CHAPTER EIGHT

309 29 1
                                    


Maagang nagising si Ruth dahil sa ingay na nagmumula sa banyo ng bahay nila. Nang tingnan nya ang wall clock pasado alas kwarto y medya na nang madaling araw.

Balak pa sana nyang matulog ulit pero naisip nyang pumasok nalang rin nang maaga para makabawi sa mga na-missed nyang mga subjects. Mula kasi nang malaman nya na patay na si Simon, gabi gabi syang umiiyak dahil hindi nya matanggap ang nangyari sa kanya. Gabi gabi nyang iniiyakan at kinakaawan ang kaibigan. Kagabi nga lang ay dumalaw ulit sya kasama ang iba pang mga kaibigan dahil yun na ang huling lamay ni Simon.

Gusto man nyang ibuhos ang lahat ng mga luha nya dahil yun na ang huling lamay ng kaibigan, hindi nya magawa dahil miski mga luha nya ay naubos na sa kakaiyak nya.

Muli na naman syang humagulhol ng iyak nang maalala ang kaibigang si Simon. Hindi nya pa rin lubos na matanggap ang nangyari dito kahit sa mga oras na to. Pinunasan nalang ni Ruth ang mga luhang pumatak sa pisngi nya at mahinang humikbi.

Nagtungo sya sa banyo para maligo na dahil mga pasado alas siete ang pasok nila at dahil gusto nyang makabawi ay papasok sya nang maaga.

Pagkatapos nyang maligo ay nakita nyang naghahanda ng mga pagkain ang yaya nila kaya tinawag nya ito.

"Yaya Madel, gising ka na pala?" tanong ni Ruth.

"Oo hija! Narinig ko kasing naliligo ka na kaya naisipan kong maghanda na nang umagahan mo." Sabi ng Yaya Madel nya.

Tumango lang si Ruth at umakyat na sa kwarto nya upang doon ay magbihis. Kinuha nya sa wardroube nya ang uniform at saka nagbihis. Matapos magbihis ni Ruth ay bumaba na sya upang kumain.

Nginitian pa si Ruth ng yaya nila bago sya kumain. Napangiwi pa muna si Ruth bago tikman ang niluto nitong pritong manok at sinangag. Habang kumakain sya, hindi nya maiwasang makaramdam ng kaba sa hindi nya maintindihang dahilan. Kumuha ng isang basong tubig si Ruth at kanya iyong nilagok.

"Masarap ba, hija?" tanong ng yaya nila.

Tumatango si Ruth habang umiinom ng tubig, nang bigla syang masamid at naibuga nya ang mga tubig na iniinom nya. Agad na naalarma ang Yaya Madel nila pero sinenyasan lang ito ni Ruth na 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰..

"Ayos ka lang ba talaga hija?" nag aalalang tanong ng yaya nila.

Tumango lang si Ruth at nagkanda ubo ubo sya dahil sa pagkasamid. Kinuha nya ang pamunas nya at pinunasan ang bibig pagkatapos ay nagpaalam syang aakyat muna sa taas para magpalit ng uniform. Humingi nang pasensya sa kanya ang yaya nila at sinabihan lang ito ni Ruth nang 𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘭𝘢𝘯𝘨.

Pagpasok ni Ruth sa kwarto nya ay agad syang nagpalit ng uniform. Ayaw man nyang suotin ang isa pang uniform na may 𝘯𝘦𝘤𝘬𝘵𝘪𝘦, wala syang magagawa kundi ang suotin ito. Yun nalang kasi ang option nya, magsusuot sya nang isang t-shirt at maong na pantalon o magsusuot sya nang blouse na may kasamang necktie.

Habang isinusuot nya yung blouse nya, may narinig pa syang langitngit sa pinto ng kwarto nya hudyat ito na nasa loob ng kwarto nya ang yaya nilang gising ngayon. Hindi nalang iyon binigyang pansin ni Ruth at pinagpatuloy ang pagsusuot ng blouse nya.

"Sakto Yaya Madel nandito ka, pakabit naman ng necktie ko oh.." paki usap ni Ruth.

Wala syang narinig na kahit anong salita mula sa yaya nila ngunit naramdaman nyang lumapit ito sa kanya at hinawakan ang buhok nya. Nanlamig pa si Ruth sa paghaplos ng Yaya Madel nya sa buhok nya ngunit ipinagsawalang bahala lang ito ni Ruth.

Kinuha ng Yaya Madel nya ang necktie ni Ruth at isinuot ito sa kanya. Nakangiti pa si Ruth habang dahan dahan iyong isinusuot sa kanya. Sinimula na yun itali ng Yaya Madel nya, hanggang sa pahigpit nang pahigpit ang pagkakatali sa leeg ni Ruth ng necktie nya.

I can't forget youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon