Harold's Point of View
Nakaorder na si France ng Ice Cream para sa amin lahat. Nang maupo na siya pabalik sa table namin. Biglang nangunot at napasama ang itsura nito.
Huh? Anyare dito?
"Hoy, bro, anyare sayo? Ba't ganyan timpla ng mukha mo?" tanong ko rito.
"Tss. Lipat nalang siguro tayo ng Ice cream shop?" wika nito ng naiirita parin ang timpla ng kanyang pagmumukha.
"Ha? Bakit naman? Tsaka naka order ka na bro. Sayang naman yun." wika naman ni Carlo.
At sumang ayon naman kami sa sinabi nito."Tss. Nakikita niyo ba yung babaeng yan sa kabilang table na may kasamang lalake na kahawig ni Ian yung---- Teka! Si Ian nga yun ah. Anong ginagawa niya dito kasama yang yelong yan?!!" Inis na inis na sabi ni France.
Nilingon namin sina Ian.
Ahhh. Siya pala yung sinasabi niyang Yelo kanina. At yung Izzy Coll---
Izzy Coll? Cool Izzy Cream!"Bro, I think ang yelong sinasabi mo ay ang may ari ng Ice cream shop natoh?" Carlo said.
"Oo nga ! Shit! Bakit di ko naisip na Izzy pangalan niya di Icey ." Iritableng sabi ni France.
Baliw talaga -.-
Habang abala kaming nakatingin kay France at pagkatapos ay sa table nina Ian at ng Izzy na iyo ay may biglang nahulog na kutsara nagpalingon sa amin kung saan ito nanggaling.
"Princess? Are you okay?" worried na tanong ni Kuto kay Leah.
Pati kaming buong gang napatingin na rin kay Leah.
Nilingon ko si Ian sa kabilang table.
At nakatingin na rin siya dito at nagtatakang nakitingin sa direksyon namin. Lalong lalo na kay Leah. Tumayo ito bigla. At pumunta sa table namin.
"What happened?" tanong nito kay Leah na para bang si Leah lang ang tao dito at hindi niya kami nakikita.
Tiningnan ko si Leah.
Tumingin siya kay Ian at mukhang nagulat ito na nandito na si Ian sa table. Ngumiti lang ito umiling.
Pagkatapos , tumayo si Leah na agad pinagtaka naming lahat.
"Princess? " - Kuto.
Tumingin si Leah sa kanya at ngumiti ng parang may ibig sabihin.
Tumango si Kuto at dinala ang bag ni Leah.
Kami naman ng mga kaGang ko ay nagtatakang nakatingin sa kanya/kanila.
Nang malapit na sila ni Kuto sa may pinto ay bigla bigla nalang nahimatay si Leah.
"Leah!!!" Sabay na sabay na sigaw namin lahat even Keith na pinakatahimik sa Grupo ay napasigaw.
Sabay na napatakbo si Keith at Ian kay Leah.
What?
Si Kuto naman ay nasalo niya si Leah. Pero itong si Keith at si Ian. Sobrang alalang alala talaga ang kanilang mga mukha.
Keith at Ian.
Magiging karibal ko din ba kayo?
Sa babaeng unang mamahalin ko?
Harold!! Stop thinking like that.
Haisst!
Nagsitayuan na rin kami at nilapitan sina Leah.
"Haiisst. Not Again! Ano bang ginawa niyo kay Princess ha? " Galit na pagkasabi ni Kuto sa amin.
Aba! putangina to ah.
" Teka lang Gago ka ba?! Bakit kami sinisisi mo! Eh wala naman kaming ginagawang makakasama kay Leah." Galit na sabi France sa kanya at hinawakan siya sa kwelyo.
"Nagkakaganito lang si Princess kapag nalulngkot siya. Madali siyang masaktan. At dahil don kinakapos siya ng hininga at nahihimatay!" galit na sigaw ni Kuto sa amin.
"Teka lang pre, bitawan mo siya." Mahinahong wika ko kay France.
"Ha!! Kinakampihan mo ba itong gagong to bro?!" Asik niya sakin.
"Gago! Hindi! Bitawan mo siya kasi masasaktan din si Leah. Kita mong hawak hawak niya si Leah diba. Tss" Inis na sagot ko rin sa kanya.
Napabitiw naman siya at kinuyom nalang ang mga kamay nito.
"Cut it out! Dalhin nalang natin siya sa Hospital!" inis na wika ni Ian.
"Hindi na, dadalhin ko nalang siya sa Doctor niya mismo!" wika ng Kuto at agad na tumalikod sa amin bitbit si Leah. Pero bago sila maglaho may tinawagan muna siya habang hawak hawak parin si Leah. Siguro ang Driver nila para magpasundo.
At dumating naman agad pagbaba niya ng cellphone niya. Pagkaalis nilang dalawa ay humarap sa amin si Ian.
"Ano nga ba ang nangyari? May nagawa ba kayong nagpalungkot sa kanya?" seryosong tanong niya samin.
Sabay sabay kaming umiling.
"Pero...nakita kung nalungkot nga siya. Nang..."- France.
"Nang??" sabay sabay na tanong namin sa kanya.
"Ahh.. wala wala baka imahinasyon ko lang yun. Kasi bakit naman siya malulungkot ng ganun eh wala naman tayong ginawa na magpapalungkot sa kanya diba?" Wika ni France.
"Nag inarte lang naman yun. Tss" biglang singit ng isang boses na nagpalingon saming lahat.
***
France's Point of View
Biglang uminit ang ulo ko ng malaman kong sa Yelong Izzy Coll lang pala ang nagsalita.
"Anong sinabi mo?!!" Galit na wika at gusto ko na sana siyang sugurin
Ngunit.
"Calm down France babae yan. At wag na wag mong masasaktan si Izzy." may pagbabantang wika sakin ni Ian at humarang sa akin para pigilan makalapit sa yelong to.
Pero hinahawakan din ako nina Renz at Harold.
"Tss." - Keith.
"Pero bro, pinagsalitaan niya ng di maganda si Leah?!" Galit na wika ko kay Ian.
"Oo, pero hindi yang bigla bigla mo nalang siya susugurin at sasaktan." balik na wika ni Ian sakin.
"Bitawan niyo ko! Aalis na ko dito. Bullshit!" galit na wika ko at nag umpisang maglakad palabas sa walang kwentang lugar na to.
***
Third Person's Point of View
Pagkaalis ni France nagtinginan ang buong gang maliban nalang kay Keith.
" I'm going. " wika ng binatang si Keith at agad umalis ito.
"Ice--Izzy diba? Mawalang galang na ha. Peeo hindi mo naman kasi kilala si Leah. Para sabihin mong ganun siya." Mahinahon pero parang pigil na inis na wika ni Harold sa dalaga.
Inarapan lang siya nito.
At uminit ang ulo bigla ang ulo ng natitirang kaGang ni Ian roon na sina Carlon, Renz at Harold.
"Bro, Alis na kami dahil di namin maatim ang babaeng KINAKAMPIHAN MO." Pigil na galit ngunit may diing pagkakasabi ni Carlo kay Ian at tumalikod na ang mga ito.
×××
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets The Innocent Angel
ActionOnce Upon a time, there was a GANGSTER named Ian Kenneth Lee who will then meet the INNOCENT ANGEL Adeleah Park. What will happen when ang malakas magmurang lalake at ang tahimik na Babae will Meet? What could be the ending ? when THE GANGSTER MEET...