CHAPTER ONE

523 41 1
                                    


Hindi mapigilang mapaluha ni Nancy nang makita ang kaibigang nakahiga sa loob ng isang puting kabaong.

Humagulhol sya nang iyak dahil wala na ang isa sa kaibigan nilang sobrang malapit sa kanila.

Hindi rin napigilang nang iba pa nilang mga kaibigan na humagulhol nang iyak dahil sa kalunos lunos na sinapit ng kaibigan.

Niyakap ni Harvey ang kabaong ng namayapang nobya at humagulhol din nang iyak.

Pilit syang pinapalayo ng iba pa nilang kaibigan sa kabaong dahil ayon sa pamahiin ng mga matatanda, masamang umiyak at matuluan nang luha ang isang kabaong dahil maaari daw magparamdam ang nasa loob nito at kunin din sila.

"Wala akong pakielam sa pamahiin na yan! Ang gusto ko, mabuhay ang girlfriend ko!" Umiiyak na sigaw ni Harvey sa mga kaibigan nya.

"Harvey, alam naming masakit ang nangyari sa kanya. Maging kami nasasaktan din pero sana isipin mo yung kapakanan mo." Umiiyak din na sabi ni Stella.

"Wala akong pakielam sa mga sinasabi nyo. Wala kayong paki elam sa ginagawa ko, basta ayokong mawala ang girlfriend ko!" Sigaw pa ni Harvey at lalong yumakap sa kabaong.

Wala na silang nagawa kundi ang hayaan na lamang ang kaibigan nilang yakapin ang kabaong ni Mayven.

***

Nananatiling tahimik at walang kibo si Nancy habang nakaupo sa isang upuan katabi ng kabaong ng kaibigan.

Nakasuot sila ng itim na damit upang magbigay galang sa namayapang nilang kaibigan.

Natuon ang atensyon ni Nancy sa suot ni Stella na 𝘱𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 keychain. Tumingin nang masama si Nancy sa kaibigan at kinalauna'y humagulhol ulit nang iyak. Agad na itinago ni Stella ang keychain nya at nag iwas nang tingin kay Nancy.

Patuloy ang pagpatak nang mga luha ni Nancy dahil mas nadagdagan ang nararamdaman nyang sakit. Tama nga sya nang kutob noong nagmamartsa palang sila nung graduation day nila.

Inabutan ng biskwit at kape si Nancy ng nanay ni Mayven at ang iba pa.

"Salamat po..." malungkot na sabi ni Nancy.

Hinagod nito ang likod ni Nancy at niyakap nang mahigpit.

"Kung nasaan na ang anak namin, alam naming masaya na sya.." turan nito at ngumiti nang mapait.

Sa kanilang anim na magkakaibigan, si Nancy ang pinaka naapektuhan. Hindi man sya ang 𝘣𝘦𝘴𝘵𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 ni Mayven, e masasabi naman na sila ang 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘮𝘱𝘪 sa lahat ng bagay.

Naapektuhan din naman ang nobyo ni Mayven na si Harvey, pero mas lubhang masakit para sa nakaramdam nang masamang kutob.

Pangatlong lamay na ito nang dalaga at kinabukasan ay libing na. Hindi pa rin nila lubos na maisip na sa isang iglap lang, akala nila ay buhay pa ang kaibigan nila ngunit hindi na pala.

Umiiyak na lumabas ng bahay si Harvey kaya sinundan sya ng lima pa nyang mga kaibigan.

Nanggigigil na humawak sa sintinido nya si Harvey at sa labas ng bahay, doon nya ibinuhos ang buong galit sya.

Panay ang pagwawala nya kaya pinigilan na sya ng mga lalaking kaibigan nila.

"Kung hindi lang nangyari yun. Hindi mangyayari sa kanya to. Kasalanan ko to!" Galit na sigaw ni Harvey.

"Pre, aksidente lang naman ang nangyari..." saad ni Simon.

"Kung hindi nangyari yun―" naputol ang sasabihin ni Harvey nang biglang sumabat si Ruth.

"Wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang nangyari kay Mayven. Wala namang may kagustuhan na mangyari yun sa kanya. Hindi natin to ginusto!" Seryoso ngunit umiiyak na sabi ni Ruth.

Hindi na nagsalita pa si Harvey at pinagsisipa nalang ang mga batong nakikita nya.

Bumalik na sa loob ang magkakaibigan at nanatili na lamang na tahimik sa buong gabing nasa lamay sila.

__

Napapitlag si Nancy nang biglang tumunog ang cellphone nya, hudyat na may nagpadala ng mensahe.

𝗙𝗿𝗼𝗺: 𝖲𝗍𝖾𝗅𝗅𝖺

𝘖𝘵𝘸 𝘯 𝘬𝘮𝘪 𝘫𝘯, 𝘱𝘬𝘪 𝘢𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘮𝘶 𝘯𝘭𝘯𝘨 𝘬𝘮𝘪. 𝘋 𝘱𝘣𝘢 𝘯𝘬𝘶𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘴𝘪 𝘔𝘢𝘺𝘷𝘦𝘯?

Matapos mabasa ni Nancy ang text ng kaibigan, nag-type sya para mag-reply dito.

𝗧𝗼: 𝖲𝗍𝖾𝗅𝗅𝖺

𝘔𝘮𝘺𝘢 𝘱𝘢 𝘴𝘺𝘢 𝘬𝘶𝘬𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘥𝘥𝘢𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘴𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳𝘺𝘰. 𝘗𝘯𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘬𝘺𝘰 𝘬𝘤 𝘩𝘯𝘥 𝘬𝘶𝘯𝘢 𝘬𝘺𝘢 𝘥𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨 𝘪𝘴𝘢, 𝘯𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘬𝘶𝘵 𝘯𝘬𝘰𝘛_𝘛

Pagkatapos mai-send ni Nancy ang text ay pinatay nya na agad ang cellphone nya.

Nauna kasi syang magpunta sa lamay ng kaibigan dahil gusto nya pang makita nang matagal ang kaibigan hanggang sa huling hantungan nito. Gusto nyang pagmasdan nang matagal ang walang buhay na katawan ni Mayven na bakas na bakas sa mukha nito ang lungkot at sariwa pa rin ang sugat sa mukha nito.

Hindi nila alam kung bakit nagawang kitilin ng kaibigan nila ang sariling buhay nito. Alam na alam nilang napakarami pa nitong pangarap para sa sarili nya at para sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi nila malaman kung bakit iyon nagawa ng kaibigan nila.

Naisip ni Nancy na baka may problema ang kaibigan ngunit hindi lang ito nagsasabi at sinasarili nya lang. Hindi mapigilang mapaluha ni Nancy sa isiping iyon.

Kinuha nya ang cellphone nya at in-open ang gallery. Tiningnan nya ang mga picture nilang kasama si Mayven, malusog at buhay na buhay. Mayven na malakas, masiyahin at matapang.

Hindi lubos akalain ni Nancy na sa loob ng apat na taon nilang pagiging magkakaibigan, ay mawawala na lamang nang ganun ganun ang kaibigan nila.

Itinago na nya ang cellphone nya at pinagmasdan na lamang ang walang buhay na katawan ni Mayven na payapang nakahiga sa loob ng ataul.

Lumapit si Nancy sa kabaong ni Mayven at malungkot na pinagmasdan ang nakangiting larawan ng kaibigan. Yung Mayven na masayang kasama at yung Mayven na matalino. Kinuha ni Nancy ang larawan ni Mayven at kinausap ito.

"Hoy! Akala ko ba sabay tayong aakyat sa stage para sabitan ng medals? Ba't mo naman ako iniwan. Akala ko naman iiyak ako dahil successful ka na, yun pala iiyak ako dahil wala ka na. Ang sakit sakit lang Mayven, sobrang sakit na wala ka na." Umiiyak na sabi ni Nancy at niyakap ang picture frame ni Mayven.


I can't forget youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon