CHAPTER SEVEN

328 34 0
                                    


Nadatnan nila Stella at Ruth na tahimik sa labas ng isang silid ang dalawa pa nilang mga kaibigan. Tahimik lang sila at tulala kaya tinanong na sila ng dalawa nilang kaibigan.

"Anong nangyari?" tanong ni Stella.

Umiling lang si William at nag iwas nang tingin kay Stella. Maging si Harvey ay tahimik lang rin sa isang tabi at walang kibo sa kanila. Lumapit si Ruth kay Harvey at tinanong ito.

"Anong nangyari kay Simon? B-bakit ba kami pinapunta dito sa ospital? S-saka nasaan ba si Simon?" sunod sunod na tanong ni Ruth.

Umiling muna si Harvey at hinawakan ang balikat ni Ruth. Huminga muna sya nang malalim bago magsalita.

"Patay na sya, Ruth.." sagot ni Harvey.

Napatakip sa bibig nya si Ruth at bigla syang napaupo sa sahig dahil sa narinig. Tila ba'y nanghina ang mga tuhod nya dahil sa nalaman nya. Hindi nya matanggap ang sinabi ng kaibigan na patay na ang isa pa nilang kaibigan.

𝘗𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘴𝘺𝘢...

"P-paano? P-paano sya namatay? Sabi sa'kin ni Stella nasa bar lang naman sya kanina ah? B-bakit ganto?" hindi makapaniwalang mga tanong ni Ruth.

Sa kanilang magkakaibigan, sila Ruth at Simon ang medjo malapit sa isa't isa at tila ba'y napapansin nilang may lihim na pagtingin si Simon kay Ruth at pakiramdam nila ay ganoon din ang nararamdaman ng kaibigan nila. Kaya ganoon nalang ang naging reaksiyon nya dahil sa sinabi ng kaibigan na patay na si Simon.

"Sabi sa amin ng mga nakakita, nakita nalang daw syang nakabigti sa loob ng kwarto kung saan sila gumawa ng kababuyan ng isang naka-one night stand nya. Umalis daw yung babae bago matagpuang patay si Simon. Ang sabi ng iba, pinatay daw nung babae pero sabi naman ng iba, nagpakamatay daw." Sabi ni Harvey.

"Pero hindi kami naniniwala na nagpakamatay sya. Ano bang magiging dahilan ba't sya magkakamatay, wala naman syang dahilan para gawin nya yun. Money, life, sex, house, study at madami pang iba yung mga nakuha na nya, ano pa bang hindi nya na-achieve? E ultimo nung grade 10 naging honor sya dahil sa―" naputol ang sasabihin ni William nang biglang magsalita si Stella na umiiyak na din dahil sa nalaman nya.

"Alam na ba to ni Nancy?" tanong ni Stella.

Umiling lang si Harvey. Ayaw nilang ipaalam muna kay Nancy ang nangyari sa kaibigan nila dahil alam na alam nilang ito ang pinaka maaapektuhan na naman. Dahil nawalan na sila ng kaibigan tatlong buwan na ang nakakalipas, nawalan ulit sila ng kaibigan agad agad.

"Bakit di nyo tawagan? Bakit ayaw nyong sabihin sa kanya?" tanong ni Stella.

"Sasabihin din natin sa kanya. Wag lang ngayon dahil alam nating masasaktan sya ulit." Sabi ni Harvey.

Nagpatuloy lang sa paghagulhol ng iyak nya si Ruth dahil hindi pa rin nya matanggap ang nangyari sa 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 nila. Agad nila itong pinuntahan sa morgue at doon ay nakita nila ang kalunos lunos na sinapit ng kaibigan nila.

Nangingitim na ang mga labi nito nang madatnan nila, dilat na dilat rin ang mga mata nitong tila ba'y nakakita nang kung ano. At nang hawakan ito ni Ruth, nanlumo sya. Napaka lamig ng bangkay ng kaibigan nila, hindi nya matanggap na sa ganung paraan pala 𝘮𝘢𝘸𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢 ang kaibigan nila.

Doon ay inamin na rin mismo ni Ruth na gustong gusto nya ang kaibigan ngunit sadyang huli na ang lahat, hindi na nya makakasama pang muli ang kaibigang minahal nya at minahal rin sya.

__

Nagtataka si Nancy kung bakit wala ni isa sa mga kaibigan nya ang pumasok ngayong araw na ito. Kanina pa sya balisa at tulala sa hindi nya malamang dahilan. Tila ba ay nakakaramdam sya ng napakasamang kutob, gaya nang naramdaman nya noong graduation day nila, tatlong buwan na ang nakakalipas.

I can't forget youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon