<Lexi>
After one week, hindi pa rin kami naguusap ni Kyle. Masama parin ang loob ko sa mga sinabi n'ya. Pumasok ako nang mag-isa at hindi ko siya nakita sa klase. During breaktime, naka upo lang ako sa isang bench sa tapat ng café dito sa school nang may biglang tumawag sa akin.
Lexi! Hoy! Oy ganda!
Liningon ko naman ang tumatawag sakin at si Sam pala ito ( Samantha Cabiles, Sam in short )
Ay talaga naman eh! lumingon lang nung sinabing ganda.
Uy! Sam ikaw pala. Kamusta? ( matamlay kong sabi )
Eto beautiful and sexy parin!
Matalik ko ding kaibigan si Sam, pero mas bihira ko na siyang makasama dahil malayo ang bahay nila and iba rin kasi ang strand na kinuha n'ya para sa senior high. Grade 3 nang makilala ko si Sam-lagi ko s'yang nakakalaro noong elementary days kaya dahil don naging malapit kami sa isa't-isa. Anong laro? Syempre dahil hindi pa uso ang phone and online games dati, madalas kaming naglalaro noon ng piko, tumbang preso, harang taga, chinese garter and many more hehe.
Napakasaya ng elem days namin. Yung tipong wala kang iniisip na problema. Ang sarap balik-balikan
Pansin ko lang Lex, hindi na kayo nagsasama ni Kyle. Dati madalas na para kayong mag-jowa kapag naglalakad d'yan sa hallway ah. May nangyari ba? Nag-away ba kayo? ( mabilis niyang tanong na tila ba mauubusan ng hininga )
Hindi ka nagkamali Sam. Nag-away nga kami.
Bakit? — I mean, bakit kayo nag-away?
Kinuwento ko sa kanya lahat nang nangyari and guess kung ano naging reaction nang ate niyong chismosa?
Grabe naman yun friend. Sobrang nakaka-hurt talaga, hay nako kapag nakita ko yung Kyle na yan, sasapakin ko talaga yan.
( bakas ang panggigigil sa kanyang mukha )Pero alam mo, dapat ayusin n'yo yang alitan sa pagitan ninyo bago pa masira ng tuluyan yang friendship n'yo.
Yun naman talaga yung gusto ko Sam eh, ang kaso lang hindi ko na siya nakikita dito sa school. Nahawa na ata s'ya sa mga bago niyang kaibigang tukmol.
By the way, alam mo na ba ang chismis?
Huh? Ano naman yun? Affairs? Away or baka nemen scandal?
Sira! Hindi. May bagong salta-ay teka grabe naman yung salta parang sa preso eh-may new student daw na dumating today and balita ko, gwapo daw si guy! Mayaman, matalino and matcho. ( bigla syang napasigaw sa kilig at niyugyog ako ng parang puno, oh wag kayong mang lait parang namang....jk )
Sakin lang siya Lex ! Just kidding haha.
Ano name n'ya?
Ang pagkakaalam ko, Zyrus Leigh Walton ata? Oh diba name palang mukang mayaman na. At eto pa! Etong si guy, magiging classmate n'yo daw.
Ahh ganon ba. ( medyo naiilang kong tugon )
Yun lang naman ang chismis ko friend. Mauna na ako Lex at nagugutom na me. Kumain ka na ba?
Yup, kakatapos ko lang. Sige na, eat well nalang.
Umalis na siya and naiwan naman akong mag-isa. Hindi maalis sa isip ko yung guy na ikinwento sa akin ni Sam. I think, I've already met him already. Hindi ko lang alam kung kailan or saan.

BINABASA MO ANG
Friend Zone?
Teen FictionCan two friends fall in love with each other? Paano kung gusto ng lumayo nang isa because he want her to be safe. Will there be a forever or they will just get hurt?