-------------------
Chapter 2Pagkababa ko ng airplane ay tinanggal ko agad ang shades ko at sinoot ang blazer jacket na dala dala ko. Ramdam ko yung sariwang hangin, mainit peru hindi siya masakit sa balat bagkus ay masarap ito sa pakiramdam.
Naghanap na ako ng tricycle na masasakyan ko papunta sa bahay ni lala, alam ko naman yung adress dahil minsan pumupunta naman kami ni mommy dito everytime on leave sila ni daddy.
"Saan ka neng?" tanong sakin ni manong driver ng umupo na ako sa tricycle at pinapaandar niya na ito upang lumarga na.
"Sa may upper Wanda, Veneracion residence po manong" Sagot ko dito habang kinakalikot ang walang signal ko ng cellphone, nakakainis.
"Hmmmm. Ka ano ano ka ng mga Veneracion neng?"
"Mommy ko po Veneracion, apo po ako ni Estrella Veneracion"
"Ah ganun pala. Kay ganda mong bata sigurado akong maraming manliligaw sa iyo doon sa lugar natin" sagot ni manong, salamat manong ha.
"Salamat po. Taga upper Wanda po kayo?"
"Taga roon ang asawa ko, trabahante kame sa bukirin at palayan ng lola mo"
Napatango na lang ako sa sinabe niya at hindi na nagsalita hanggang sa makarating kame sa bahay ni lala.
The ambience of the place is still the same. Malawak na palayan ang makikita sa bawat side ng bahay ni lala, still the same house na makalumang kastila type na bahay peru maganda parin ito dahil alagang alaga naman ito ni lala. I miss this place but I miss my condo more. Iniwasiwas ko sa isip ang mga bagay na naiwan ko way back home. Naglakad ako dala ang handy bag ko at iniwan na si manong na pinapasok ang mga naglalakihan kung walong maleta, syempre dagdag bayad din to sa kanya.
Binuksan ko ang gate na kulay pula bago lakarin ang mahaba habang area papunta sa bahay ni lala. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ay kumatok ako ng tatlong beses, bumukas naman ito agad at ngiting ngiti naman akong tumingin sa may katandaan na ngunit maganda paring babae sa aking harapan.
"Lala!" I exclaimed as I hug lala ng di niya ini expect. "I miss you lala".
"Stella Kate? Ikaw na ba yan Elai?" napangiwi naman ako ng binigkas ni lala ang buong pangalan ko pati narin ang nakasanayan niyang tawag sa akin.
"Lala Ella na lang po" nakasimangot kung sabi sabay yakap ulit sa kanya. Na miss ko si lala sobra.
"Ang ganda ganda mo na apo ah, may nobyo ka na ba?" What's up with these people bakit jowa ko ang pinoproblema nila.
"San pa ba naman ako magmamana lala"
"Oh siya halika, tamang tama nagluto ako ng meryenda, Carla pakidala sa living room nong meryendang niluto ko" inakay naman ako ni lala papunta sa living room niya.
Pagkahatid ng tinawag ni lala na Carla ng nilutong buko pie ni lala, ay nagsimula kaming kumain, kunti lang naman ang kinain ko dahil mag tatanghalian nadin naman maya maya lang.
"Lala who is she po?" I was pertaining to Carla girl na kasama ni lala dito sa bahay.
"Ah si Carla, anak siya ng isa sa mga trabahante ko sa burikin at palayan, magkasing edad ngalang ata kayo eh." pansin ko nga na magkasing edad lang kame, good to know na may makakasama din naman pala akong kasing edad ko dito.
I hope my stay here in this province wouldn't be so boring. Pagkatapos namin mananghalian ng masasarap na luto ni lala ay pinaakyat niya muna ako sa kwarto ko upang makapagpahinga dahil pagod ako sa byahe. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan at mag site seeing but I guess mamaya nalang siguro.
BINABASA MO ANG
Yes Doc! 🔞
RomanceIt all started with a single mistake. A one night stand with a total hunk. A doctor stranger who fullfill her youthful lust, under the influence of alcohol. Because of the uneasy feeling, and by igniting the fire, she needs to get laid, and thus doc...