CHAPTER FOURTEEN

335 29 0
                                    

Nagising si Nancy sa pagtawag ng kanyang mama sa pangalan nya. Pagmulat ng mga mata, agad nyang niyakap ang kanyang ina at nagsimulang mamuo ang mga nagbabadyang mga luha sa mata nya. Mahigpit nyang niyakap ang ina na para bang ayaw na nyang kumawala rito dahil iniisip nya na baka kapag kumawala pa sya, yun na ang maging huling alaala nya sa mundo. Niyakap sya ng kanyang mama nang napakahigpit at inalo. Hinaplos nito ang kanyang likuran at pinapatahan sya sa pag iyak.

"Tahan na anak.. may plano ang Diyos kaya nya kinuha ang mga kaibigan mo." Pagpapakalma nito sa anak nya.

Humikbi sa bisig ng kanyang ina si Nancy at mas hinigpitan ang pagyakap sa mama nya.

"M-mama..." sabi ni Nancy.

"Oo anak, ayos lang yan. H-hindi mo kasalanan ang lahat.." saad pa nito sa kanya.

Dinalaw nya sa morgue ang kaibigan at labis na paghihinagpis ang naramdaman nya nang makita ito. Nangingitim na ang mga labi at sobrang putla ng katawan ng kaibigan. Parang gusto nalang nyang mamatay na rin para magkakasama na silang lahat.

Hindi na sya nakadalaw pa sa lamay ng mga kaibigan dahil sa nangyari ng gabing iyon. Nananatiling sariwa sa alaala ni Nancy ang nasaksihan nyang pagkamatay ni Harvey.

__

Kabi-kabilang lamay ang kasalukuyang pinupuntahan ngayon ni Nancy. Halos sa isang araw, nilulubos nya ang mga oras na nakakasama nya ang mga kaibigan kahit pa wala na sila at hindi na humihinga. Kasalukuyan syang nasa burol ni Harvey na huling pinuntahan nya ngayong araw na ito.

"Condolence po, Tita Sherly.." malungkot na sabi ni Nancy sa ina ni Harvey.

"S-salamat hija..." tipid na saad nito at mapait na pinagmasdan mula sa malayo ang kabaong ng anak.

Mapait na pinakatitigan ni Nancy ang larawan ni Harvey na nakapatong sa kabaong nito. Masaya ang awra nito at tila ba'y inosente kung titingnan, ngunit kung makikilala nang lubusan, may madilim palang nakaraan.

Sinilip ni Nancy ang kabaong ni Harvey at nakita nyang payapa na itong nahihimlay sa loob nito. Hindi nya mapigilang mapa iyak dahil sa sobrang lungkot.

𝘚𝘪 𝘔𝘢𝘺𝘷𝘦𝘯...

𝘚𝘪 𝘚𝘪𝘮𝘰𝘯...

𝘚𝘪 𝘙𝘶𝘵𝘩...

𝘚𝘪 𝘞𝘪𝘭𝘭𝘪𝘢𝘮...

𝘚𝘪 𝘚𝘵𝘦𝘭𝘭𝘢...

𝘢𝘵 𝘴𝘪 𝘏𝘢𝘳𝘷𝘦𝘺...

Anim na mga kaibigan nya ang pare-parehong nawala sa magkaparehong taon. Mga kaibigang minahal nya sa loob ng apat na taong nag aral sila sa highschool, mula first year hanggang sa fourth year.

"Kung kukunin mo rin ako Mayven, gawin mo na.." saad ni Nancy sa isipan nya.

Ang tanging hiling nalang ni Nancy ay sana nakamit na ni Mayven ang hustisya na hindi nya nakuha nung nabubuhay pa sya. Alam ni Nancy na ang kamatayan ng mga kaibigan ang makapagpapatahimik sa kanya, at kung balak man syang isama nito, hinihiling na rin nyang sana ay tuparin nito.

__

Kakalibing lang ngayon ng kaibigang si William, sakay ng tricycle si Nancy, nakipaglibing sya sa pamilya ng namayapang kaibigan. Hindi na nabuksan pa ang kaso sa pagkamatay ni Mayven at ng iba pang mga kaibigan dahil naging malinaw na ang lahat sa isinulat ni Stella na su!cide letter nung gabing natagpuan syang wala nang buhay. Malinaw na sa lahat ang mga nangyari, hindi na rin nag-file ng kaso ang mga magulang ni Mayven laban sa magkakaibigan dahil nauunawaan ng mga ito ang nangyari.

I can't forget youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon