Nakakatuwa na marami nang nagiging aware na iba-iba ang mga offer ng publisher. May maganda at may hindi.
I'd like to encourage you also to do your own research. Unang step ang pagtanong sa mga published author na tulad ko, pero dapat ay higit sa isa ang source mo. Mas maganda ang may second at third opinion. Kahit may kaibigan ka na published by the same company, please do objective, independent research on your own.
Bakit importante ang research?
- Minsan ay iba ang kontrata, depende sa author. Ang kontrata ng kaibigan mo baka iba sa iyo.
- Minsan ang ibang author, hindi alam ang laman ng kontratang pinirmahan. Hindi natin alam kung may regrets ang author later, at hindi lang masabi dahil ayaw niyang bitiwan siya ng publisher. Many published authors will not say anything bad about the company that publishes them. It's also a business decision on the author's part -- gusto niyang manatiling author, kaya hindi niya masyadong pupunahin ang proseso ng publisher.
- Ano ang experience ng mga author na umalis na sa publisher na iyon? Ito ang mga taong na-experience na ang saya na makukuha mo pag napublish ang libro mo...pero hindi nila nagustuhan ang experience after. Dati ay hindi ko pinapansin ang mga kwentong ganito pero importanteng part ito ng research. Paano tayo makakasigurado na hindi tayo mage-end up tulad ng mga former authors nila?
Salamat sa mga nagtatanong sa akin, lalo na sa PM, pero hindi dapat ako lang ang source of info niyo ha? Google pa at tanong pa sa ibang tao. OK?
BINABASA MO ANG
Publishing and Self-publishing: Advice for Writers
Non-Fiction[FILIPINO/ENGLISH] Advice for writers based on my experience self-publishing (more than 20 novels as of now) and traditional publishing (more than 10 novels with a traditional publisher, and consulting for other fellow authors). Read and learn, but...