Chapter 05 : First Day [1]Ibinalik niya ang gadget sa drawer nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napakurap siya nang makita ang isang dalagang sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nila. Bakas ang tuwa sa mukha niya nang lapitan siya at walang pasabing niyakap.
“Gosh! It’s really true that you’re back!” mangiyak-ngiyak na bulalas ng bagong dating. Hindi naman siya gumalaw. Tinatanong ang sarili kung sino ang babae? Why is everyone being touchy right now?
Ilang segundo pa ay kumalas ito sa yakap. “I really missed you, Allison. Akala ko ay hindi na kita makikita.”
“Me too,” walang ganang saad niya. Agad na bumagsak ang balikat ng dalaga dahil sa tono niya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang pilit na ngumiti upang maiwasang magtaka ng babaeng nasa harap niya. Umaliwalas naman ang mukha ng babae dahil sa pagngiti niya.
Dumako ang tingin niya sa ID ng babae. Mary Claire Kaiton.
“Bakit pala hindi ka pa nagbibihis? Pinapasundo ka sa akin ng Dean.”
Napakunot ang noo niya. Huwag niyang sabihing kailangan na niyang pumasok? For hell’s sake! She just arrived minutes ago!
Nagtungo ang babae sa closet at kinuha ang uniporme niya. Puting blusa na may mahabang manggas, tsaleko at ribon na kulay marun, at lagpas tuhod ang kulay abong palda nito ngunit mahaba pa rin kumpara sa suot ng babaeng kaharap niya na nakikita na ang tuhod.
Umismid siya. Masyadong conservative ang kapatid niya.
Hindi siya umimik at kinuha ang uniporme.
“Hintayin na lang kita sa lobby,” saad pa nito.
Matapos niyang magbihis ay tinignan niya ang repleksyon niya sa salamin. Kahit papaano ay naging disente ang hitsura niya. Kahit may kahabaan ang palda niya ay kapansin-pansin ang maputi at makinis niyang mga binti. May mahabang medyas na kasama sa uniporme ngunit wala siyang balak na isuot ito. Isinuot niya ang itim na sapatos na nasa shelve na sa tingin niya ay hindi pagmamay-ari ni Allison. Malamang ay kay Mary Claire ito. Manipis ang takong nito na may three inches ang haba. Maayos niyang itinali ang buhok niya at isinuot ang walang grado niyang salamin.
Dumako ang tingin niya sa bintana. Marami siyang nakikitang estudyante sa labas. It seems like it was a mistake to take her twin’s identity.
---***---
NAPAAWANG ANG LABI ni Mary Claire nang makuha ng atensyon niya si Allison. Ganu’n pa rin naman ang ayos ni Allison maliban sa hindi niya pagsusuot ng medyas at may takong ang sapatos ngunit tila ibang iba siya ngayon. Maluwag ang tsaleko at blusa niya ngunit hindi naging hadlang upang makita ang hubog ng katawan niya.
Napatingin si Mary Claire sa paligid niya nang mapansing hindi lang siya ang nakapansin nito. Halos lahat ng madaanan ni Allison ay napapatingin sa kaniya.
“Let’s go,” saad ni Alice nang makalapit kay Mary Claire. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. Napaka-amo pa rin tignan ng mukha ni Alice na animo’y hindi nito magagawang manakit ng tao. Napaka-inosenteng tignan.
Sa totoo lang ay kung mag-aayos lang siya ay hindi malabong maraming magkagusto sa kaniya.
“Hey,” naiinis nang dagdag ni Alice nang mapansing tulala lang na nakatingin ang kasama.
Bumalik naman sa ulirat si Mary Claire. “S-Sorry. Hindi kita nakilala. Gosh! Parang gumanda ka ng kaunti, Allison!”
Napatingin ang karamihan sa gawi nila. Hindi inaasahang maririnig ang pangalang iyon makalipas ang dalawang buwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/325770593-288-k75103.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerd's Twin Sister
Mystery / ThrillerMYSTERY-THRILLER |ONGOING "It becomes chaos when the hunters are now the ones to be hunted." °°° In an Organization, there is a ruler. In a game, there are players. And when a player breaks the rules, there are executioners. Would you join the game...