Bakit mahal ang self pubbed na book?
Because paper is expensive. Basta may ginamit na papel, mahal na. I offer print editions na self-pubbed because my readers asked for it (lahat ng book ko ebook muna sa Amazon, tapos print lang pag may nag-order). Ito ang mahirap talaga sa self-pub, yung pag-produce ng murang libro. Hindi talaga posible eh. Pero eto ang options:
1. Let's call them LARGE PRINTERS (offset printers)
Professional printers, usually good quality paper and printing, but will require a minimum of 300 to 500 copies per order.
Pros: Book quality similar to traditional publishers. Mura lalabas per copy ang book.
Cons: Malaki ang investment, nasa P50K to P75K. Problema ang distribution at storage, sa dami ng copies. Hindi mababalik ang investment kung hindi mabebenta ang buong order. Tandaang mahirap magbenta ng 500 ng kahit ano. Kumpanya na may employees ang gumagawa niyan. Madalas ay isang batch ang printing, so ang typo ng manuscript ay typo sa 500 copies.
*Gawin lamang ito kung may P50K-P75K ka. Ang order o reservation ay hindi payment, laging may backout kahit mga kaibigan pa yan. Dapat maglaan din ng oras, taong tutulong, at space para sa dami ng order. At dapat pulidong-pulido na ang manuscript, walang mali, dahil wala nang balikan.
2. PRINT ON DEMAND
Specialty printers that produce a good quality book but in small batches.
Pros: Book quality similar to traditional publisher. Small batches means you can "fix" your book if may mali pala sa unang batch. (Get ready for this. Nangyayari talaga ito.)
Cons: Expensive per-copy price.
*This is what I use, kasi important sa akin ang quality ng book. Binebenta ko kasi yung ebook ng less than P100, at yung paperback ay para lang sa mga gusto talaga. Para sa akin, kung gusto mo ng paper, bibigyan kita ng matibay at magandang book. Yung mga book ko (150-180 pages) ay nabebenta ko ng P350. Medyo mahal (doble ng Summit edition of the same book) pero ok lang. Sa experience ko, ang mahilig sa book ay pipiliin pa rin talaga ang ganda ng printing. Kung wala palang gustong bumili, at least hindi 500 yung inorder ko diba.
3. SMALL PRINTERS
Printing/photocopying/binding places that can produce an acceptable print book.
Pros: Acceptable quality, lower cost than POD, small batches.
Cons: Para sa akin pwede na ito, pero kung book lover talaga ang buyer mo, baka di ito papasa sa kanila. Usually mano-mano ito at hindi kaya ng small printer ng maramihan in a short time.
*I started offering this para may option yung buyers, in case gusto nila mas mura at di naman sila pihikan. Hindi ko pa lang nate-test ang shelf life nito, kung ilang years tumatagal ang libro, kung nagfe-fade ba ang kulay ng cover, kung paano siya mag-warp kung mabasa at kung ano man.
Choice mo kung anong gagamitin pero please, wag bumigla ng 500 copies kung first time mo. Practice practice muna with POD o small printer ha.
BINABASA MO ANG
Publishing and Self-publishing: Advice for Writers
Non-Fiction[FILIPINO/ENGLISH] Advice for writers based on my experience self-publishing (more than 20 novels as of now) and traditional publishing (more than 10 novels with a traditional publisher, and consulting for other fellow authors). Read and learn, but...