CHAPTER 1: Back to Philippines

1.4K 13 0
                                        

SAMANTHA POV:

Hi guys, I'm Samantha Buenavista! And yep, andito ako ngayon sa airport ng California.

I'm heading back to the Philippines para i-surprise ang ate ko, si Xandra. Wala akong balita sa kanya lately-last month pa kami huling nagkausap, so uuwi na ako para maasikaso ko rin ang business ko.

Yes, I have my own business, bukod pa dun sa family business namin na kaming dalawa ni ate ang naghahandle. Pero secret lang ang tungkol sa success ko. Ako ang number one sa business industry, followed by the Aranetas and then kami, the Buenavistas.

Feeling ko may sarili nang pamilya si Ate Xandra. I'm happy for her kahit hindi ko alam kung kelan siya kinasal. Hindi naman ako galit, super busy lang talaga ako lately. Anyway, enough of the kwento. Nandito na ako sa airport, and my flight is at 12:00 PM-11:55 na, so I need to get ready. Business class ang ticket ko, pero mix ng public and business seats ang setup ng plane.

"Excuse me, Ma'am Sam, we need to board the plane na po para makapagpahinga na rin po kayo," sabi ng secretary kong si Sandara.

"Okay, thanks. Let's go," sagot ko.

Pumasok na kami sa eroplano.

(Inside the Plane)

"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 4B7 with service from California to the Philippines. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes. Please fasten your seatbelts, secure your baggage, and turn off all personal electronic devices. Thank you for choosing Philippine Airlines. Enjoy your flight," sabi ng captain.

(After 1 Hour)

Naka-focus ako sa pagbabasa ng libro habang tulog na tulog si Sandara sa tabi ko. Pero bigla akong nakarinig ng commotion sa likod. Tumayo ako para silipin kung anong nangyayari. Nagising din si Sandara.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" tanong niya, halatang confused.

"May naririnig kasi ako na nagtatalo sa dulo. Titignan ko lang kung anong nangyayari. Himala naman na himbing na himbing ka sa tulog," sabi ko.

"Makikichismis ka lang naman, ma'am eh," bulong niya na narinig ko pa rin. Tsk, sinasabi pa niyang bulong.

"What did you say?" tanong ko, taas ang isang kilay.

"Uh, nothing, ma'am! Sasamahan ko na lang po kayo. Hehe," sagot niya habang nangangamot ng ulo.

Pagdating namin sa public seating, narinig ko ang mga sigawan:

"Marcos magnanakaw!"
"Dapat 'di kayo nandito!"
"Ni hindi kayo bagay dito!"

Naghanap ako ng flight attendant at tinanong kung ano ang nangyayari.

"Ma'am, pasensya na po kung naabala kayo. Si Ms. Irene Marcos Araneta po kasi-kapatid ng Pangulong BBM-nandito. Puno kasi ang business class restroom kaya gumamit siya ng public restroom. May nakakilala sa kanya, kaya nagkakagulo." Sabi ng flight attendant

Pinuntahan ko ang commotion at nakita si Ms. Irene na mukhang naiilang. Biglang may babaeng papalapit sa kanya na mukhang sasabunot! Agad ko siyang hinila sa likod ko. Alert naman agad ang mga bodyguard ko at niya.

"Ma'am Sam, mabuting bumalik na tayo sa seat natin. Mas safe doon," sabi ni Sandara.

"Let's go na po, Ma'am, para makapagpahinga na rin kayo," sabi ko kay Ms. Irene. Naalalayan ko siya pabalik sa seat niya.

"Maraming salamat, Iha. Ang bait mo naman," sabi ni Ms. Irene habang ngumiti. Ang ganda niya lalo pag tumatawa!

"Welcome po, Ma'am I-" sasabihin ko

"No no Iha. Just call me Tita Irene Nice to meet you." Nakipag-shake hands siya sa akin at binigyan pa ako ng business card.

"Uhm Nice to meet you too din po T-tita Irene." Sabi ko ng nakangiti

"Anytime you need something, tumawag ka lang, iha. What's your name nga pala?" tanong niya.

"I'm Samantha Buen-" Biglang nag-announce ang captain na magla-landing na kami.

"Ma'am Sam, kailangan na po nating bumalik sa seat natin," sabi ni Sandara.

Nagpaalam ako kay Tita Irene, at ngumiti siya habang sinasabi, "Hope to see you again, Samantha."

Paglapag namin sa Pilipinas, kinuha ko ang luggage ko at nagsimula nang lumabas ng airport. Hays, nakakamis ang Pilipinas.

Four years na rin akong hindi nakakauwi. Pero syempre, hindi pa rin natapos ang kumpulan sa labas ng airport dahil nandito daw si BBM. Kaya nag-sunglasses na lang ako at sumbrero para hindi makilala at pumunta na kami sa sasakyan. Pilipinas, I'm back!

THE REAL & ONLY DAUGHTERWhere stories live. Discover now