Pagkapasok ko sa room ay agad na bumungad sakin si nicole
"Bat, mukhang masaya ka ata?" salubong sakin ni nicole
"Shh ingay mo gaga HAHAHAHHA" sabi ko sakanya sabay tawa
"Gaga ka anyare sayo? ano yan new azy naba tawag jan?" tanong niya sakin
"Oo kailangan magbago na tayo kase bagong taon na" ani ko kaya naman tumawa sya
"baliw ka tss. ewan ko sayo bahala ka jan" saad niya bago ako iwan at umupo na sa upuan niya
"Good day class so kamusta ang holiday niyo?" tanong samin ng adviser namin
"Ayos lang po masaya kase buo ang pamilya" sagot ng iba kong mga kaklase
"sana all complete family" narinig kong sabat naman ng iba
"So now class, as your adviser wala muna tayong gagawin ngayon, bukas nalang ako magpapagawa ng gawain. Ang gawin niyo nalang ay tumahimik at wag makipag dadaldalan, kung gusto niyo mag selpon, mag selpon kayo basta walang maingay hanggang sa mag uwian ahh" kaya tumango kami at nanhimik, kinuha ko ang cp ko at naglaro ng criminal case
Habang inaantay namin ang uwian ay biglang pinatawag si Ma'am at kami ni nicole sa guidance kaya naman nagtaka kami ni nicole
"Bakit nanaman kaya?" tanong niya sakin kaya umiling ako
"Di ko din alam" saad ko sakanya
"tanungin mo si maam" bulong sakin ni nicole
"Yoko kakahiya.......pero sige" saad ko sakanya habang naglalaiad kami papuntang guidance
"Ma'am bakit daw po kami pinapatawag" tanong ko kay ma'am na adviser namin
"Hindi ko alam, basta ang sabi sakin isama ko daw kayo ni Nicole. bakit may ginawa nanaman ba kayo?" tanong samin ni maam habang nag lalakad, kaya umiling kami ni nicole
Ng pumasok kami sa guidance office ay nakita namin si isha, daniella, xia at nikka na kasama ang mga magulang nila 'shitt ano nanaman toh..' kaya nagtaka din si nicole
" kayong dalawa bakit hindi niyo dala ang magulang niyo?" tanong samin ng principal kaya nagtaka kami
"Po? bakit po, ano pong nagawa namin?" tanong ni ayel
"Bakit hindi niyo alam?! diba kasama niyo itong anak ko! ang babata niyo pa kung makapag walwal kayo grabe." sabi nung ginang na sa tingin namin ay nanay ni daniella
"Po? kami nag inom kailan po?" tanong ko naman sakanila pabalik
" Anggaling mo din ano hija? ideny mo pa ikaw nga nag yaya sa anak ko sabi mo pa 'ARATT SHOT' napaka sinungaling na bata." pagalit na bintang sakin nung nanay ni daniella habang ang principal ay nakikinig lang samin pati ang ibang magulang sa loob
"huminahon po muna kayo madam" pag papakalma ng adviser namin sa ginang
"Po ako? niyaya yung anak niyo makipag inom? kailan po?"
"Nako azy maang maangan kapa kay nicole mo nga yon sinabi eh" ani ni nikka
"Huh? walang sinasabi sakin si azy atsaka wala din akong sinasabi sainyo" saad naman ni nicole
"Kailan gagi bat wala akong alam sa pinagsasabi niyo?" tanong ko sakanila ng naguguluhan 'tangina ano nanaman to?'
"maang maangan ka pang bata ka napaka sinungaling mo.. diba ikaw yung nasa videong nag viral na nakikipag away?" tanong nung isang nanay na satingin namin ay nanay ni isha
kaya naman lumingon ako kay na tita sha at nakita ko sa mga mata niya ang pasensya ganon din si xia, bago ko ulit lingunin ang nanay ni isha
YOU ARE READING
Unnoticed Glances (TS #1)
General FictionTrio series #1 Athena Zyrille "Azy" Cruz a talkative girl who always gets into fights so she is often in guidance, kind but reprimanding. until she met an SSG officer, his name is Rafa Jefferson Vinzon 3rd year high school who always focuses on stu...
