"Maam sorry nalate po tinawagan ko pa kase papa ko" bungad ko sa kanila sa guidance office
"Ako din po maam sorry po si daddy po kase eh nalate kaya nagkasabay po kami ni azy pumunta dito" saad naman ni nicole tsaka siya tumingin sakin kaya naman kinindatan ko siya
tumango tango ang principal at pina upo kami "take your sit" tinuro niya ang upuanba
Habang nag-uusap ang mga magulang sa guidance ay di ko maiwasang tignan si nicole na kabadong kabado kaya naman tinapik ko siya
"Hoy! problema mo?" tanong ko kay nicole
"Baliw ka kinakabahan ako baka malaman nila na hindi natin tatay yung mga mga sinama natin dito" bulong niya
"Ano kaba trust me... basta wag ka lang kabahan mahuhuli tayo niyan eh" saad kong bulong sakanya
Kaya tumango nalang siya at nakinig nalang sa mga magulang nila na nagbabangayan samantalang yung dala naming tataytayan ni nicole ay tahimik lang at pinakinggan lang lahat ng sinabi ng principal
Lumabas na kami ng principal office at napag usapan don ang paglilinis ng library bukas para sa parusa namin at kapag na ulit pa daw ay baka ipalinis na samin ang buong school, Paglabas namin ng school ay nagpasalamat kami kay mang Kanor at kay Mang ben dahil pumayag sila na maging tatay namin sa guidance nga lang
"Maraming salamat po talaga sainyo mang kanor mang ben hindi ko po alam kung paano namin kayo mababayaran... maraming salamat po talaga!!" pasalamat ko sa kanila
"thank you so much po kase kung nalaman po ito ni mommy baka pag pasok ko po bukas may pasa na ako kaya maraming salamat po" pasalamat ni nicole habang hawak hawak ang kamay ni Mang benumiling iling ito "nako mga hija basta sa susunod na nadamay nanaman kayo don sa mga tropa niyo na alam kong walang magandang dulot sainyo, ay nandito lang kami ni mang kanor niyo ah wag kayong mahihiyang magsabi samin" saad ni mang ben samin kaya tumngo tango kami
Si mang ben at mang kanor ay nakilala namin ni nicole sa terminal ng mga tricycle last month si mang ben at si mang kanor yung madalas nasasakyan ni nicole tuwing uuwi siya at nakilala ko sila dahil madalas kami na ni nicole ang nagsasabay umuwi kaya pag hinahatid ko siya sa terminal ay lagi kong inihahabilin sakanila si nicole na bantayan at ingatan
"Nako mga hija ang payo ko lang sainyo wag na kayo magsasasama sa mga ganon kase kayo lang ang mapapahamak ayan oh tignan niyo napa guidance kayo ng wala kayong kasalanan......" mahabang saad ni mang kanor kaya tumango tango lang kami at nagpasalamat bago umalis, tinanong pa namin sila ni nicole kung pano namin sila mababayaran ay ang sagot lang nila ay basta mag aral nalang daw kami ng maayos at ayos na yon sakanila
'Ang sarap lang sa piling na kahit wala dito yung tatay namin ni ayel ay piling pa din namin ay may tatay kami kahit na hindi namin sila kadugo'
Lumipas ang mga araw at ang christmas party namin ay ganon pa din sila, Kase nung pagkatapos ng christmas party namin ay nag yaya sina isha na mag iinuman daw at mag s-sleep over daw sa bahay nina xia kaya agad na tumanggi kami ni nicole kase napag pasiyahan namin na kaming dalawa nalang ang gagala dahil mas mabuti pang maggala kaysa uminom.
"Sa tingin mo ano kayang ginagawa nung mga yon" tanong ni nicole habang nasa mall kami at nakain sa jollibee
"malay ko don sa mga gagang yon paniguradong may lasing nang isa don" saad ko sabay tawa
"sabagay.......5:30pm na pala gagi uwi na tayo hanggang 6pm kase paalam ko kay mommy baka pagalitan ako non" ani ni nicole
"oonga gagi ako nga 5pm paalam ko eh HAHAHAHH tapusin na muna natin ito bago tayo umuwi" saad ko sakanya, tumango tango naman siya at tinapos na lang namin ang pag kain
"Insan bilisan mo jan" tawag sakin ni Axie na pinsan ko media noche ngayon at napagdesisyonan nilang dito mag new year sa bahay para marami kami kahit na hindi kami kumpleto ay masaya pa din
"Wait potaa yung iniihaw ko ikaw ma mag tuloy tangina mo para bibili lang kinatamad pa eh ang lapit lapit lang ng tindahan" pagalit na sabi ko sakanya
"Yon nga eh ang lapit lapit lang nag rereklamo kapa bilisan mo na nandon kay bella yung pera" saad niya sakin at kinuha yung pamaypay para sa ihaw
Kaya naglakad nako papunta kay bella at kinuha yung pambili sakanya na ikinagulat niya
"Hala ate zy, bat ikaw po bibili?" may pagtatakang tanong ni bella
tumango tango ako "wala eh tamad kuya mo" saad ko sakanya bago umalis at bumili sa tindahan
"Pabili po" tawag ko sa tindera kaya lumabas ito at nagtabong kung anong bibilhin ko
"Pabili po ng man-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may sumangat bigla
"pabili ng foil at ng ketchup" saad nung sumangaat kaya napatingin ako dito 'Pota si pogi ganda naman talaga ng new year ko nito' yung poging kapit namin na minsan lang lumabas ng bahay siguro mga nasa 18+ na siya
"Wala na yan lang?" tanong sakaniya nung tindera
"Wala na po" saad niya sa tindera kaya binigay naman agad sakanya ang sukli sabay umalis
"shitt pogi niya talaga" saad ko habang tinitignan siya maglakad pauwi na mukhang narinig din ng tindera
"Oh sayo neng anong sayo?" tanong ng tindera sakin pero ako nakabaling padin don sa nilakadan ni pogi
"sya po" sagot ko sa tindera habang nakatingin padin don sa nilakadan ni pogi
bigla niyang hinampas ang table ng tindahan niya sa loob "Anong sya? walang sya dito" saad niya ng may pag kainis sa boses niya kaya bumaling nako sakanya at sinabi ang bibilhin ko
pagka uwi ko ay nakita kong nakangisi ang magaling kong pinsan habang magpapaypay kaya binatukan ko siya
"Aray ko! Ano ba tinang mukhang timba?!" tanong niya ng may inis sa mukha,'Tina' kase Athena kaya tina palayaw niya sakin sya lang ang nagpalayaw sakin non simula bata kase masyado daw mahaba pag athena kaya yon na ang tinawag niya sakin simula noon
"Bat ba kase nakangisi ka jan Fanot na mukhang parrot?" tanong ko sakanya Axiel Stefano kase ang pinangalan sakanya nina tita roxie at tito steven para daw malapit sa pangalan nila 'Fano' talaga dapat yon kase yun yung tawag ko sakanya nubg mga bata kami ang hirap kase banggitin ng pangalan niya kaya Fano ang tinawag ko sakanya pero nung lumaki na kami ay dinagdagan ko na ng 'T' ang ipinalayaw ko sakanya para masaya HAHHAHAHAH
"Tignan mo yunh mga kapit bahay niyong mga babae oh nakatinhin sa gwapo mong pinsan" saad niya at kumindat pa
"Mainit naman kanina ah bat parang ngayon sobrang hangin na?" tanong ko sakanya na ikinanoot ng noo niya "Hangin mo tanga" pahabol kong saad sakanya bago pumasok sa bahay, at agad kong binigay kay tita roxie amh mantika at nagulat pa sya na ako ang nag abot sakanya
"Oh athena bat ikaw ang nagbigay nito sakin nasaan si stefano?"tanong niya sakin
"Nako tita wag mo nang asahan yon si Fano at nandon sa labas tita nag papa cute sa mga asim girls naming kapit bahay" saad ko kay tita kaya tumawa ito
"Nako kayo talagang mag pinsan juskoo puputi agad anh buhok namin sainyo e" saad ni tita kaya nagtawanan sina mama don sa kusina nagluluto kase sila para sa handa namin mamaya
Sinalubong namin ang bagong taon ng sama sama at masaya ka video call din namin si papa at masayang nakiki celebrate samin,at yung mga asim girls naman ay tinanong nila ako kung ano daw pangalan ni Axie kaya ang sinabi ko ay Fanot ng malaman nila yon ay narinig ko silang nagsabi na "Ok lang atlis pogi" kaya ayon tinawag nila yon kay axie kanina at nakita ko naman na nabadtrip si fano pero di ko nalang pinansin yon at nagsaya nalang at ang new year's resolution ko ay
SPEND MORE TIME WITH YOUR FAMILY AND FRIENDS and LEARN SOMETHING NEW!! <3
![](https://img.wattpad.com/cover/325920948-288-k998108.jpg)
YOU ARE READING
Unnoticed Glances (TS #1)
Fiksi UmumTrio series #1 Athena Zyrille "Azy" Cruz a talkative girl who always gets into fights so she is often in guidance, kind but reprimanding. until she met an SSG officer, his name is Rafa Jefferson Vinzon 3rd year high school who always focuses on stu...