Friendship Be Like [ Chapter 1 ]

38 2 0
                                    

<Lexi Ortega>

Do you have a friend na mabait, maasikaso, maunawain, pogi, na katulad ni Kyle nasa kanya na siguro lahat ng katangian at parehas kami ng goal sa buhay, ang makapagtapos sa pag aaral, magkaroon ng magandang trabaho at makapag travel sa iba't ibang bansa.

Bigla akong may narinig na boses sa labas, ang boses ni Kyle

"Lexi! Naka ayos ka na ba? Tara na!"

"Oo, wait lang bababa na ako"
(malakas na tugon ko sa kanya)

"Kanina ka pa ba? pasensya na ah napa-tagal ako"

"Di ok lang actually kakarating ko lang" (nakangiti nyang sinabi)

"Saan ba lakad natin?"

"Ikaw saan ba gusto mo"

"SM, matagal na nung huli tayong pumunta doon, ano game ka"

"Sige let's go!"

Kada weekend gumagala kami ni Kyle kung saan saan kami pumupunta pero ang pinaka madalas namin puntahan ay SM pero pag may mga project kami siyempre hindi kami nakakagala. Grade 11 na kasi kami opo senior students na po kami, halos sabay na kaming lumaki pero di ako ganon kalaki hanggang leeg nya lang ako hahaha hoy, wag nyo ako tawanan parang ang tangkad ah. By the way so ayun nga BFFs ang parents namin kaya BFF na rin kami, yes since BIRTH.

"Lexi kain muna tayo gutom na ako eh, doon tayo sa food court"

"Sige gutom na rin ako, kanina pa tayo lakad ng lakad"

(Bumaba kami at pumunta sa paborito naming kainan)

"So ano order mo Lexi libre ko?"

"Ay wew! Sige yung S1 nalang, ako na bahala sa drinks"

S1; Rice with grilled chicken

"Ok, ate dalawa nga pong S1"

"So after we eat saan tayo pupunta?" (tanong ko sa kanya habang kumakain)

"May bagong bukas na crane games station jan punta tayo"

"Sige tara"

Pagkatapos kumain ay dumeretso na kami sa sinasabi n'ya at, teh! Gulat ka? Gulat din ako, ang luwag ang daming pwedeng laruin at saka may makukuha ka talaga di gaya sa iba, ubos na yung pera mo, eh wala ka pang nakuha. Nung napagod na kami at di na namin mahawakan yung mga nakuha namin, ayun umuwi na kami syempre alangang tumira kami dun.

<Kyle Santiago>

Kakauwi lang namin ni Lexi at sobrang ang pagod pero masaya. Nakakain ako with her, naglaro ng crane games at para narin kaming nagdate.

Nagdate? Opo, I think I love her already. Actually, in-love naman na talaga ako sa kanya. Pwede namang mag-ibigan ang magkaibigan diba?

Mas maganda pa nga yun kasi kilala ko na s'ya at kumportable na ko sa kanya pero nahihiya akong umamin.

Natatakot kasi akong magalit s'ya, ayokong masira ang pinagsamahan namin kaya tatahimik na muna ako.........sa ngayon.

Friend Zone? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon