Kinabukasan
" May partner kana ba? " Hiro asked me,
Ako ba kausap n'ya? syempre ako talaga kausap n'ya kasi kami lang naman dalawa dito sa may library.
Kasalukuyan kami ngayon gumagawa ng report para mamaya sa school director ng school. Ginawa ko na 'yung part na report ko kaya nirereview nalang namin para hindi kami mapahiya mamaya, He's great with discussion and I'm great with my report kaya panigurado hindi kami mapapahiya mamaya.
Pero kung yung tanong n'ya ay partner para saan? ready na ba s'ya maging partner ko habang buhay? char
“ Saan nanaman? " Naiiritang tanong ko,
He looked calm, “ Sa Zumba Class, "
Luh? hindi ba n'ya alam pareho kaliwa paa ko nakakahiya naman maging partner n'ya.
" Wala pa, " I saidHe nodded, “ Partner tayo no? " He politely asked me,
" Ayoko nga magalit pa nililgawan mo, " I teased him, Asa s'ya magalit pa nililigawan n'ya ipost pa ako sa facebook, overthinking ako!
He rolled his eyes kaya gumanti ako na ikinagulat n'ya, ano 'yun s'ya lang magaling magtaray? “ Don't mind her, alam naman n'ya," He said. Kahit na alam n'ya babae parin ako no! " She's not a jealous person also hindi naman kita papatulan. Ano ka ba? ikaw na nga niyayaya kokontra kapa! "
" Hindi ako aattend," Inis na sabi ko, " Wala rin ako gagawin doon, " Dagdag ko pa
Kumunot ang dalawa kilay n'ya, " Kung ayaw mo pumunta okay lang naman sakin 'yun pero 'wag mo ako idamay. parehas tayo babagsak," Galit na sabi n'ya. Bakit parang kasalanan ko pa na hindi ako pupunta? ang dami naman pwede i partner jan type ata ako neto.
" Sige na nga, " Nakokonsensya sabi ko baka wala pa s'ya grades kasalanan ko pa.
Gusto ko na nga s'ya layuan pero bakit pinaparamdam n'ya sa'kin na hindi n'ya kaya na wala ako sa tabi n'ya, hindi n'ya kaya mag isa na wala ako.
Ang sakit makita na wala man lang s'ya interest alamin kung ano nararamdaman ko na sa tuwing sinasabi ko na gusto ko s'ya palagi n'ya nalang ako iniiwasan.
Alam ko naman kung hanggang saan lang ako na hanggang dito lang talaga ako bilang dati n'ya kaibigan, pero hindi ko alam kung hanggang saan lang din 'yung paghihintay ko na sabihing iiwasan ko s'ya.
" Gusto ko pagkatapos neto, lalayuan mo na ako, " Mahinahon na sabi ko,
" Para saan? " Nagtataka tanong n'ya,
I rolled my eyes just like what always did, "Manhid kaba talaga o wala kang pakiramdam? " Pagpipigil na luha sabi ko, " May nililigawan ka Hiro ako na nga nag adjust kahit ang sakit na tapos ikaw naman lapit kaparin ng lapit, " Sabi ko. Wala na ako pakealam kahit nasa library pa kami.
" Nasasaktan ako...." I looked at him, " sa tuwing nakikita kita masaya," Dagdag ko at unti-unting pumatak ang mga luha pinigilan ko.
Hindi s'ya nagsasalita tinitignan lang n'ya ako kung paano ko sabihin lahat nang sama ng loob na tinago ko, unfair ba ako? dahil pinipilit ko s'ya na mapasakin kahit hindi man n'ya ako gusto?
" Unfair ba ako? " I asked him, " Sorry ah, ang sakit eh,"
Kinuha n'ya ang panyo n'ya at ipinunas sa mukha ko,
" Nahihirapan ako..." Kinuha ko ang panyo sa kamay n'ya, " mag move-on kung palagi ka nagpapakita ng motibo."
Tumingin s'ya sa mga report na pinagaaralan namin para mamaya at hindi na n'ya ako tinignan. Gan'to s'ya palagi sa t'wing aamin ako o hindi kaya may sasabihin palagi n'ya nalang pinaparamdam na wala s'ya interest.

BINABASA MO ANG
Flashback ( Convo stories #1 )
Teen FictionIn a friendship, one will remember and one will forget, but in this story, what is the importance of friendship and love? Kierra is a young woman who grew up in a separated family until she met Hiro who would sympathize with the pain she experienced...