Kyle [ Chapter 2 ]

28 2 1
                                        

Kauuwi ko lang galing eskwela, nakadaan na rin ako sa bahay nila Kyle. Gulat na gulat at parang sasabog sa galit si tita nang malaman niya ang hindi pagpasok ni Kyle. Ang alam daw kasi nila, lagi itong pumapasok at ang aga pa nga raw n'yang umaalis kasama yung tropa n'ya.

Lagot sakin ang batang yun, sige Lexi ako na ang kakausap sa kanya.

Sige po tita uuwi na po ako

Nang medyo nakalayo na ako sa bahay nila, bigla akong nakarinig ng pagbagsak ng pinto na para bang mawawasak ito sa lakas.

Lagot si Kyle neto, yari din ako baka lalong magalit yun sakin ( bulong ko sa sarili )

<Kyle>

Narinig ko na naman ang magandang boses ni Lexi. Nasa labas s'ya ng bahay ngayon at tinawag si mama para kausapin. Biglang nagbago ang mood ni mader nang magkausap sila, Mukang alam na ni mama na 'di ako pumapasok.

Kaalis ni Lexi, biglang binagsak ni mama ang pinto galit na galit akong tinawag...

Tarantado ko talagang bata ka —— Kyle Santiago!!  ( sigaw niya )

Nagbukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad sa akin ang namumula at galit na mukha ni mama, may hawak na walis na s'yang pinangbato n'ya sakin

Aray ko po!! Bakit galit na galit ka ma!??

Wag mo akong matawag na mama!!

Edi Carmen!

Hinampas ako ni mama at di mawari kung matatawa o magagalit. Tarntado kang bata ka! Nagagawa mo pang magbiro ha!

Sorry naman po, ano po bang problema?

Nagmamaang-maangan ka pa, akala mo walang magsusumbong ha! Bakit di ka pumapasok? Bakit di mo na sinusundo si Lexi ha? Nag-away kayo? Ang tanda mo na Kyle, dapat alam mo na ginagawa mo!

Sorry ma, lagi lang ako napapasama sa barkada eh.

Isang linggo? Aba grabe naman kayo! Walang kapaguran?!  ( nangtaas s'ya ng kilay habang mapang-asar na pumapalakpak )

Ehh kasi nam.....

Anong eh kase eh kase. Hindi ka na sasama jan sa mga barkada mong yan!

Ma pakinggan mo muna po ako!

Ikwenento ko lahat kay mama at biglang nagbago ang kanyang timpla.

Nasaktan ko si Lex ma, tsaka alam ko na galit na galit sakin yun ( paliwanag ko sa kanya )

Kahit na! Pumasok ka bukas kung hindi—naku malilintikan ka talaga sakin! ( Hinawakan ako sa patilya tsaka ito pinakot )

Araaayy!!! Oo na ma—papasok na po

Kinagabihan, humiga ako sa kama at kinuha ko ang aking cellphone. Tulalang nakatitig habang pinapaikot ito sa aking mga kamay.

Hindi na tumatawag si Lexi, kamusta na kaya s'ya. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba siya para humingi ng tawad.

Gagawin ko ba? ( tanong ko sa sarili )

Pano kung di n'ya sagutin? Pano kung di s'ya maniwala sakin? Pano....? Samu't saring mga tanong ang pumapasok sa utak ko. Ano na bang gagawin ko?

Friend Zone? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon