PROLOGUE

1K 48 1
                                    

Sobrang nakapa espesyal nang araw na ito para sa magkakaibigan. Ngayong araw kasi na ito ay gaganapin ang graduation ceremony kung saan lahat silang magkakaibigan ay kasama sa honor awards at ang isa pa sa kanila ay valedictorian.

"Ang saya saya ko ngayong araw na ito, Stella! Hindi ko inaasahan na makakasama ako sa magiging honor ng batch natin ngayon!" Masayang turan ng isa sa magkakaibigan, si Ruth Carrasco.

"Ako nga din e, sobrang saya ko kasi alam nyo ba hindi ko inaasahan na isa ako sa aakyat sa stage? Hindi ako makapaniwalang nangyayari sa akin ngayon to.." masayang turan rin ng isa sa kanila, si Stella Ramos.

"Sabi sa inyo, makaka-graduate rin tayo. With high honors pa!" Pagmamayabang naman ni William Bermudez.

"Oo na! Ikaw na yung magaling. At least nakasama rin ako no." Sabat naman ni Simon Aguilera.

"Sana nga kasama rin natin si Mayven.. hindi ko nga alam kung nasaan na sya e." Malungkot na saad ni Harvey Muñoz.

"Hindi ba tumawag sayo si Mayven? O kahit isa sa inyo, wala bang nakakaalam kung nasaan sya? Ilang araw na natin syang hinahanap pero wala. Baka naman kasi nag away kayo ni Mayven ha, Harvey?" nag aalala namang tanong ni Nancy Rodriguez.

Umiling lang si Harvey maging ang iba pa nilang mga kaibigan. Walang nakakaalam kung nasaan si Mayven.

"Baka naman naghanda lang kasi nga di ba graduation na natin? Baka nang ghost lang dahil may pasabog na ilalabas ngayon.." natatawang saad ni Stella.

Isa isa silang nagsipag sang-ayon sa sinabi ni Stella. Bukod lang kay Nancy na tila ba ay kanina pa masama ang pakiramdam at kutob.

Nagsisimula na ang graduation ceremony at pinapapunta na ang lahat ng mga with honors sa unahan nang pila. Nagsimula nang magmartsa ang lahat ng mga mag aaral na magsisipagtapos.

Habang masaya silang nagmamartsa, panay naman ang kalabit ni Nancy sa kaibigan.

"Ano ba, Nancy? Malapit na tayong umakyat sa stage oh. Kalabit ng kalabit." Seryosong saad ni Ruth.

"Masama kasi talaga yung pakiramdam ko. H-hindi ako mapanatag na hindi natin kasama ngayon si Mayven. Sya pa naman itong v―" napatigil sa pagsasalita si Nancy nang biglang magsalita sa unahan ang isa nilang Teacher.

"Magandang araw po sa lahat. Sa mga guro, mga magulang at maging ng mga mag aaral na magtatapos sa paaralang ito. Inaanyayahan ko pong tumayo ang lahat para sa ating panalangin." Saad ng Teacher sa unahan at ibinigay ang mikropono sa isa nilang kapwa mag aaral.

Sinumulan na nga ang paunang panalangin para sa ligtas na pagdaraos ng graduation. Pero hindi pa rin lubos na napapanatag si Nancy dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang kaibigan nilang si Mayven na syang isa sa aakyat sa stage upang sabitan ng medalya.

"Nag aalala ka pa rin ba kay Mayven? Makakarating yun dito, baka na-late lang.." sabi ni William.

"Ano kasi, masama yung kutob ko.." nag aalalang saad ni Nancy.

Umiling nalang si William at hindi na nagsalita pa. Nagsimula na nga nang tuluyan ang seremonya at isa isa silang nagsipag akyat sa entablado para sabitan ng medalya.

***

Yumuko si Nancy upang magbigay pasasalamat sa mga gurong nagturo sa kanilang lahat.

"Maraming salamat po mam.." nakangiwing saad ni Nancy.

"Nancy Kathleen Rodriguez, with high honors with the average of 98.99 percent. Congratulations and keep your good works." Pagbati ng nagsasalitang teacher nila.

Pagkatapos kay Nancy, sabay sabay na silang nagsiyukuan sa harap ng mga guro, mga magulang at kapwa nila mag aaral.

Nagpalakpakan ang mga ito sa kanilang lahat na tila ba'y lahat sila ay proud na proud sa mga narating ng mga nasa harapan nila.

Isa isa na rin silang nagsibabaan sa stage upang magbigay daan sa itinanghal na valedictorian ng batch nila.

"And now, we want to call our Seventh Valedictorian of our school. Batch 2016-2017, with the average score of 99.99 percent. We are proudly giving this diploma to Mayven Justin Santiag―" naputol ang pagsasalita ng teacher sa unahan nang biglang may sumingit na malalakas na sigaw mula sa likod ng school.

Dali daling nagsitakbuhan ang mga estudyante sa kinaroroon ng mga sumigaw na kapwa rin nila estudyante.

Mas dumagdag ang nararamdamang takot ni Nancy dahil sa pag sigaw ng mga yun.

Dali daling tumakbo ang magkakaibigan sa kinaroroon ng mga sumigaw at ganun nalang ang panlulumo nila sa nakita nila.

Humagulhol nang iyak sila Stella, Ruth at Nancy dahil sa nakita. Maging ang iba pa nilang mga kaibigan, sila Simon, William at ang boyfriend nitong si Harvey.

Si Mayven, natagpuang nakabigti sa matandang puno sa likod ng school building. Ang mukha ni Mayven bagaman ay inaagnas na, kinakain na rin ng mga sandamakmak na mga uod at tinutuka ng isang uwak.

Nagsigawan ang lahat nang biglang malaglag ang nakabigting katawan ni Mayven at sumakto ito sa isang nakausling bakal.

Naputol ang sanga kung saan nagbigti si Mayven kaya ito nalaglag. Tumusok ang mukha ni Mayven sakto sa nakausling bakal.

Napuno nang mga sigawan ang likod ng school building at madaming nahimatay dahil sa nasaksihan.

Agad na sinaklolohan ni Harvey ang nobya at inalis mula sa pagkakatusok sa nakausling bakal ang mukha nito.

Nang makita ni Nancy ang itsura ng kaibigan, hindi nya napigilang humagulhol muli nang iyak at bigla syang nawalan nang malay tao.

Nasira ang graduation ceremony na matagal nang hinihintay ng magkakaibigan. Isa isa silang nawalan nang malay at dinala sa ospital.

I can't forget youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon