C.01

2.5K 64 5
                                    

Gutom. Yan ang nararamdaman ni Regina ngayon. Kakatapos lang kasi ng three meetings niya at ngayon lang siya ulit makakalabas ng conference room simula kaninang umaga.

Salubong ang kilay niya ng lumabas mula dito. All she can think about is food, food, food.

"Regina, finally, natapos na din?" nakangiting bati sa kanya ng best friend niyang si Ali pero mabilis din namang nawala ang ngiti nito ng makita ang itsura niya.

"napano ka na naman?" takang tanong nito habang sinasabayan siyang maglakad.

"I'm hungry Ali, very hungry." she said sabay dumeretso sa kotse ni Ali.

Mabilis namang in'unlock ni Ali 'yun para makasakay agad si Regina. Alam na niyang may mga moods ang best friend niya na hindi pwedeng banggain, at kasama na dun yung pag gutom ito.

Buti nalang talaga at nakaparada na agad ang kotse niya sa mismong entrance ng firm nila kundi baka nagalit na si Regina.

Pumasok na siya sa sasakyan at pinaandar ito.

"san tayo kakain Regina?" tanong niya.

Regina just stared at him na para bang dapat alam na niya kung saan. And indeed he does.

Napalunok nalang siya, kahit talaga mag best friends sila natatakot pa din talaga siya dito kung minsan eh.

"sabi ko nga, dun tayo sa favorite resto niyo ni Brian." sabi niya sabay nagmaneho na.

Habang nagmamaneho si Ali ay nakatingin lang si Regina sa labas ng dinadaanan nilang mga gusali.

Regina Vanguardia. Galing sa isang kilalang pamilya, maganda, sexy, matalino, marunong tumulong, may puso, mayaman, mabait pero minsan masama din ang ugali. Lahat na talaga na kay Regina na. Kaya hindi talaga nito maintindihan kung bakit nakipag break sa kanya si Brian. Si Brian na mahal na mahal niya.

But then, she's not one to chase after people na ayaw sa kanya. Even if it's Brian.

Bumaba na sila matapos mag park ni Ali, kinuha naman agad ni Regina ang phone niya para tawagan ang isa pa nilang kaibigan na si Xandra na yung client is nakipag meet outside their office.

"Xandra." Regina says the moment na sumagot ang kaibigan.

"andito kami sa favorite resto ko. Come here quick coz I'm starving." sabi niya dito.

"alam ko namang jan pa din tayo, don't worry, malapit na ako." sabi nito.

"okay, bye, take care." sabi niya dito at tinapos na ang tawag.

Pumasok na sila ni Ali sa resto at nakitang wala masyadong tao.

"wala yata si Brian dito." Ali tells her and she rolled her eyes.

"dapat lang, coz if he's here, it means he already found someone new and is taking her out for a date." sagot niya dito na tinanguan naman ni Ali.

Regina indeed has a point. Ito lang naman ang restaurant sa lugar nila na laging pinagdadalhan ni Brian sa mga naging ex niya, even Regina Vanguardia na dati ding girlfriend nito.

"let's go sa usual spot natin here." she said at nauna ng maglakad.

Pagkaupo na pagkaupo nila ay lumapit agad ang waiter na laging nagse-serve sa kanila.

"ma'am Regina, sir Ali, usual order po ba?" tanong nito sa kanila.

"yes." sabi ni Regina sabay nag cellphone na.

"darating din si Xandra, so the third order din sana." sabi naman ni Ali and the waiter nodded.

Umalis na yung waiter at saktong dumating naman si Xandra.

"hi!" nakangiting bati nito sa dalawang kaibigan.

"wag mo nalang kausapin 'yan, kilala mo na 'yan pag gutom." sabi ni Ali kaya napa chuckle si Xandra.

The trio's friendship started nung College sila, puro matatalino kaya usually naglalaban sa klase at sa grades. Later on, they found comfort in each other and they literally bond over everything. Fast forward to 10 years later, sobrang tatag na ng samahan nila.

Their order came after awhile of waiting. Nakita nila kung pa'no nagdasal si Regina that made them smile.

Kilalang mataray sa firm and halimaw sa korte ang best friend nila pero kahit ganu'n, marunong naman itong magdasal at may takot din sa Diyos.

As they started eating, pinag-usapan naman nila Ali ang about sa naging meeting ni Xandra, busy naman kasi si Regina sa phone niya kaya hindi pa nila ito makausap sa ngayon.

Habang nagsasalita si Ali, napatingin naman si Xandra sa unahan niya dahil bumukas ang pinto at nanlaki naman agad ang mata niya at muntik pa siyang mabilaukan ng makita kung sino ang mga pumasok.

Siniko naman niya si Ali na katabi niya sabay nguso sa kung saan siya nakatingin.

"shit! anong ginagawa niya dito?!" bulong na tanong ni Ali sa kanya.

"kakain malamang! pero sino 'yung kasama niya?!" bulong din na sagot ni Xandra matapos niyang lunukin ang kinain niya.

"double shit! date niya?!" tanong ulit nito.

Binitawan naman ni Regina ang phone niya ng mapansing nagiging weird na ang mga kasama niya.

"why are you two whispering?" tanong niya na kinagulat ng dalawa.

"what? is there a problem?" takang tanong niya ulit.

"w-wala Regina..ano, k-kumain ka na." sabi ni Ali sabay subo din ng pagkain niya.

"weirdos." sabi ni Regina sabay irap at kumain na lang ulit.

Bigla namang may nag notify sa phone niya kaya tinignan niya ito.

Regina herself almost choked on her food.

Brian Robles posted a new photo.

Nilingon naman agad niya ang paligid as both Ali and Xandra tried to stop her but it's too late.

Nakita niya na si Brian na may kasamang babae.

"what the fuck?" Regina cursed and both Ali and Xandra knew something evil will unleash within Regina.

"who is she?!"

+++++

NOTE: first chapter, thoughts? :)

Unforeseen (Reginarda/Darlentina AU)Where stories live. Discover now