair ko at tumingin kay kath. "Dapat di mo siya ginanun, mabait naman yung tao eh" sabi niya.

What the--

"You can't trust people you've just met, kath" sabi ko at kinuha yung papers.

"Bakit ba ang sungit sungit mo sa kanya?" galit niyang sabi.

"Because he might hurt you too" sabi ko at pinirmahan yung sa financial papers ng hotel.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" sigaw niya at padabog lumabas.

Oh great!

Lumabas naman ako at sinundan siya. Nakita ko naman siya sumakay sa elevator. At kung minamalas nga naman, nagsara kaagad. Tss.

Sumakay naman ako sa isa pang elevator.

*ting

Bumaba na ako at nakita ko lang naman ang asawa ko na nakikipag-usap dun sa david na yun. Lumapit naman ako at nung mapatingin sa akin si kath ay inirapan niya ako.

Bumuntong hininga naman ako at humawak sa bewang ni kath. "Sorry pre" sabi ko. Pwe!

Napatawa naman siya ng mahina. Sapakin ko 'to eh. "It's alright, I know you're just being protective, oh, gotta go" sabi niya at tumakbo na paalis.

Sipain ko yan eh.

Napatingin naman ako kay kath na nakabusangot pa rin yung mukha. "don't be mad, i love you" bulong ko at hinalikan siya sa pisnge.

Hinila ko siya papuntang elevator, pagkapasok namin ay pinindot ko na yung pang 54th floor at sinandal siya. Linapit ko naman yung mukha ko.

"I'm sorry okay, don't be mad" sabi ko. Tumingin naman siya sa akin at nagulat ako ng hinalikan niya ako. Torrid.

Nilagay ko yung kamay ko sa waist niya at nilapit pa siya. Naghahalikan lang kami ng biglang.....

"Uh sir" napatigil kami at tumingin sa likod.

Langya! Kanina pa pala nakabukas yung elevator at ang dami pang nakatingin.

Hinila ko si kath palabas at hindi pinansin yung mga taong nakatingin at kinikilig pa.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon