"Kath open this door please" pagmamaka-awa ni dj.Kanina pa katok ng katok si dj pero hindi man lang binuksan ito ng kanyang asawa.
"Kath! Naantok na ako!" Ulit niya.
Napaupo na lang siya dahil wala rin naman siyang mapapala kung kakatok siya diyan at hindi naman bubuksan.
Niluwagan niya yung necktie niya at tinanggal ang sapatos. 12:56 a.m na at mamaya ay may trabaho pa siya.
"Goodnight" mahina niyang sabi at tumayo. Kinuha niya ang kanyang sapatos at pumasok na lang sa guest room. Dito na lang siya matutulog ngayon.
Pagkapasok na pagkapasok niya ay pabagsak siyang humiga at niyakap yung unan.
Mamaya, mag-iisip siya ng plano kung paano sila mag-babati. Ngayon, matutulog muna siya.
_______________Dj's POV
"Sir, here's your coffee" sabi ni kyle at nilapag yung pinagawa kong coffee sa table ko.
Tumango naman ako at lumabas na siya.
Ugh! Ang dami ko pang gagawin at inaantok pa ako. Maaga kasi ako umalis sa bahay para maaga ko na rin 'to matapos at para gawin ko na yung plano ko.
Pero parang hindi ko magagawa dahil sa kabundok nitong mga papeles.
*kring*kring*
Nilapag ko muna yung binabasa ko at tinanggap yung tawag.
"Hello, Daniel Padilla speaking"
"Oh good morning, i just want to have a partnership between my company and yours"
"Uhm, who's this?"
"Mr. Lim"
Shit! Si Mr. Lim pala 'to, yung company nila was one of the best companies worldwide.
"Oh Mr. Lim, it's so great to have a partnership with you"
Napatawa naman siya. "Haha, I heard your one of the best CEO here in the Philippines"
"Hahaha, really"
"Yeah, so later before lunch i'll be there to have a talk with you"
"Okay, sir" sabi ko at binaba na yung tawag.
Yes! Buti naman ay good news ang bumungad ng araw ko. Medyo nabawasan pagka-badmood ko. Medyo lang. Tss.
Kath's POV
"Manang asan po si dj?" Tanong ko kay manang na nagluluto ng breakfast.
"Ay iha, kanina pa siya umalis"
Napakunot naman noo ko. Tss. Bahala siya sa buhay niya, wala naman akong pakialam sa kanya eh.
"Eh manang kumain po ba siya pag-kaalis niya?" Okay may konting paki pa rin naman ako.
"Ay hindi eh"
Leche talaga yon!. "Ahh sige, akyat lang po ako manang" sabi ko at aakyat na sana ng magsalita si manang.
"Hindi ka ba kakain" tanong niya habang nilalagay yung pancakes sa plato.
"Tatawagin ko lang po sila damien"
"Ahh, sige iha"
Tumango na lang ako at umakyat na. Pinababa ko na sila damien at carl para makapag-breakfast na at para maaga silang makapunta sa school.