[20]: Activity PART 2

226 9 0
                                    

Renz' Point of View

" Hate?"  Shane este Zane. Partner ko sa activity. Bwesit!

Putcha! Bakit ba kasi bakla ang napunta sakin. Hindi ko na nga nakapartner si Leah tapos ito pa. Fuckkkk!

" Boring na surrounding. Tulad ngayon ikaw ang kaharap ko. Ang boring! Ba't kasi ikaw ang nakapartner ko?" tangna talaga.

"Grabe ka naman Fafa Renz. Don't you worry na tapos na tayo ditey. So pwede ka ng magFly away. Hihi."  - Zane.

Agad na akong tumayo at umalis. Di na ako nag atubiling lumingon pa sa baklang yun.

Makapunta na nga lang sa Rooftop.

Sino na kaya ang nandon?

***

Harold's Point of Viea

 "Tapos na rin sa wakas! Hooh! Sige. Alis na ko ah. May Part time pa ko eh."  mabilis na wika ng partner ko at nagmadaling umalis.

 Si Beatrice. Partner. Mga 10 minutes lang yata namin nagawa ang activity namin. Paano eh nagmamadali ito.

May part time pa daw kasi ito. Scholar daw sya sa school na ito dahil mahirap lang naman daw kasi sila.

At si Kuto daw ang tumulong sa kanya na makakuha ng scholarship.

So ayon na nga, natapos na ang activity namin. Makakapunta na rin ako sa rooftop at makakatulog. Nakakaantok naman kasi.

Last subject na rin namin kaya walang problema.

***

Keith's Point of View

We're Done.

***

Ian's Point of View

Tapos na kami ni Leah sa activity namin. Pero nandito pa rin kami sa Library.

Bigla syang nagsulat.

" I miss Keneah."
sulat nya at naging malungkot ito.

Keneah?

" Yung rabbit?"  tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito.

" Baka nakita na iyon ng may Ari." wika ko sa kanya.

Bigla na naman itong nalungkot ulit.

Tumayo ako bigla at hinawakan ito sa wrist nya. Napatingin naman sya sakin naman parang SAN-MO-KO-DADALHIN-LOOK.

"Rooftop." tipid kong sagot sa kanya.

Ngumiti na lang sya at sumunod sa akin.

***

Kios' Point of Vuew

"A-ah. P-prince K, Likes mo po?" tanong ng Partner ko.

" Cookies made by my Princess."  nakangiting sagot ko sa kanya.

Gustong-gusto ko kasi talaga ang cookies na gawa ni Princess para sa akin pati narin ang mga muffins at cake na gawa rin nito.

"A-ah. Okay po. Mahalaga po talaga sa inyo si Leah no?" tanong nya ulit sakin.

By the way, Zseska ang pangalan ng partner ko sa activity na ito.

"SOBRA."  sagot ko ulit sa kanya na may mas  malawak na ngiti sa kanga.

Sobrang halaga kase talaga sa akin si Princess. Mga bata pa lang kami ay lagi na kaming magkasama. Pero nagkahiwalay lang kami noong umuwi sila ng Korea ng parents nya. Inasikaso kasi nina Tita at Tito dun ang Company nila.

At NOON nakakapagsalita pa SIYA.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya kung bakit bigla na lang siyang hindi nagsasalita. Pero nang time na bumalik na sila dito sa pilipinas ay 11 years old kami noon.

Natatakot na sya sa sakitan at lalong lalo na sa dugo.

Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang nangyari noon sa kanya sa Korea.

Ayaw naman niyang ipaalam sa akin.

Kaya di ko na siya pinilit pa.

"PRINCE K!"  nabigla naman ako sa biglang pagsigaw ng babaeng kaharap ko.

"Ay! sorry po kung nasigawan kita. Kanina ka pa po kasi tulala. " paumanhin at paliwanag nito sa akin.

Hindi ko na pala napansin na natulala na ako at nawiling isipin ang nakaraan.

"Ok lang." wika ko rito.

"Ahmm. Tapos na po. Pwede na po kayong umalis. Sorry po ulit" wika niti pagkatapos ay yumuko pa ito kahit di naman kailangan.

Nginitian ko na lang siya at nagpaalam na sa kanya.

Hahanapin ko pa si Princess.

×××

The Gangster Meets The Innocent AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon