Chapter Seven

45 0 0
                                    

-------------------
Chapter 7

Ella's POV

Pababa ng hagdan upang mag-almusal, nagugutom na ako lalong lalo na sa mga naamoy kung pagkain na alam kung nakahain na sa hapagkainan. Isang linggo narin simula nung huli kaming nag bar at umuwi akong walang malay, sermon ang natanggap ko mula kay lala noon kaya nagpapalamig na muna ako ngayon.

"Good morning sleepyhead."

"What are you doing here?" kunot noong tanong niya sa adonis na nasa kanyang harapan habang hot na hot na nakasoot ng apron sa pang itaas at wala ng iba, lunok laway niyang sinuri ang kabuoan nito, sheyt makalaglag panty.

"Masarap ba?" nakangiseng tanong nito na tinaasan niya lang ng kilay. "Anyways, I am here para ipagluto kayo ng almusal ni lola Estre, try it masarap ako, I mean itong niluluto ko." nang-aasar talaga ang damuhong ito eh no. I won't give him the satisfaction.

"No thanks, I'm out with my friends sa labas kame kakain." pagsisinunggaling niya dito kahit gutom na gutom na siya, lalong lalo na sa amoy ng mga pagkaing nakahain at wala naman silang lakad na napag-usapan ng mga kaibigan, peru paninindigan niya ang sinabi.

"Aw, sayang naman masarap pa naman ang mga ito, but it's okay kame na lang ni lola kakain nito, enjoy kayo ha." walang hiya talaga hindi manlang ako pinilit eh gutom na ako, siya namang kakababa ni lala kaya plano ko na lang sa ng totohanin ang pagkain sa labas.

"Oh Ella san ka pupunta, kumain ka na muna, masamang tinatalikuran ang grasya apo." Yes save by lala, thanks lala your the best.

"Naku, sa labas na raw siya kakain kasama ang mga kaibigan niya lola, kaya tayo nalang po ang kakain nitong mga masasarap na niluto ko." nanggigigil na lumingon ako kay Wil na noon ay pa ngise-ngise lang, talagang sinusubakan ako ng damuhong ito ha. Hindi pa man nakakaupo sina lala at Wil ay nauna na akong umupo at sumandok ng pagkain, infernes masarap magluto hindi lang pala siya ang masarap.

Pagkatapos kumain ay umakyat na si lala sa taas upang magpahinga at nagligpit naman ako ng pinagkainan, pasalamat narin sa masarap na handa ni doc., hindi ko napansin ang basang tumutulo sa sahig galing sa pitcher ng juice kaya muntikan na akong madulas at mahulog ang mga pinggan na hawak ko buti na lang at nahawakan ni Wil ang ilalim ng kamay ko na nakasangga sa mga plato at nagkatinginan pa kaming dalawa. Balak ko na sanang tumalikod ng higitin niya ang leeg ko at bigyan ng makakapos hiningang halik, ang lakas ng tibok ng puso ko, nakatulala lang ako sa nangyari at hindi ko namalayang si Wil na pala ang nagdala ng mga pinggan sa lababo, I was just so stupid kung bakit hindi ko siya sinampal, siguro dahil nagustuhan ko rin, aaargh wateber!

______

Papunta ng sala si Ella matapos niyang magligpit ng mapansin niyang parang may kausap sa telepono si Wil kaya hindi na lang siya nag ingay upang hindi ito madisturbo.

"please kuya, dont do anything stupid, please!" pakiusap ng nasa kabilang linya, napansin naman ni Wil si Ella sa shadow na makikita sa tv kaya nagkunwari ito sa kausap at agad na pinatay.

"Sige na bye, ingat ka diyan lage, na mimiss na kita." kunwaring sabi nito kahit wala na siyang kausap na alam niyang dinig na dinig ni Ella.  Hindi naman alam ni Ella kung ano ang mararamdaman sa narinig, naisip niyang may girlfriend pala ang doctor na ito peru kung makahalik sa kanya ay parang walang masasaktan, galit siya sa mga lalaking manloloko at naiinis siya dahil nakakaramdam siya ng damdaming hindi pamilyar, talaga bang naiinis siya dahil manloloko ito o dahil sa kaalamang may nobya na ito.

Siguro kung kontrabida lang ito sa isang pelikula at kabit pa ang role ay masasabi niya ang mga katagang, I will not give up William without putting up a goddamn fight, but movies are way too far from reality, and truth is she's not in a movie, and for the record she ain't a mistress, she won't let that happen.

Yes Doc! 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon