"Hoy, sino bang tinitignan mo diyan?" tanong sakin ni devy
" Shh... ingay mo!" inis kong sabi sakanya. habang nakatingin pa din kay na bibi rafa sa may sea side
" RAFA JEFFERSON VINZON!!!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si devy, kaya tinakpan ko agad ang bunganga niya.
Nakatalikod lang ako kung nasan naka tambay sina rafa, habang takip takip ko ang bunganga ni devy. nakita ko namang ntatawa si gel sa amin
" mukhang narinig niya ata, tignan mo oh, hinahanap kung sino yung tumawag." saad ni gel, kay pa unti-unti akong lumingon sa kinaroroonan ni rafa. oonga pati yung mga kaibigan niya hinahanap din kung sino yung tumawag. kaya lumingon ulit ako kay gel at pinakawalan na ang bibig ni devy. nakita ko namang humahagikgik ang gaga, kaya inambahan ko siya.
" Wait nga lang, diyan muna kayo ah, mag lilibot lang ako. wag niyo ko aalisan, jan lang kayo." sabi ko sakanila bago ako umalis sa kinauupuan ko
" Weh? Tologo bo azy? pupuntahan mo lang si rafa eh, suss...." mapanuyang saad ni devy
"lolo mo, tsk." inirapan ko pa siya bago ko sila iniwan ng tuluyan.
Habang naglalakad ako, ay wala akong ibang ginawa kundi ang kuhanan ng picture ang mga bagay na alam kong pwedeng ipost sa fb at sa ig. tinignan ko muna ang relo ko at tinignan ang oras, 3:00 pm sakto kaya nag libot libot pa ako, dahil balak ko bumalik kay na devy ng mga 3:40. Ang last kong pinuntahan at kinuhan ng pic ay ang ferris wheel. P-picturan ko na sana yung dalawang couple na papasok sa loob ng ferris wheel ng biglang mapuno ang ang memory ng cp ko, kaya bwesitt ako ako habang nag dedelete ng mga photos at video.
" Azy?!" gulat na tanong ng kung sino, kaya tiningala ko'to
" Oy bran, ikaw pala." saad ko nalang sakanya at nginitian siya, bago bumalik sa ginagawa ko. wala akong panahon makipag chikahan nga yon, dahil sa pesteng cp na'to
" Bat ba mukhang badtrip ka?" tanong niya
" Paano kase itong cp ko na full memory, di ko tuloy napicturan yung couple kanina, ang cute pa naman nila!" badtrip na sagot ko sakanyan habang iniisip pa rin kung anong buburahin ko sa cp ko 'badtrip!'
" ah yon lang pala, kala ko kung ano na." saad niya " don't worry, akong bahala diyan sa probelma mo, magiging guardian angel mo'ko ngayon." saad niya saka binaba-taas ng kilay niya
nagtataka ko siyang tinignan " Huh? Pano?" tanong ko sakanya
nagulat ako ng kunin niya yung cp niya sa bulsa. latest na model yon ng iphone. " Ano namang gagawin ko diyan?" tanong ko sakanya ng ibigay niya sakin yung cellphone niya
" Yan, gamitin mo pang pic, magandang pang ig yan. don't worry kahit ilang beses mo pang pang picture yan, di yan mapupuno agad. 516gb yan!" pampapainggit niya sakin, kaya inirapan ko siya
"Yabang mo!" asik ko sakanya, kaya tumawa to ng malakas
" Sige na, ipang pic mo na yan, tas mamaya send ko sayo. saan ka ba madalas gumamit ng socials mo? Ig or fb?" tanong niya sakin
"both." sagot ko. kaya tumango nalamang ito
Habang kinukuhan ko ng pic ang mga couple na nakikita, ay naisip ko rin kuhanan ng pasimple si bran habang naka upo sa may bench at may iniinom na milktea, nakuhanan ko pa siya ng ilang shot, bago niya mapansin yon, kaya dali dali siyang lumapit sa akin
" Nakita ko yon!" mapanuyang sabi niya " ikaw ah.. kung gusto mo kong kuhanan ng pic, dapt nagsabi ka sakin para prepared naman ako!" sabi niya pa
" lolo mo, ang pogi mo kase kanina sa pwesto mo, kaya naisipan kong picturan ka." saad ko sakanya. nakita ko naman ang gulat at pamumula ng tenga niya sa sinabi ko " oh bat namumula yang tenga mo? kinikilig ka?" ani ko pa
" Hindi noh! ganyan talaga pag tisoy namumula. palibhasa, mahirap mamula yang balat mo eh." laban niya pa pero nginisian ko lang siya " di ka paba tapos diyan?" biglang tanong niya. kaya binigay ko sakanya yung iphone niya
" Pag pinrofile mo yang kuha ko sayo, wag mo kong kalimutang i mention or i tag ah." sabi ko sakanya
" Azy, tignan mo ang cute oh!" biglang turo niya sa kung saan kaya naman napatingin ako don. pero wala naman, bumaling ulit ako sakanya, nakita ko siyang ngiting ngiti nakatutok sakanyang cp
" hoyy baliw! ano yan, ah?" tanong ko saknya, but still nkangiting nauttok pa din siya sakanyang cp. kaya sinilip ko na kung ano yon, i was shocked when i saw my pic in his phone
" the heck ka?!" galit na ani ko sakanya. kaya pala inuto ako ng mokong na yon, kase pinicturan ako
" Why? ang cute mo kaya, and don't worry, azy. isesend ko naman sayo to mamaya." saad niya ng nangaasar " don't forget to mention or tag me ha? and oonga pala, anong ig mo? sa fb palang tayo friends eh." saad niya pa saka tumawa
" Baliw ka! bahala ka jan!" ani ko sabay irap at tinalikuran siya, pero ramdam ko ang pagsunod niya sakin. naramdaman ko namang may biglang umakbay sakin. " ano ba! di tayo close noh!" asik ko sakanya habang tinatanggal ko ang pagkakaakbay niya sakin, pero tinawanan niya lang ako.
" ikaw, ang liit liit mo, kung makapag tampo, wagas!" saad niya sakin pero inirapan ko na lamang siyang umakbay sakin
Pagkarating ko sa pwesto namin nina devy, ay nandoon na si ate nath. nagulat sila ng may kasama ako, kita ko sa expression ng mukha ni devy ang gulat ganon din kay ate nath, pero si gel ay nanatiling nakatingin lang sa amin.
" Hi, I'm bran, nice to meet u!" masayang bati ni bran sa kanila, sabay tanggal ng pagkakaakbay niya sakin at sabay upo sa inupuan ko kanina. nang matauhan si ate nath at devy ay nagpakilala na sin sila
" I'm nathalie." pakilala ni ate nath
" I'm devy." pakilala ni devy
" Hoyy! kaming kaibigan mo lang pwedeng tumawag non sayo! di naman natin kaibigan yan!" alma ko kay devy. at nagtawanan naman sila
" edi it means kaibigan niyo na ako!" saad ni bran ng natatawa
" Lol" saad ko pero tinawanan niya nalang
" kilala na kita, natatandaan kita." saad ni bran habang nakatingin kay gel " diba ikaw yung tinulungan ni rafa noon? para mahanap yung classroom mo?" tanong ni bran kay gel. pero tinanguan lang siya ni gel, halatang naiilang si gel kay bran. kaya tinulak ko siya sa upuan at pinapaalis
" Alis!" saad ko sakanya
" Ayoko nga!" laban niya
" Alis na! istorbo toh!" pero tinatawanan niya lang ako kaya nainis na ako " Ano bang kailangan mo para umalis kana?!" masungit na tanong ko sakanya
" ig mo." maikling sagot nito
"eh paano kung ayoko?" panghahamon ko
" edi hindi ako aalis, diba friends nanaman tayo noh?" biglang tanong niya kay na devy. agad namang nag si tanguan sila. " see." saad niya pa
"Athezy_c." pagsuko ko
" Ano?" tanong niya habang hawak ang cp niya, di ko na siya nagawang sagutin bagkus ay hinablot ko na lamng ang cp niya at tinype ang ig ko, sabay bigay sakanya " eto yon? sure toh? di mo ba ako niloloko?" sunod sunod na tanong niya
" Oo! kaya tsupi na, istorbo ka sa date namin eh!" pag papaalis ko sakanya. nakita ko namang tumayo na siya, at mukhang magpapaalam na
" Ok, bye sainyo, lalong lalo na sayo liit!" sabi niya sabay talikod saamin, kaya inirapan ko nalang siya.
Nang makaalis si bran ay may makahulugang tingin agad ang binigay nila sa akin except kay gel. base sa mukha ni devy ay ang pang ju-judge sa akin, yung kay ate nath naman ay di ko mapaliwanag. umupo ako sa upuan ko atsaka tumingin sa pwesto ni na rafa kanina, napansin ko namang wala na sila don kaya bumaling ulit ako kay na devy
" Ano yon?" tanong agad ni devy sakin
" naaalala ko yon, azy. yun yung isa sa mga transferee dati na pinagkaguluhan sa school, may kasama din siya gwapo din." mahabang saad ni ate nath
" Ah wala yon, devy. baliw yung mokong na yon. atsaka oonga pala ate nath, sinong kasama?" tanong ko kay ate nath
" gwapo din siya, pinsan niya ata yon." sabi niya pa
" yung crush mo, azy." biglang singit ni gel. kaya napagtanto ko na kung sino ang tinutukoy ni ate nath
" si rafa ba, ate nath?"tanong ko kay ate nath
" Oo yon nga. bakit crush mo?" tanong sakin ni ate pero tanging pag kilig lang yung nasagot ko sakanya, kaya ngumiti siya sa akin " Actually nakita ko siya kanina." saad pa ni ate nath
" Saan ate?" masayang tanong ko sakanya
" doon sa may food truck, malapit sa ferris wheel kung saan kita nakita kanina." saad niya na nagpalaki ng mata ko. so it means nakita niya kami ni bran don? pero paano, di ko naman siya nakita kanina, tsaka di ko alam na nandon din siya. because i thought nasa sea side siya. halaa omg! no, hindi pwede, baka pagkamalan niya akong gusto ko si bran, shit shit shit!!! no way! sira na imahe ko sakanya dipa kami. hindi naman kase niya kasama si bran kanina tas, hindi din siya kasama ni bran kaya akala ko... Ahhhhhhh!
YOU ARE READING
Unnoticed Glances (TS #1)
Narrativa generaleTrio series #1 Athena Zyrille "Azy" Cruz a talkative girl who always gets into fights so she is often in guidance, kind but reprimanding. until she met an SSG officer, his name is Rafa Jefferson Vinzon 3rd year high school who always focuses on stu...
