03 : Acceptance

3.6K 99 10
                                    


Chapter 03 : Acceptance

Lahat ay nag-aalalang nakatingin kay Allison habang mahimbing itong natutulog sa silid niya. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ni Dwight kung paano siya tinitigan ni Allison kanina. Iyon ang unang beses niyang nakita si Allison na magalit. Hindi niya rin maipaliwanag kung saan nanggaling ang lakas na ipinakita ng kapatid kanina.

Walang kahirap-hirap ibinalibag ni Alice ang katawan niya sa lupa. Wala rin siyang nagawa noong magpumiglas siya sa kaniya. Ang akala niya ay katapusan na niya kanina. Kahit ngayon ay ramdam pa rin niya ang kamay ng dalaga sa leeg niya.

Was she really the Allison he knew? Saan nito kinukuha ang lakas nito? Allison was always been weak and a crybaby. Lahat ay idinadaan na lamang sa iyak, lalo na sa tuwing nahihirapan siya.

“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Dwight?! Bakit nagkaganu'n na lang ang kapatid mo?!” bunto ng ina dahilan para bumalik siya sa reyalidad.

Napailing siya at muling inalala ang nangyari. “I-I don’t know . . . Hindi ko sinasadyang mabanggit siya sa kanya.

Dwight naman! Ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit naging ganito si Allison! You shouldn’t have mentioned him to her!

S-Sorry, Ma. Hindi na mauulit.

Dismayadong tinignan siya ng ina. Napailing ito bago binagtas ang daan palabas. Napatingin siya kay Allison na noon ay mahimbing pa ring natutulog.

---***---

MADALING ARAW na nang magising si Alice. Sa wari niya'y dalawang oras siyang nakatulog. Masyado na bang mahina ang pangangatawan niya at nakatulog siya ng ganu'n katagal? Nanikip na naman ang kaniyang dibdib nang maalalang ngayon ang libing ng kaisa-isang taong itinuring niyang matalik na kaibigan.

Nagtungo siya ng banyo upang linisin ang sarili niya. Nanlalagkit na rin ang katawan niya sapagkat ilang araw na siyang nakaratay sa kama.

Napapikit siya nang maramdaman ang lamig ng tubig na nanggagaling sa shower. Kahit papaano ay nagawa siya nitong pakalmahin. Bagaman sariwa pa rin sa iba't ibang parte ng katawan niya ang mga tinamo niyang sugat ay tila wala siyang maramdamang hapdi. This kind of feeling was normal for her. In fact, it gave her pleasure before. Ito lang ang nakakapagbigay sa kaniya noon ng pakiramdam na tao siya at hindi isang kasangkapan lang.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas siya ng banyo. Hindi alintana ang tubig na pumapatak mula sa katawan niya. Nagtungo siya sa closet ni Allison upang maghanap ng maisusuot.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Wala siyang makita maliban sa mahahabang blusa at bestida. Anong taon ba ipinanganak ang kakambal at tila napaghuhulihan na sa uso? Napailing na lamang siya at kumuha siya ng isa sa mahahaba nitong bestida. Hindi man komportable ay wala siyang pagpipilian.

Nang magtungo siya sa pintuan ay napatiim-bagang na lamang siya nang mapagtantong nakasarado ito mula sa labas. Balak ba nilang ikulong siya sa pamamahay na ito na parang baliw?

Tumingin siya sa kabuuan ng silid hanggang tumigil ito sa bintana. Napangisi siya. Sa tingin ba nila ay kaya nilang ikulong siya sa silid na ito? Escaping was her specialty.

Napatingin siya sa labas ng bintana nang buksan niya ito. Nasa ikalawang palapag siya ng bahay. Humina na ang ulan ngunit ang pag-ihip ng hangin ay nanatiling malakas. Bumuntong hininga na lamang siya at hindi nagdalawang-isip na tumalon. Maayos siyang bumagsak sa lupa na tila isang pusang hindi man lang nagkaroon ng impact sa lupa nang tumalon.

Bumuntong-hininga siya at nagmadaling lisanin ang lugar.

Nang makarating siya sa lugar kung saan ililibing ang matalik na kaibigan ay hindi na niya magawang lumapit. Nagtago siya sa malaking puno. Sa hindi kalayuan ay tanaw niya ang mga magulang ni Gwen at ilang kamag-anak ng mga ito. Nagluluksa habang ibinababa ang kabaong ng anak sa kailaliman ng lupa.

Mapait siyang napangiti. Paano kaya kung hindi nagmagandang loob ang mag-asawa at hindi siya kinupkop nang makita siya sa gilid ng kalsada na naghihingalo? Kung sana ay pinabayaan siya ng mga ito ay hindi sana naging ganito ang aabutin ng kanilang anak. She was the reason why their sole child died in that car accident.

Ikinuyom niya ang mga kamao niya. Gusto niyang isa-isahin ang mga taong naging sanhi nito. Tutugisin siya? Hintayin nilang siya ang umisa-isa sa kanila.

---***---

NANGINGINIG ANG buo niyang katawan nang tumigil siya sa isang pintuan. Tila isa siyang basang sisiw. Ilang oras na rin siyang nagpalakad-lakad sa kabila ng malakas na hangin na may kasamang pag-ulan. Napaawang na lamang ang kaniyang labi nang mapagtantong nasa labas siya ng tahanan ng mga Munroe, ang pamilyang umabandona sa kaniya.

Wala siyang alam na maaaring takbuhan maliban sa mga ito. Nakakatawa. Sinong mag-aakalang dito rin ang bagsak ko?

Allison Munroe. Kung kinakailangan niyang kunin ang pagkatao ng kakambal ay gagawin niya.

Bumuga siya ng hangin bago pinindot ang doorbell. Ilang segundo pa lang ay nagbukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang nakatatanda niyang kapatid.

Allison!

Mabilis siya nitong hinila papasok sa loob. Natatarantang kumuha ng towel at ibinalot sa kaniya. Wala siyang emosyong napatingin sa sala nang makuha ng atensyon niya ang mag-asawa kasama ang nakababatang kapatid na si Ross.

Mabilis siyang nilapitan ng ama at malakas na sinampal.

Victor!bulalas ng ina. Nagmadali itong pumagitna sa kanila na animo'y pinuprotektahan siya sa ama.

Mapait siyang napangiti. Dapat ba niyang ikatuwa na makita ang ganitong senaryo?

Hanggang kailan mo ba gagawin ‘to, ha?! Gan’yan ka na ba ka-desperada sa lalaking iyon?! bulalas ng ama.

Mabilis na nagsalubong ang kilay niya. Ano ba ang sinasabi ng matandang ito? Sinong lalaki ang tinutukoy niya? Blangko siyang tumingin sa ama.

Maaari na ba akong bumalik sa silid ko?walang gana niyang tanong. Hindi binigyang-pansin ang pag-aalburuto ng ama. Muli ay dumapo sa pisngi niya ang mabigat na kamay ng ama.

Hindi kita pinalaki para sagot sagutin mo ako ng ganiyan!

Naikuyom niya ang panga niya. Pinipigilan ang inis na nagsisimulang maghari sa loob niya. Ilang saglit pa ay natatawa siyang tumingin sa ama.

Huh, really? sarkastiko niyang tanong.

Itinaas muli ng matanda ang kamay na animo'y sasampalin siya ulit nang yakapin siya ng asawa nito.

Victor, tama na! Hindi nakakatulong sa kaniya ang pananakit mo!

Kaya lumaking ganiyan ang anak mo eh! Masyado mong kinukunsente! Sana isinama mo na rin iyan noong ipatapon mo ang–”

Victor, stop!ma-awtoridad na turan ng asawa.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Bahagya pa siyang napangisi. Kung ganu’n ay kaya nilang sabihin iyon ng harap-harapan?

Pagsabihan mo yang anak mo, Rina! Masyado nang sakit sa ulo! galit na sabi ng matanda at ‘saka umalis. Tumingin si Mrs. Munroe sa kaniya na may halong pag-aalala. Hinaplos nito ang pisngi niya kung saan siya nasampal ng magaling niyang ama. Mabilis niyang tinanggal ang kamay nito at lumayo sa ginang.

Allison,” marahang sambit ni Mrs. Munroe. Napakurap siya nang mapansing hindi man lang nagpakita si Allison ng kahit anong emosiyon.

Halika na, Allison. Dalhin na kita sa silid mo.

Hinawakan ni Dwight ang braso niya. Hindi naman siya kumibo at sumama rito. Mas nanaisin pa niyang sumama sa kapatid kaysa maiwan kasama ang babaeng iyon.

The Nerd's Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon