Earlier [ Chapter 1 ]

21 2 1
                                    

Mag isa akong pumasok today. Habang naglalakad ako papunta sa aming classroom, may nakabangga akong guy. Mukhang nagmamadali siya, dahil sa pagkakabangga, nahulog ko ang phone ko at wallet.

Hoy! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!  ( sigaw ko sa kanya )

I'm so sorry miss, I didn't mean na mabangga ka.

Lumapit siya at pinulot ang phone ko tsaka ito inabot sa akin at agad ko naman itong kinuha.

Ahm, thank you. ( mahiya-hiya kong sabi )

Nagkasalubong ang aming mga mata at para akong pinana sa puso ni Kupido. Ang ganda ng mga mata niya, ang ganda ng boses at gwapo ang mukha na talaga namang nakakabighani. Bigla bumilis ang tibok ng aking puso.

I'm so sorry talaga miss. By the way I'm Zy......
( napatigil siya nang may biglang tumawag sa kanya at tinignan niya ito )

Tol! Tara na, bilis!

Ay sorry miss ha, aalis na ako. Meet nalang ulit tayo next time.

Kumaripas na s'ya ng takbo. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba. Tumalikod na ako at dumiretso na ako sa aming classroom. Hindi ko na naman nakita si Kyle sa klase—teka! bakit ko ba siya iniisip? Ang sakit kaya nang ginawa niya sa akin. Pero hindi ehh, hindi talaga ako mapakali. Isang linggo na kasi siyang 'di pumapasok, may nangyari kaya sa kanyang masama.

Nagsimula na ang klase at wala pa rin s'ya. Bigla akong tinawag ni ma'am Dela Santo—ang aming adviser.

Mrs. Ortega? Pwede bang lumapit ka dito saglit at kakausapin lang kita ( mahinahon niyang sinabi )

Tumayo ako sa aking kinauupuan at agad lumapit kay ma'am.

Kaibigan mo si mr. Santiago diba? Alam mo ba kung bakit hindi na siya pumasok?

Actually po ma'am, hindi ko rin po alam. Hindi ko na rin po s'ya nakikita at nakakasama eh.

Ay ganon ba. Kung pwede sana paki tanong nalang sa parents niya or sa kanya kung bakit hindi s'ya pumapasok. Maapektuhan kasi ang grades niya kung magpapatuloy s'ya sa hindi pagpasok.

Sige po ma'am ( agad kong tugon )

Friend Zone? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon