CHAPTER THREE

361 37 1
                                    


Nagkaroon nang get together ang magkakaibigan dahil tatlong buwan nga silang hindi nagkita kita. Mula kasi nang ilibing si Mayven, hindi na nagkaroon pa ulit nang pagkakataon na makapag paalam sa isa't isa ang magkakaibigan dahil lahat sila ay nalayo. Yung iba nagbakasyon, yung iba naman umuwi ng probinsya at yung iba ay nagpahinga muna.

Matapos nilang mamasyal, dumiretso sila sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng namayapa nilang kaibigan.

"Sigurado ba kayo? Wala pang November, pupunta agad tayo ng sementeryo?" bored na tanong ni Stella.

"Syempre naman, kahit papaano nami-miss pa rin naman natin sya. Baka magtampo yun kapag hindi natin dinalaw." Sagot ni William.

"Oo nga. Mamaya nyan, dalawin ka ni Mayven dahil sa kaanuhan mo. Bestfriend ka pa naman nya.." pananakot naman ni Simon.

"Duh ba't nya naman ako tatakutin? Ano bang ginawa ko sa kanya?" taas kilay na tanong ni Stella ngunit bigla syang natigilan maging ang iba pa nilang mga kaibigan.

Nangunot ang noo ni Nancy sa inaasal ng mga kaibigan nya. Kanina parang excited pa silang pumunta kay Mayven, tapos bigla nalang silang namutla.

Kahit pa nagtataka si Nancy, hindi nalang sya kumibo at nagpatuloy nalang sa pagce-cellphone nya. Napuno nang nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan kung saan sila nakasakay. Kung kanina ay maingay ito, ngayon ay parang librarya na sa sobrang tahimik.

Ang iba ay mas pinili na lamang na magbasa ng libro, ang iba naman ay tulala at malalim ang iniisip habang si Nancy, nakadungaw sa bintana ng sasakyan at pinagmamasdan ang mga naglalakad sa daan.

May napansin si Nancy na kung ano habang umaandar ang sasakyan. Napaayos sya nang pagkakaupo nang may makita syang kung ano. Mas pinakatitigan nya yun nang mabuti at laking pagtataka nya nang makita ang isang pamilyar na tao.

Si Mayven, tama si Mayven ang nakita nya kaya labis syang nagtataka dahil hindi nya malaman kung paanong nangyaring naging si Mayven yun. Nang pumikit sya at muling magmulat, ay wala na ang nakita nyang si Mayven.

Huminga nalang sya nang malalim at hindi na pinansin yun. Iniisip na lamang nya na baka namamalikmata lang sya dahil kahit papaano ay nami-miss pa rin nya si Mayven.

"Hoy, Nancy. Anong nakita mo? Ba't parang―ayos ka lang ba?" tanong ni Ruth.

Huminga muna nang malalim si Nancy bago magsalita.

"Ayos lang naman. Sige na, malayo pa ba tayo sa sementeryo?" saad ni Nancy at muling dumungaw sa bintana.

***

Nagsiunahan silang makababa sa sasakyan upang makita ang puntod ng kaibigan nila. Unti unti na ring nawala ang pagkaputla ng mga mukha ng magkakaibigan nang makarating sila sa sementeryo.

Isa isa silang nagsibigay ng isang kumpon ng mga bulaklak at nilagay ito sa puntod ni Mayven. Isa isa rin silang nagsindi ng kandila.

Nakangiti nilang pinagmasdan ang puntod ng kaibigan nila, may halong saya, lungkot at konsensya. Bakit nga ba sila makokonsensya kung wala naman silang ginagawa?

"Three months na yung nakakalipas mula nang mawala ka, Mayven. Pero hanggang ngayon sariwang sariwa pa rin sa isipan ko yung nangyari sayo. Bakit mo ba kasi ginawa yun, bakit kasi hindi ka nagsasabi sa'kin ng mga problema mo.." mahinang bulong ni Nancy habang mapait na pinagmamasdan ang puntod ni Mayven.

"I-I'm sorry, Mayven..." malungkot na sabi ni Harvey.

Inakbayan sya nila William at Simon.

"I'm sorry din, Mayven.." saad ni William.

"Sorry.." saad din ni Simon.

Lumapit sa kanila sila Ruth, Stella at maging si Nancy na nagtataka kung bakit sila nagso-sorry.

"I'm sorry, Mayven.." saad din ni Stella at Ruth.

Kahit nagtataka si Nancy ay naki-sorry na din sya.

"At sorry din Mayven kung hindi kita natulungan..." sabi ni Nancy.

Nagkanya kanyang yakap sa sarili ang magkakaibigan nang biglang humangin nang malakas. Dali daling niyakap ni Harvey si Stella kaya mas napuno nang pagtataka si Nancy.

Nagsigawan silang lahat nang biglang kumulog nang napakalakas kaya dali dali silang umalis sa sementeryo at patakbong sumakay ng sasakyan.

Nagsiliparan ang mga ibinigay nilang bulaklak, bukod tangi lang sa ibinigay ni Nancy na nananatiling buo at maayos. Isa isa ring nagsipatayan ang mga kandilang sinindi nila dahil mas lalong lumakas ang hangin.

"Grabe naman yang kulog na yan. Yan ba yung sinasabi nilang kapag galit na galit sayo yung isang namayapa, nagpaparamdam sya?" tanong ni Ruth.

"Ano ba kayo? Kulog lang yan no. Saka ba't ba sya magagalit sa atin, e mga kaibigan nya tayo?" sabi ni Nancy.

Bigla ay napuno na naman nang nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan dahil sa sinabi ni Nancy. Muli na naman syang tinapunan nang pagtataka.

Nawala ang atensyon nya sa mga inaasal nila nang biglang kumulog nang napakalakas.

𝘎𝘳𝘶𝘨𝘩𝘩!

"Anak ng tang4 nga naman oh. William, pwede bang paki bilisan yung pagpapaandar? Hindi ko na keri yung kulog na yan. Nakakahussle!" Reklamo ni Stella.

"Di ikaw na mag-drive tutal nagmamadali ka naman.." inis na sabi ni William.

"Wag na kayong sumabay sa kulog. Paki bilisan mo nalang William.." saad ni Nancy kaya biglang kumalma si William sa pagda-drive.

Walang kaalam alam ang magkakaibigan na nagsisimula na ang mga mangyayaring dagok sa mga buhay nila.

At mangyayari na ito sa mga susunod na mga araw..

__

Matapos nilang magpa enroll ay dali dali silang pumasok sa Academy kung saan sila mag aaral. Pagkatapos kasi nilang mag enroll ay didiretso na sila sa classroom kung nasaan ang section nila. Gaya nang dati, magkaka klase pa rin silang anim at dahil dun ay mas lalo silang ginanahan dahil magkakasama pa rin sila sa iisang section.

"Lahat ba kayo ay mga GAS students?" seryosong tanong ng nakasalubong nilang isang payat, matangkad at may pulang mga labi na sa tingin nila ay isang teacher.

Isa isa silang nagsipagtango at kinakabahang nagsitingin sa isa't isa.

"Sumunod kayo sa akin..." utos ng teacher kaya dali dali silang nagsisunod sa teacher.

Nangunguna sa harapan si Simon at William habang magkatabi naman na naglalakad sila Harvey at Stella. Sila Ruth at Nancy naman ay nahuhuli na.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang classroom na may mga estudyante na rin sa loob.

"Pasok lang kayo.." saad nung teacher kaya isa isa silang nagsi pasok.

Humanap sila nang kani-kanilang mga upuan at nakahanap naman sila, yun nga lang ay magkakahiwalay sila. Sila William at Simon ay nasa unahan, sila Harvey at Stella naman ay nasa gitna at magkatabi. Habang sila Ruth at Nancy naman, bagaman ay nasa likod ay magkahiwalay ng upuan.

Lilipat pa sana ng upuan nya si Nancy nang biglang may dumating na teacher.

"Good morning, everyone.." bati ng teacher sa malamig na tano ng boses.

I can't forget youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon