Can I quote movies/songs in my story (and other copyright tips)

14.5K 306 110
                                    

If you're self-publishing, and asking people to pay for the book, tandaan na kailangan mas maingat ka na sa mga laman ng story mo. Kung may mga binanggit ka sa kwento mo, o ginamit na song lyrics, o picture na kinuha sa internet, baka wala kang narinig na reklamo mula sa "copyright owners" nito kasi libre yung kwento mo. Pag hindi na libre, maaring may issue na.

PS - HIndi ako copyright lawyer! Pero yung kaibigan ko ay copyright lawyer. Pwede natin siyang tanungin ng mga specific na bagay. Eto lang ang guidelines ko.

1. Song lyrics

Mahirap mag-quote ng song lyrics sa kwento. OK lang kung ang kanta ay nasa "public domain" pero kung may kasikatan ang kanta, malamang hindi. Kailangan mong alamin kung ano ang policy ng "rights holder" nito about permission and fair use. Yung iba, kailangang bayaran sila para lang i-quote. Yung iba, kailangan ng written permission.

2. Book quotes

Same as above. Pag tinignan ang copyright page ng maraming libro, pansinin ang nakalagay na "No part of this book can be... without the written permission from the publisher..." at yun na yon. May tinatawag na "fair use" naman, kung baga, pwede naman pag-usapan ng characters mo na nanood sila ng movie etc, pero merong wastong paggamit nito. Pero hindi ako copyright lawyer so hindi ko masasagot yung specific na tanong ng lahat.

3. Brand names

Sa maraming instance, pwedeng gamitin ang brand names kung hindi naman nakakasira sa pangalan o reputasyon ng brand ang paggamit nito. Kung nakaksira sa reputasyon, iba na yon at baka may kaso pa yan.

4. Real people

Kailangan ng permission nung mismong taong maga-appearance sa kwento mo.

5. Unattributed passages

Kung may part ng kwento mo na galing sa ibang kwento o libro o kung ano man, kailangang sabihin kung saan galing. O dapat tanggalin.

*Kapag self-pub, ikaw ang responsible for your manuscript. Wag isipin na kung may mali ka, babanggitin naman siguro ng kaibigan mong nag-edit, o nung printer, o yung readers mo. Pangalan mo ang nasa libro, at ikaw ang nag-publish, kaya ikaw ang may hawak nito. It's important to learn what is right and proper! Para walang problema pag publishing na.

Publishing and Self-publishing: Advice for WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon