Request from Bebang Siy! Encouraging women to join this. The deadline is today Nov 7 but you may already have something that qualifies, and they may extend the deadline.
Magandang araw mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Ako po si Beverly Siy, isang manunulat at ngayon ay naglilingkod bilang OIC ng Intertextual Division sa patnubay ng Cultural Content Department dito sa CCP. Iniimbitahan ko kayo na sumali sa Saranggola Blog Awards. Ito ay isang writing contest sa wikang Filipino na may kategoryang tula, maikling kuwento, sanaysay, kuwentong pambata at para sa taon na ito, video na pang-social media. Sa November 7 ang deadline, at online ang submission nito, kaya napakadali ang sumali. Kahit nasaan ka pang bahagi ng mundo, basta Pinoy ka, pasok ka sa banga.
Ang Saranggola Blog Awards ay 12 years old na. Itinatag at inorganisa ito ni Bernard Umali, isang advocate ng wikang Filipino at panitikan ng Pilipinas sa mundo ng blogging at internet. Ginawa ko ang video na ito upang magbigay ng ilang tips sa mga manunulat na sasali sa ating writing contest. Since 2009, bahagi ako ng SBA bilang isang hurado o di kaya ay coordinator para sa mga hurado. Kaya ayon sa aking karanasan batay sa mga nasabing role, heto ang limang tips.
1. Napakaraming entries ang kailangang basahin ng judges. Kaya importante talaga na angat sa iba pang akda ang akda mo. Paano mapapaangat sa iba ang iyong akda? Puwedeng sa estilo o kaya sa paksa. Ibig sabihin, kailangan marami ka nang nabasa na libro para malaman mo kung ano 'yong karaniwan at boring na estilo at paksa. Iiwasan mong ulitin at gawin iyon sa iyong akda. Either kakaiba ang iyong estilo, o kakaiba ang iyong paksa, o kaya ay kakaiba ang estilo, kakaiba pa ang paksa. Tiyak na aangat sa iba ang iyong akda.
2. Natu-turn off ang mga hurado kapag ang akda ay maraming typo error. Minsan, hindi na nila tinatapos ang buong akda. Hindi nag-e-expect ng perfect work ang judges dahil alam nating walang perfect work sa mundo ng panitikan. Pero dapat minimal o kaunti lang ang typo error kung hindi natin ito maiwasan. Kapag maraming typo error, wrong spelling, maling gamit ng bantas, maling gamit ng malaki at maliit na titik, ang ibig sabihin, hindi palabasa ng libro ang sumulat ng contest entry na ito.
3. Umiwas sa motherhood statements. Mas specific ang iyong tinutukoy, mas maganda.
4. At ang isa ko pang tip, very relevant sa ngayon: Huwag na huwag magpapasa ng akda ng iba. Plagiarism ang tawag dito. Sa Filipino, pagnanakaw! Huwag magnakaw ng tula, kuwento, sanaysay, huwag magnakaw ng akda. Pinaghirapan iyan ng writers. At ang tatak ng plagiarism ay habambuhay na kakabit sa pangalan ng plagiarist. Ayaw natin mangyari iyon. Bawal ang plagiarist sa Saranggola Blog Awards.
5. Ang huli kong tip, sulat lang nang sulat, kahit walang contest. Ang tawag diyan, bangko. Para may mahuhugot ka, para ready kang mag-submit kapag contest season na o di kaya ay may biglaang call for submissions o publications.
For more details about the Saranggola Blog Awards 2022, please check the CCP Intertextual Division FB page, Saranggola PH FB page o ang website na saranggola.org. Muli, ako si Beverly Siy, isang manunulat.
BINABASA MO ANG
Publishing and Self-publishing: Advice for Writers
Non-Fiction[FILIPINO/ENGLISH] Advice for writers based on my experience self-publishing (more than 20 novels as of now) and traditional publishing (more than 10 novels with a traditional publisher, and consulting for other fellow authors). Read and learn, but...