France's Point of View
Pagdating ko dito sa Rooftop, kumakain silang lahat. Nandito rin si Leah pero wala pa si Stephen.
Pumunta ako sa kinaroroonan ni Leah at naupo sa tabi nito.
"Hi, Leah." Ngiting bati ko sa kanya.
Ngumiti din sya at nagbow pa sa akin.
Ang cute niya talaga.
"Oh bro, andito ka na pala. Saan ka ba nagpunta ha?" tanong ni Harold sakin.
Napasimangot naman ako bigla.
"Sa library, kasama yung YELO kong kapartner" nakasimangot kong sagot sa kanya.
"Haha. Yelo? Yelo pangalan nya?" natatawang tanong naman ni Carlo.
" Ganun na rin yun. ICEY COOL pangalan nya eh." Sagot ko sa kanila.
Napatigil bigla si Ian sa ginagawa niya kung saan ay pagbabasa ng libro at lumingon sa akin.
" Izzy Coll right? Where is she?" Biglang tanong nito sa akin at biglang tumayo.
" Ha? Aba! Malay ko dun. Tss. Kilala mo ba siya?" Tanong ko sa kanya.
Hindi sya sumagot at bigla na lang umalis.
Napano yun?
Nilingon ko si Leah.
Teka?
Bakit mukhang--
Nalungkot siya?...
***
Harold's Point of View
Ano kayang nangyari kay Ian? Sino ba yung Izzy Coll na yun? At bigla na lang siyang nagkaganun.
" Leah, punta tayong Ice Cream shop? Gusto mo? " nakangiting alok ni France kay Leah.
Hmmm. Aba mukhang dadamoves ata tong mokong na ito ah.
Tumango naman si Leah at ngumiti. Tumayo na silang dalawa at hinawakan ni France yung kamay ni Leah.
Teka ! Teka abah!
" Hey bro. Sama kami!" biglang sigaw ni Carlo.
Nagulat naman si France kaya napabitaw siya kay Leah.
Haha, GoodJob Carlo!
Lumingon si Leah sa aming lahat at tumango sa amin na tila ba sinasabi na "Tara".
Kaya ayun, sabay sabay kaming naglakad palabas ng rooftop.
Habang naglalakad kami palabas ng building nakita kami ni K for Kuto.
" Princess!" tawag nya kay Leah habang papalapit sa kinaroroonan namin.
Ngumiti si Leah at yumakap sa Kuto na ito.
" Saan niyo dadalhin si Princess ha?" Masamang tingin ang pinukol nya samin. Tss.
Si Leah na ang sumagot sa kanya.
Syempre sinulat nya .
" Sa Ice Cream Shop Prince." - Leah.
" Tss. Sasama ako. Para safe ka." at tumingin ulit ng masama sa amin.
Tss! Kung wala lang si Leah dito. Nasuntok ko na ito eh bwisit!
Anong akala nya samin masasamang tao para saktan si Leah?
Yes, We're Gangster pero hindi namkn magagawang saktan si Leah.
Mahalaga na sa amin si Leah.
Kahit hindi sabihin ng mga kaGang ko. Alam ko na importante na rin si Leah sa kanila.
"Tara na. Alam ko kung san may magandang Ice Cream dito. Malapit lang naman ." Wika ni France.
Sumunod na kami sa kanya, si K for Kuto naman nakaakbay kay Leah.
Kainis! tss Feeling Boyfriend.
Bestfriend lang naman. Tss.
Pagkatapos ng sampung minuto na paglalakad. Nakarating na kami sa Ice Cream Shop na sinasabi ni France .
"Cool Izzy Cream."
Ang pangalan ng Ice Cream Shop na ito.
Weird ng Name. Haha.
Pagkapasok namin , naupo na kami sa walohang upuan. Total pito naman kaming lahat na nandito.
Ako, Keith, Carlo , France, Renz , Leah at Kuto.
Si France na yung umorder para sa amin.
"Teka, si Ian yun diba?" napatingin naman kami sa tinuro ni Renz.
Si Ian nga! Teka may kasama siyang babae. Sino naman kaya yun?
"Tss. YEAH RIGHT" biglang salita ni Keith.
Huh ?
Sino ang babaeng yun at ang seryosong makatingin si Ian sa kanya?
At bakit bigla bigla nalang nagsasalita tong si Keith?
×××
BINABASA MO ANG
The Gangster Meets The Innocent Angel
ActionOnce Upon a time, there was a GANGSTER named Ian Kenneth Lee who will then meet the INNOCENT ANGEL Adeleah Park. What will happen when ang malakas magmurang lalake at ang tahimik na Babae will Meet? What could be the ending ? when THE GANGSTER MEET...