Chapter 13 : Executioners
"Have you ever dealt with a psycho?" malamig na tinig ni Alice habang nakatingin kay Renzo.
Namumuntla na ang mukha ni Renzo ngunit mas lalo pa itong namulta dahil sa narinig. Kahit anong gawin niya ay hindi niya maitago ang takot na nararamdaman niya. Gusto niyang sagutin ito na meron. Ngunit hindi kasing lala ng babaeng nasa harap niya ngayon. Sa mukha pa lang ay tila hindi ito ang unang beses na ginawa nito ang bagay na ito. Ang maisip man lang iyon ay nananayo na ang balahibo ni Renzo. Alam niyang dilikado ang buhay niya sa kamay ng babaeng ito.
"S-Spare me," pagmamakaawa niya.
"I don't spare sinners," walang ganang sagot sa kaniya ni Alice.
"P-Please."
Nanghihina na siya. Ramdam niya ang pagbagal ng paghinga niya, gayon din ang panlalabo ng mga mata niya. Hindi pa rin tumitigil ang paglabas ng dugo sa ulo niya.
"But I'll spare you for now."
Tila binuhayan ng dugo si Renzo sa narinig. Kung ganu'n ay maaari siyang makaalis dito ng buhay? Kahit papaano ay nakaramdam siya ng pag-asa.
"Really pathetic," muling saad ni Alice. Hindi niya maitago ang pagkadisgusto sa mukha nito nang makita kung paano naging maaliwalas ang mukha ng lalaki dahil sa sinabi niya. "You should be thankful that I am still sane right now."
"Hah!" singhal ni Renzo sa kabila nang pagkahilong nararamdaman. Ilang saglit pa ay tumawa ito. "Bakit kung makapagsalita ka ay parang nakapatay ka na ng tao?"
Halos pabulong na ito kung magsalita. Mabagal na rin ang paghinga at namumutla na. Ilang minuto mula ngayon ay hindi malabong mawalan na ito ng malay.
Mapaglaro siyang tumingin dito. "You don't even have an idea."
Inayos ni Alice ang magulo nitong buhok gamit ang patalim na hawak niya. Nais niyang matawa nang makitang mas lalo itong namutla sa ginawa niya. Nakuha naman ng atensyon niya ang smartwatch na suot ni Renzo. Muli siyang umismid. "Do you even have an idea what kind of game you got involved with?"
Kumunot ang noo ni Renzo at napatingin din kung saan siya nakatingin. Hindi maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Nais niyang maawa dito ngunit sa kasamaang palad, hindi siya nakakaramdam ng awa. Lalo na sa mga taong katulad ni Renzo at ang mga kaibigan nito.
"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Renzo.
"Have you ever dealt with a psycho?" pag-uulit niya sa tanong kanina.
"Ikaw pa lang naman," natatawa at manghihinang sagot ni Renzo. Hindi pa rin nawawala ang takot sa mga mata nito ngunit dahil na rin sa impluwensya ng matinding pagkahilo ay tila hindi nito alam ang ginagawa. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ere. Nanlalabo na ang paningin niya.
"You should congratulate yourself, then. Starting today, you're going to meet a bunch of psychos," seryosong tugon ni Alice.
Napalunok si Renzo muling marinig ang malamig na boses ng dalaga. Ipinikit niya ang mga mata niya at hindi maiwasang mapalunok muli. Nawawala na siya sa huwesyo. Alam niyang ilang minuto lang ay mawawalan siya ng malay.
"Any minute from now, you're going to enter the game," rinig niyang saad pa ni Alice. ". . . The real game, I mean."
Ramdam ni Renzo ang pagtayo ng dalaga at naglakad palayo sa kaniya.
"Stay alive. I'll be the one who will hunt you."
Rinig niya ang pagbukas-sara ng pinto. Nanatili namang nakapikit ang mga mata niya. Gustuhin man niyang tumayo ay wala na siyang lakas para gawin iyon. Hindi rin siya makasigaw ng tulong. Maliban sa hindi nga naririnig ang ingay sa loob ay wala na ring boses ang lumalabas sa bibig niya. Walang maririnig sa paligid maliban sa mga patak ng tubig na galing sa shower kung saan niya naabutan ang dalaga. Nanatili pa rin itong bukas.
Sampung minuto matapos lumabas ni Alice ay muli narinig ni Renzo ang pagbukas ng pintuan. Hindi niya mapigilan ang tuwa. Ang akala niya ay wala nang makakakita sa kaniya.
"T-Tulong," pabulong na niyang saad. Hindi niya alam kung ilan ang taong pumasok. Base sa yabag ng mga paa nila ay mahigit sa isa ang pumasok sa silid.
"Anong gagawin natin sa kaniya?" Kinabahan siya nang magsalita ang isang lalaking may malalim na boses. Hindi niya maidilat ang mga mata niya upang tignan sila ngunit sa lalim ng boses ng taong may-ari nito ay alam niyang malaki itong tao.
"He's now a prey," saad ng isa pang lalaki. Malamig ang boses nito. Hindi niya tuloy maiwasang maalala si Allison. Parehong magsalita ang mga ito. Tinig pa lang ay parehong sumisigaw ng awtoridad.
"You mean player, duh?" pagtatama sa kaniya ng isang babae.
Hindi niya maipaliwanag ang kaba sa dibdib niya. Hindi pa rin sigurado kung ano ang pinag-uusapan nila.
"I can't believe that she even let this guy alive. Has she gone soft?" natatawang saad ng isa pang lalaki. Ngayon ay alam niyang apat ang taong nasa harap niya.
"You're talking nonsense again. What's so special about her? She's just a player and the organization wants her dead. If she was my target, she's probably dead by now," singit ng babae.
Rinig niya ang marahang pagtawa ng lalaking kausap ng babae sa kanila. "You're the one who's talking nonsense, Thana. You don't know her."
"Says by someone who can't even lay a hand on her. Tell me, how many times did you try to kill her but she's still breathing and kicking-"
"Shut up, both of you," ma-awtoridad na utos ng lalaking sa tingin niya ay ang may hawak ang superyuridad sa kanilang apat.
Hindi malaman ni Renzo kung ano ang pinag-uusapan nila. Ang mas pinagtataka pa niya ay nakatayo lang ang mga ito sa harap niya. Base sa paraan ng pag-uusap nila ay tila wala sa mga ito ang gusto siyang tulungan na dalhin sa clinic para ipagamot ang sugat niya.
"Spade, take him," utos pa ng lalaki.
IIlang saglit pa ay naramdaman ni Renzo ang malalaking kamay na humawak sa tagiliran niya. Halinghing lang ang nagawa niya nang pasanin siya ng lalaki na tila isang sako. Mukhang hindi nga siya nagkamali, malaking tao ang unang nagsalita nang pumasok sila sa silid.
Unti-unting rumehistro sa kaniya ang mga sinabi ni Allison. Kakaibang kaba at takot ang naramdaman niya. Hirap man siya ay pinilit niyang buksan ang mga mata niya. Iniangat ang ulo upang tignan ang mga taong tumatangay sa kaniya ngayon.
Dug. Dug. Dug.
Ang bilis ng pagtibok ng puso niya nang masilayan niya ang tatlo sa mga ito, lalo na nang magtama ang mga mata nila ng lalaking pinapagitnaan ng isang babae at isa ring lalaki.
Nakasuot silang lahat ng maskarang may nakakatuwang disenyo ng pusa. Pare-pareho rin silang nakasuot ng itim na damit. Sa oras na iyon ay gusto niyang tanungin ang sarili kung anong klaseng laro nga ba ang pinasukan nilang magkakaibigan?
At kung bakit nasa harap niya ngayon ang ilang myembro ng . . .
"I-Insanus."
BINABASA MO ANG
The Nerd's Twin Sister
Misterio / Suspenso"It becomes chaos when the hunters are now the ones to be hunted." °°° In an Organization, there is a ruler. In a game, there are players. And when a player breaks the rules, there are executioners. Would you join the game out of curiosity and plea...