War [ Chapter 1 ]

24 1 1
                                    

Well, pumasok naman s'ya ng biyernes but, just like this past few days hindi n'ya ako pinapansin. Lumipat din s'ya ng upuan doon sa likuran.

I don't know what's going on, did I do something wrong. Dahil kaya sinabi ko kay tita na di s'ya pumapasok?

Sinundan ko s'ya hanggang hallway. Nag lalakad s'ya habang nakikinig ng music, may naka suot na headset sa tainga nya na naka connect sa mp3 player na mukhang bago. Paulit-ulit ko siyang tinatawag pero di niya ako marinig kaya hinabol ko s'ya at tinanggal ang headset na nakalagay sa kanang tainga n'ya.

"Kyle pwede ba tayong magusap!"

Nagpatuloy sya sa paglalakad na parang walang narinig

"Kyle naman!Hinawakan ko ang kamay n'ya ng mahigpit na agad naman nyang kinalas

"Ano bang kailangan mo Lexi ha!"

"Gusto ko lang namang tanungin kung bakit di mo na ako pinapansin, bat di mo na ako kinakausap, bakit di ka sumasagot sa mga text at tawag ko?"

Lumakad s'ya palayo at hinabol ko naman sya...

"Kyle naman eh, pansinin mo naman ako!" (maluha luha kong sinabi)

"Kyle!"

"Ano ba Lexi!" Tumaas ang boses n'ya

"Pwede bang tigilan mo na ako. Sino ka ba para makialam sa buhay ko!"

"Ano ba kita!"

Nasaktan ako sa sinabi n'ya, napatigil ako sa paglalakad at parang hindi ko magalaw ang katawan ko, parang binagsakan ng malaking tipak ng bato ang puso ko na halos di ako makahinga.

Ano daw ba n'ya ako? Isa lang naman akong kaibigan na nagaalala, na gustong masuklian ang pagmamahal nya.

Simula noon di ko na s'ya nakita. Hindi na rin ako nagtetext, di na rin ako tumawag at hindi na rin ako pumupunta sa bahay nila. Ganon lang kabilis nasira ang pagkakaibigan naming dalawa.

Friend Zone? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon