01 : Switched

6.8K 147 5
                                    


Chapter 01: Switched

From an abandoned building, the dripping of water from the dilapidated ceiling can be heard. It was dark, dirty, and nothing could be useful. The smell of the building was foul and pungent. Everything was almost eaten by dust and rust. No one would attempt to enter it.

Unless, you wanted to get rid of a person. It was a perfect place for it.

Mommy?a voice of a young girl echoed at every corner of the abandoned building.

Bakas ang takot sa mukha niya. Hindi alam kung bakit siya naroroon o kung paano siya napadpad sa lugar na iyon. Nang magising siya ay nandito na siya sa lugar na ito.

Daddy? I-I'm scared,she whispered.

Ang huling naaalala niya ay inaya siya ng ina na mamasyal sa labas. Habang nasa byahe ay nakaramdam siya ng antok. Paggising niya ay narito na siya sa lugar na ito. Nakahiga sa maruming sahig ng gusaling ito. Ang puti niyang bestida ay hindi rin na makilala. Ganu'n din ang yakap-yakap niyang teddy bear.

Daddy?! Mommy?! Where are you?!”

Nagsisimula nang tumulo ang luha niya. Magdidilim na ang buong paligid. Giniginaw na rin siya. Anong gagawin niya? Takot siya sa dilim.

Ilang minuto siyang nagpagala-gala sa lawak ng gusali hanggang marinig ang mga yabag ng paa na papalapit sa direksyon niya.

Kakaiba ang kabang nadarama niya nang unti-unting luminaw sa paningin niya ang isang pigura ng matabang lalaki, may kasama pa itong dalawang binatilyo.

Ito lang ba ang pinapaligpit sa atin? hindi makapaniwalang tanong ng matabang lalaki. Kinuha niya ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng jacket niya. Isinubo niya ang sigarilyo at agad sinindihan.

Isang bobwet lang pala,singhal niya habang nagpapalabas ng usok sa bibig niya.

Napalunok ang batang babae. Mahigpit na napahayakap sa hawak niyang teddy bear. Lumapit naman sa kaniya ang isa sa mga binatilyo. Tumigil ito dalawang metro mula sa kaniya 'saka lumuhod upang pantayan ang tangkad niya.

Anong pangalan mo, bata? kasuwal na tanong ng binatilyo.

A... Allicanaih,mabagal at mahinang sagot ni Allicanaih.

Ang gandang pangalan para sa isang magandang bata, muling saad ng binatilyo. Hali ka.

Sinenyasan siya ng binatilyo na lumapit ngunit mas lalo siyang lumayo. Sa murang edad ay ramdam niyang nasa dilikado ang kaniyang buhay sa kamay ng mga lalaking ito.

Tapusin mo na,” walang ganang saad ng matabang lalaki.

Napatiim-bagang ang binatilyo. Naiinis na nilabas ang maliit na patalim. Bago pa man magawang tumakbo ni Allicanaih ay mabilis siyang nahablot ng binatilyo. Ramdam niya ang matalim na bagay sa gilid ng leeg niya. Ilang saglit pa ay bumaon ito sa leeg niya.

Mabilis na bumagsak sa lupa ang mura niyang katawan. Ramdam niyang nahihirapan na rin siyang huminga. Tanging ungol lang ang lumalabas sa bibig niya.

Ramdam niya ang paglapit sa kanila ng dalawa pa. Kawawa ka, bata. Hindi ko lubos maisip na sarili mong mga magulang ang mag-uutos na patayin ka.

---***---

NAGISING SI ALICE habang hinahabol ang hininga. Ang lalim na bawat hiningang binibitawan niya. Isama na ang tila nabibiyak niyang ulo. Ang huling natatandaan niya ay bumangga ang sinasakyan niyang kotse at doon siya nawalan ng malay.

Iginala niya ang mga mata niya nang mapagtantong hindi pamilyar sa kaniya ang silid na kinaroroonan niya. Napatingin siya sa mesang nasa gilid ng kama. Naningkit ang mata niya nang makita ang mukha niya rito. It was her face, but it was not her. It took her seconds to realize where she was.

Napatingin siya sa pintuan nang magbukas ito. Gulat ang rumehistro sa mukha ng lalaking nagbukas nang makita siya.

A-Allison?! Thank God! You're awake!

Allison? Hindi nga siya nagkamali. Pangalan ng kakambal ang itinawag sa kaniya. Mapait siyang napangiti. Kung ganu'n ay nasa pamamahay siya ng pamilyang umabandona sa kaniya.

“Mom! Dad! Allison is finally awake!”

Hindi nagtagal ay dumating ang magulang nila, kasama ang isang binatilyong sa tingin niya ay nasa labing limang taong gulang na.

Napakurap siya. Sa loob ng labing dalawang taon ay ngayon niya muling nasilayan ang mga mukha nila. Ramdam niya ang pagkulo ng dugo niya, lalo na nang makita ang mukha ng mag-asawa. Nais niyang padanakin ang dugo nila sa sahig gamit ang sarili niyang mga kamay. Nangangati ang kamay niyang gawin ito ngunit nanatiling blangko ang mukha niya. Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosiyon.

Hinawakan ng kaniyang ina ang kamay niya. “May kailangan ka ba, anak? May masakit ba sa iyo?

Bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila. Bagay na hindi niya nakita noong nasa puder pa siya ng mga ito. Sa oras na iyon ay gusto niyang tanungin ang mga ito. Ano ba ang pinagkaiba nila ng kakambal upang ipatapon na lamang siya habang nararanasan ng kakambal ang pagmamahal at pag-aaruga nila?

Bumuntong hininga siya at binawi ang kamay niya.

Can you leave me alone for a while? she coldly asked.

A-Anak, huwag ka namang ganiyan. Hindi namin kayang makita kang nagkakaganito—

Mahirap bang intindihin ang sinabi ko? inis niyang untag.

Allison,ma-awtoridad na suway sa kaniya ni Dwight, ang nakakatanda sa kanilang magkakapatid.

Mas mabuting iwan muna natin siya. Hindi magiging maganda ang kalalabasan nito kung makikipagtalo pa tayo, saad naman ng ama. Hinawakan ang balikat ng asawa at pilit na pinapalayo sa kaniya.

Get well soon, Ate Allison, ani Ross, ang nakababata niyang kapatid. Hinawakan siya ni Dwight sa balikat bago ito umalis sa silid. Sumunod naman iba sa nakakatandang kapatid.

Muli siyang nahiga sa kama. Wala siyang ibang ideya kung paano siya napadpad sa lugar na ito o kung ilang araw na siyang natutulog. Alam niyang hindi lang isang araw siyang nakatulog matapos ang nangyari sa kaniya. Bakas pa rin ang mga sugat na tinamo niya sa pagkakabangga ng sasakyan nila.

Mag-iisang taon na rin simula nang magkaroon siya ng tahimik na pamumuhay. Kinupkop siya ng dalawang mag-asawang negosyante. Mayroon silang anak, si Gwen. Halos kapatid na rin ang turing nito sa kaniya. Kung nakaramdam man siya ng pagmamahal, kahit sa kaunting panahon ay sa pamilya ni Gwen niya ito naramdaman.

Sa hindi inaasahan, na-diskubre ng organisasyong humahabol sa kaniya ang kaniyang kinaroroonan. Ang masama pa ay kasama niya si Gwen nang mga oras na iyon.

Nakipag-karerahan siya sa mga ito upang takbuhan sila. Sa kasamaang palad ay bumangga siya sa paparating na truck. Hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lamang siya at nandito na siya sa lugar na ito. Kasama ang dalawang mag-asawang naging sanhi ng unang kamatayan niya.

Napamura na lang siya nang maalala si Gwen. Damn! What happened to Gwen?!

The Nerd's Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon