" Oh, miss cruz, bat nandito ka pa?" bibi rafa ask.kinuha niya ang bag ko sa sahig, bago niya ako inalalayan ma upo sa bench ng gazebo 'kinikilig ako!"
" Ahmm, wala kase akong payong. magpapatila lang sana ako. kaso anong oras na rin, kaya tatakbo na sana ako kaso, nabangga kita." saad ko sakanya ng nakayuko
"Bakit di ka nalang muna magpatila dito?" saad niya. infairness sa bibi ko ah, napaka caring!
" ah kase, baka pag nagpatila pa ako dito, masarhan pa ako ng school. mukhang di pa ata titigil to oh. kita mo ang lakas ng ulan."
" Well then, come here" nagulat ako nung sinabit niya yung bag ko sa balikat niya
" Huh? bakit?" tanong ko
"I'll just take you to the jeep terminal, to ride home." sagot niya. I was surprised when he put his arm around me ' shittt! is this real? mukha kaming mag jowa nito. juskoo!'
Habang naglalakad kami papuntang terminal, ay napansin kong napapasikip ang akbay sakin ni bibi rafa, kapag alam niyang nababasa ako, kaya lalo akong napapadikit sa katawan niya. 'shit ang init kahit umuulan!' alam kong kanina pa kumakalabog ang puso ko dahil sa nangyayari, pero sana di niya maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nang makarating kami sa terminal ng jeep ay kinuha ko muna yung bag ko sakanya
"Take care" aniya
"buti nalang alam ko na meaning nung take care." bulong ko
"Huh?"
"Wala, sabi ko i love yo- este take care too!" saad ko sakanya. nakita ko namang napangisi siya sa sinabi ko. Nako bibi rafa pagtanda ko sisiguraduhin kong ikaw mapapangasawa ko, kase hindi pwedeng hindi. Ako na'to oh, tatanggi ka pa ba.
Nang makarating ako sa bahay, ay mukha ni mama ang sumalubong sakin. paniguradong masesermonan ako ni mama, kase medyo basa ako. Pagbaba ko kase ng jeep medyo umaambon pa kaya no choice ako kundi ang lumusob sa ambon. Pero ok lang masermunan, kase si bibi rafa naman yung naghatid sakin sa terminal kanina ihh enebe.
"hubarin mo na yan, at maligo ka, baka magkasakit ka pa. bilisan mo, at ng malabhan ko na din yang uniform mo." saad sakin ni mama
"Hala ma, ano pong nakain mo?" inambahan niya ako. kaya tumakbo agad ako sa cr " joke lang ma!" pahabol pa na sigaw ko bago isara yung pinto ng cr.
Kinabukasan ay nag declared ng walang pasok si gov pogi, kaya naman masaya nanaman kaming mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit ?pero sa tuwing nag aanunsyo sila ng walang pasok, ay sobrang saya ko. siguro kase walang mga teacher na maninigaw sa amin, at wala ding gagawin. in short walang gagawin, tamad kase ako eh.
Habang suspended ang klase ay wala akong magawa, kase ako lang naman mag-isa dito sa bahay. si mama nasa trabaho, tas si kuya naman nasa tropa niya. oh diba kahit umuulan, yung kuya ko, di parin matigil sa paggala. kaya ako nanaman mag isa dito sa bahay bwiset!
Lumipas ang mga araw na puro pa sulat lang ang pinapagawa samin nang aming mga teacher. Malapit na raw ang christmas, kaya ang laging bukambibig ng mga kaklase ko ay ang christmas party.
Hanggang sa umabot na nga ang araw ng christmas party namin. kaya ang lahat ay busy at nag hahanda para kanya-kanya nilang mga magagandang damit. habang ako ito di ko alam kung anong susuotin, kase naman tinatamad ako bumili ng bagong damit kase, madami din naman akong bagong damit na di pa rin nasusuot, kaya napag pasiyahan ko nalang na mamili nalang don sa mga damit kong hindi ko nagamit at nakatmabak lang sa drawer, kahit na kinukulit ako ni mama na dapat daw bumili ako ng bagong damit para daw sa christmas party, pero di ako pumayag at sinabing madami naman akong damat na hindi ko pa nasususot kaya ayun nalang ang ssusuotin ko, kaya bumili a ako ng bagong damit eh, isang araw ko lang naman masusuot, sayang lang ang pera.
Pag pasok ko sa school, ay andaming nakasuot ng mga magagarang damit na kala mo ay mga sosyal, at kaniya kaniya sila ng mga group of friends. ang iba ay tuwang tuwa pa kase mukhang may mga gala pa sila after nang christmas party.
"Hoy! gaga ka bat antagal mo?" salubong sakin ni devy pagpasok ko ng classroom.
Napansin ko ngang nagsisimula na sila dahil, nagsasalita si gel sa gitna para magpalaro, kasama ang kaibigan niyang si chloe na VP naman sa aming klase. Mukhang napansin ako ni gel kaya tinignan niya ako at nginitian, bago bumalik sa pagsasalita sa gitna.
" Nakakatamad kaya kumilos, tas traffic pa." sagot ko sakanya. kaya hinili niya ako sa upuan na mukhang nireserba niya para sa akin.
"San ka mamaya?" devy ask me
"Uuwi, why?" i answered her
"Gala tayo?"
"Yoko!"
"Kasama naman si ate."
"Saan ba?"
"MOA."
"MOA?!" napalakas yung boses ko, kaya naman napatingin sa amin pati na rin ang aming adviser
" Ano yon Cruz?" tanong ng adviser namin. Nakita ko namang natatawa si devy, kaya kinurot ko sya sa hita.
"Wala po ma'am, sorry po." paumanhin ko. kaya bumalik na sila sa pag papalaro
Natapos ang christmas party na puro saya ang lahat. Pano ba naman nagpalaro sila ng paper dance kanina, tas kami ni devy yung isa sa pinalaro kanina ni ma'am, kaya imbis na humindi ay pumayag nalang kami. may dagdag grade daw sa kanya kapag nanalo sa paper dance, kaya pumayag na kami ni devy kahit na alam ko sa babeng to na may pag introvert.
Nasa MOA kaming Apat ngayon. ako, si devy, si ate nath, at si gel. Nagpaalam ako kay kay mama na pupunta ako sa MOA kasama si devy at ang ate niya kaya pumyag si mama, at Nakita rin kase namin si gel kanina na mag isa lang, mukhang pauwi na ata, kaya pinilit ko. ayaw niya pa nung una kase baka daw magalit yung mama niya. pero dahil mapilit ako ay inuwi mo na namin si gel sakanila at formal na ipaalam siya sa parent niya, and thank god pumayag naman sina tito at tita, since kasama din naman namin yung ate ni devy, basta daw ay wag aabot ng 8pm.
"Doon tayo sa sea side?" tanong ni ate nath
" Mamaya na ate, ikot muna tayo dito sa mall, palamig muna tayo ng kaunti, ang init kase ahahaha..." sagot ko
" Oonga naman te! baka ma hit stroke tong si azy, nako isusumpa talaga tayo niya!" malakas na sigaw ni devy sabay tingin sakin, na halatang ako yung pinaparinggan. kaya inirapan ko siya. tatawa tawa naman ang gaga.
" Oh, ikaw. Angela diba? san mo gusto, sa sea side o dito muna sa loob ng mall?" tanong ni ate nath. siguro napansin niyang parang na O-op samin si gel dahil tahimik lang sia na nakasunod samin
"Gel, nalang po ate nath." nahihiyang sagot ni gel " kahit saan po" dugtong niya pa. kaya lumpait kami ni devy sakanya at niyakap namin ang braso niya.
"nako, gel wag kang mahiya samin, ok? since sumama ka sa amin, kaibigan kana rin namin." saad ko sakanya
" Oonga kaya wag kana rin mahiya sa amin, kapalan mo na din mukha mo, pag magkakasama tayo. gayahin mo si azy, makapal face! hahahahaha!" ani naman ni devy. kaya sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. nakita ko namang napangiti si gel sa sinabi sakanya ni deby
Habang naglilibot kami sa loob ng MOA ay may napansin akong group of friends na nagtatawanan, kaya tinignan ko kung sino yon. I was surprised to know who they were.
"OH MY GOD!!!" sigaw ko at nag titili. kaya tumingin sakin sina ate nath
"oh bakit?" tanong ni ate nath ng may pagtataka
" Hoy! baliw, anyare sayo?" tanong ni devy. pero di ko siya pinansin at tumingin ulit kung nasan nandon sina bibi rafa
"ah... si rafa, ssg president." nagulat ako ng biglang sumabat si gel. kaya tinignan ko siya
" omg! kilala mo?" tanong ko sakanya.
"uhmm... yup. he's the one who helped me before, to find my classroom." sagot niya. medyo nagselos ako don ah.
"Sana lahat." mahinang sagot ko
" Type mo?" tanong sakin ni gel
"Hindi lang kamo type. type na type! hahahaha!" sagot ni devy kay gel. kaya inirapan ko siya
"ahmm... don't worry, i don't like him, he's not my type." sagot ni gel kaya nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi niya
"Talaga?!" masayang tanong ko sakanya.
" Yup." maikling sagot niya. at nag tatalon sa saya
" Yes! Wohooooooo! akin lang bibi ko!!" nagtatalon na sigaw ko. kaya napapatingin na sakin yung mga dumaan sa harap namin, kaya napagawi din ang tingin ko kung nasan naka pwesto sina rafa. Nakita kong nakatingin na sila sakin pati si bibi ko nakatingin sa akin at parang naka ngisi o guni-guni ko lang yon?. kaya tumigil ako at nag tago sa gitna nina gel at devy, at inaya na sila umalis doon sa pwesto
'Mamaya ko na sila susundan, pag nakarecover na ako sa pag kapahiya kanina.' Ano kayang ginagawa nila dito? siguro kagaya lang namin sila, after christmas party, gala agad. kase panigurado next year na sila magkikita kita kaya sinusulit na nila ang mga araw na mag kakasama sila sa taong ito. kaya ako susulitin ko na din HA-HA-HA. susundan ko mamaya ang bibi ko at babatiin ko sya ng merry christmas, kahit 8 days pa before christmas.
' Ang challenge ko ngayon, ay bumati ng advance merry christmas kay bibi rafa. at kailangan ako din ang unang bumati sakanya non. no other than only me.'
YOU ARE READING
Unnoticed Glances (TS #1)
General FictionTrio series #1 Athena Zyrille "Azy" Cruz a talkative girl who always gets into fights so she is often in guidance, kind but reprimanding. until she met an SSG officer, his name is Rafa Jefferson Vinzon 3rd year high school who always focuses on stu...
