Tuesday, still the same. Hindi n'ya pa rin ako pinapansin, hindi n'ya ako kinikibuan. May nangyari ba?
Recess at sinundan ko s'ya para sana tanungin pero biglang dumating yung tropa nya kaya napa atras ako
Hindi kami sabay umuwi, umalis s'ya kaya na una na ako
"Oh Lexi anak, bat mag isa kang umuwi, nasaan si Kyle?" Tanong ni mama na nakasalubong ko sa daan
"Umalis po kasama ang barkada n'ya"
"Si Kyle may bagong barkada?" ( nagulat sya at natutuwa sa na laman )
"Oh sya, pumasok ka na at kung gutom ka may pansit dyan sa lamesa dala ni kuya mo kanina""Pumunta po dito si kuya?"
"Oo may kinuha lang sya kanina, ay sha may bibilhin pala ako"
Pumasok ako sa bahay nagbihis at kumain. Naalala ko si Kyle
"Ano kayang ginagawa nya?"
Tinext ko siya pero wala akong sagot na nakuha. Mukhang wala na siyang balak na panasinin ako.
Wednesday, hindi nya ako sinundo so pinuntahan ko sya sa bahay nila pero sabi ni tita umalis na siya
Magisa akong pumasok at ang nakakapagtaka, hindi naman sya pumasok. Ganoon din ang nangyari ng huwebes, hindi sya pumasok kaya nung uwian dumiretso ako sa bahay nila.
"Tita!" Pagtatawag ko sa harap ng bahay nila. Agad namang lumabas si tita
"Oh Lexi, napadaan ka anong kailangan mo? pasok ka muna."
"Ay hindi na po, nandiyan po ba si Kyle"
"Ay wala kanina pagkadating nya galing school umalis sila agad nung mga barkada nya, bakit?"
"Ah tita...." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba na di pumapasok si Kyle pero maganda na malaman nila tita para mapagbawalan sya at maituwid ang mali n'ya.
"Tita si Kyle po kasi hindi pumapasok, dalawang araw na po"
"Ha? Pero ang aga pa n'yang umaalis para sunduin ka ah"
"Ang totoo po hindi n'ya na rin po ako sinusundo, mas madalas na nga po n'yang kasama yung mga ka barkada n'ya"
"Ganon ba, Sige kakausapin ko ang batang yun pag uwi"
"Sige po tita uuwi na po ako, hapon na rin po"
"Ay oo sige magingat ka ha!"
"Opo"
Papasok na kaya s'ya bukas. Sana naman pansinin n'ya na ako. Namimiss ko na si Kyle, namimiss ko na yung kaibigan ko, yung dating Kyle na kilala ko.

BINABASA MO ANG
Friend Zone?
Teen FictionCan two friends fall in love with each other? Paano kung gusto ng lumayo nang isa because he want her to be safe. Will there be a forever or they will just get hurt?