Disclaimer: This story is just a fiction, don't take it too seriously because you might end up getting hurt, thank you! Additionally, this story is not affiliated with the mentioned school/universities. thank you!:>
________________________________________________________________________________
"Athenaaaaaaaa!" galit na sigaw ni Mama mula sa baba.
"Wait lang po! Eto na po!" sigaw ko pabalik habang pilit kong binubuksan ang mata ko kahit antok pa. Grabe, umagang-umaga pa lang, ang dami na agad sinasabi ni Mama. Jusko, sana 'di everyday ganito!
Bumaba na ako pagkatapos kong ayusin ang higaan ko. Pagdating ko sa sala, andun si Mama—nakakunot ang noo, at ayun na nga, may kasamang pingot pa.
"Araay! Ma! Bakit ba?" reklamo ko.
"Lintian ka talaga, Athena! Anong oras na, hindi ka pa bumabangon? Wala ka bang pasok ngayon ha? First day mo tapos late ka? Napakatamad mong bata ka, Diyos ko, puputi na agad ang buhok ko sa'yo sa stress!"
Hindi ko na siya sinagot. Diretso na lang ako sa banyo para maligo bago pa humaba pa ang sermon niya.
Pagkaligo ko, bumungad sa akin sa kama ko ang nakaayos kong uniform—pinlantsa na pala ni Mama.
"Wow, kahit galit si Mama, love pa rin ako," bulong ko sa sarili ko. Tapos may bigla na namang tanong mula sa sala.
"May sinasabi ka ba diyan, Athena?" sigaw ni Mama.
"Ah wala po, Ma! Magbibihis lang ako, maaga pa naman," palusot ko habang akyat agad sa taas.
Pagkabihis ko, bumaba na ako para magpaalam.
"Ma, alis na po ako."
"Edi umalis ka. Ano gusto mo, samahan pa kita papuntang school? Huwag kang OA, Athena. Malaki ka na, mahiya ka naman."
"Loh, nagpapaalam lang naman po ako, grabe naman," bulong ko. Pero hindi pa rin ako umaalis.
"Eh bakit andiyan ka pa?"
"Ah, yung baon ko po. Baka lang po nakalimutan niyo," sabay ngiti at cute mode ako. Nakakaawa look para makalusot.
Napabuntong hininga si Mama tapos dumukot sa wallet. Binigyan ako ng 120 pesos.
"'Yan, diyan ka lang magaling—sa hingi ng baon. Pero yung grades mo, kelan mo ba aayusin 'yon?"
Hindi ko na siya pinatapos. Hinalikan ko agad siya sa pisngi.
"Bye Ma! Love you! Mag-iingat po ako! Syempre ayaw mo mawala yung pinakamaganda mong anak diba?"
Tumaas lang kilay ni Mama habang pinipigilan ang tawa. Pero alam kong aliw din siya kahit pa mainit ulo niya kanina.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep, sobrang kabado ako. First time kong pumasok mag-isa. Usually, sinasamahan ako ni Mama, lalo na pag first day. Pero ayoko nang marinig yung sermon niya hanggang gate ng school kaya tiis na lang.
"Lord, please guide me. First day ko mag-isa. Sana hindi ako mawala. Amen."
Pagdating ko sa sakayan, dali-dali akong sumakay ng jeep at nagbayad. Nakikinig na lang ako ng music habang nakatitig sa bintana. Iniisip ko kung ano kayang mangyayari sa bagong school na 'to.
Pagbaba ko ng jeep, takbo agad ako. Late na yata ako!
"Oh my gosh! Late na ako! First day pa naman ng klase!" bulong ko sa sarili ko habang hinihingal. "Yari ako neto kay Mama 'pag nalaman."
Pagpasok ko sa school, parang lost ako. Ang daming building. Hindi ko agad mahanap yung room ko. Kaya lumapit ako sa isang ate na naka red shirt na may tatak na SSG.
YOU ARE READING
Unnoticed Glances (TS #1)
Narrativa generaleTrio series #1 Athena Zyrille "Azy" Cruz a talkative girl who always gets into fights so she is often in guidance, kind but reprimanding. until she met an SSG officer, his name is Rafa Jefferson Vinzon 3rd year high school who always focuses on stu...
