Chapter 14

7 0 0
                                        



"Eto na yon?" tanong ko sa picture ni pusit, Ng s-stalk kase ako sa fb acc niya kase walalang lalaitin ko lang charr...


Habang nang s-stalk ako ay napunta na din ako sa ig niya at nakita ko namang naka public yon


Yesha_SF
     300         1,120               340
    Posts     Followers  Following

'Taray daming followers ni gaga sana all diba'

Tinignan ko ang mga post niya at napansin kong kasama niya si bran don sa isang pic naka akbay at nakatingin sakanya si bran habang nakangiti, si gaga naman ay naka wacky habang nakatingin sa camera 'Sana all tsk.' , inislide ko pa yung pic at nasaktan ako sa nakita ko pano ba naman kase kasama ni pusit si bibi rafa sana all diba? 'but it's ok, ako naman magiging asawa niyan sa future HAHAHAHAH charr'


ng matapos akong mang stalk ay tinabi ko na ang cp ko ata natulog kase sobrang kapagod tong araw na'to ka umay kase yung mga yon amp.. ako pa lumalabas na b.i parang mga tanga. pasalamat sila mabait ako sakanila kung hindi sinumbong ko sila kay mama na mala machine gun yung bunganga AHAHAHAH dejk lang, ayoko lang talagang malaman nila lalo ni papa baka lalo silang madisappoint sakin, di na nga ako matalino tas lagi pa akong napapa guidance diba?? kaya hinayaan ko na lang sila na baliktarin ako

"oh athena zyrille kamusta ang pag-aaral mo? mabuti naman ba?" tanong sakin ni mama habang nasa hapag kainan kami kasama ang magaling kong kapatid 'shitt pano ko sasagutin to? please lord forgive me mukhang magsisinungaling nanaman po ako.'


"ok, lang ma, ano ahm.. maganda naman yung pasok namin kanina kase wala naman pong pinagawa samin yung mga teacher's namin kanina" sagot ko kay mama ng nakangiti para naman di mahalatang may malaki talaga akong problema sa school


"sus... wag kang maniwala diyan ma, nakita yan ng tropa ko kanina kinakausap yung tricycle driver yon daw ata yung tatayong tatay nila sa school, ewan ko lang po ah yon kase yung nakita at narinig ng tropa ko kanina" sabat ng magaling kong kapatid 'tangina talaga pahamak yung tropa ni kuya amp... h-huntingin ko yun tas sususnugin ko bahay non, pahamak bwesitt.' tumingin ako kay mama at nakita kong naka kunot noo siya 'patay'


"lolo mo, sinabihan ko lang si mang ben na ingatan si nicole pauwi kase para na siyang tatay non, ito talaga sasagap ka na ngalang ng chismis mali pa. bakit sino ba yang tropa mong yan ah?" sagot ko na tanong sakanya pero tinawanan lang niya ako " bat ko naman sasabihin sayo edi nalaman mo kung sino AHAHAHA baliw" sagot naman ni kuya pabalik, kaya inirapan ko nalang siya at bumalik na sa kinakain ko


"para kayong aso't pusa kung makapag sagutan nasa harap pa man din kayo ng hapag, hala kumain na kayo" saad ni mama samin 'buti nalang di na nagtanong si mama tungkol don shitt, epal kase masyado kapatid ko masyadong bida mahuhuli pa ako ng wala sa oras tsk...'

kinabukasan ay pinapunta na nga kami sa guidance dahil sa pisteng pambibintang nila samin ni nicole, naabutan na namin doon ni ayel sina mang ben at mang kanor na kinakausap ng principal


"oh, ayan sinabi ko na sa mga tatay niyo yung mga pinaggagawa niyo, nako kayo talaga ambabata niyo pa puro na bulakbol nasa isip niyo " saad samin ng principal

" sa totoo lang po ms.principal hindi po talaga namin alam kung anong pinaggagawa nila nung christmas party, kase po hindi po kami sumama sa kanila non, nag aaya po kase silang mag inuman non kaya hindi po kami sumama sakanila, naggala nalang po kaming dalawa non, tas pagbalik po dito sa school bigla po kaming napatawag ng hindi po namin alam yung nangyari, kaya nagtataka po kami non....tas kami pa yung nasisi" pagpapaliwanag ko sa principal, kaya napasulyap ako kay mang ben, mang kanor at sa aming adviser, nakita ko naman na napangiti sila sa sinabi ko

Unnoticed Glances (TS #1)Where stories live. Discover now