ISANG buwan na ako sa trabaho ko at so far wala pa rin akong nagagawang maganda sa buhay ko. Bored na bored na ako rito pero dahil malaki ang pasahod, napagtitiyagaan ko.
Araw-araw ay late na akong bumabangon dahil wala naman akong kasama sa napakalaking bahay na 'to at wala rin namang nagmamando sa akin sa mga dapat kong gawin. Wala rin abiso sa akin kung kailan ba magpapakita ang amo ko o kung habambuhay na ba akong magiging organizer ng mga papel-papel niya sa buhay.
Ito talaga ang problema sa mayayaman. Walang mapagtapunan ng mga pera kaya't kung saan-saan na lang dinadala. Imagine, writer siya ng mga libro at hindi naman ako proofreader o editor pero malaki ang pasahod sa akin dahil lang sa pag-o-organize ko ng mga papel sa malaking bahay na 'to. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi nauubos ang mga papel na kina-category ko base sa date, data, at title, at hindi nauubos ang ine-encode kong mga number sa sarili niyang site na hindi ko naman maintindihan.
Napapaisip na ako minsan kung writer ba talaga itong amo ko o . . . hacker.
Naghihikab akong kasalukuyan nang bigla na lamang akong makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa main door sa ibaba. Napalingon ako sa bintana ng kuwarto ko at may kalakasan na pala ang ulan sa labas.
Agad akong bumangon, saka ipinusod ang buhok ko sa kahit papaanong paraan. Nakamalaking puting t-shirt lang ako na abot hanggang hita ko at cycling shorts sa pang-ibaba. Most-likely na delivery na naman iyan ng sangkaterbang papel kaya hindi na ako nag-abalang mag-ayos.
Mabilis akong bumaba ng hagdanan. Nang marating ko ang main door ay sumilip muna ako sa peephole. Mahirap na at nasa sobrang liblib na lugar ako, hindi pa ako ready na ma-massacre. Nakakita ako ng lalaking nakatalikod na nakaputing mahabang manggas.
Hmmm . . . hindi ito si Mario na normal na nagde-deliver dito.
Binuksan ko ang pinto ngunit hindi bukas na bukas para maisara ko naman kung sakaling babalakan ako ng masama.
"Ano ho'ng kailangan nila?"
Unti-unti ang naging paglingon nito at para akong natanga sa oras na ito. Kalait-lait ang itsura ni Mario, pero ang isang ito . . . kalangit-langit, shet!
Ang tangkad niya, mga six footer mahigit siguro ito. Maputi. Ang kapal ng kilay. May kapungayan ang mga mata na kulay abo. Sobrang tangos ng ilong na para bang nagmamainam, at sobrang pula ng maninipis niyang mga labi.
Hindi ito nagsalita, bagkus ay marahang itinulak ang pinto ngunit nagmatigas ako kahit pa guwapo siya. Hindi pa ako ready na mamatay.
"Hindi ako basta nagpapapasok ng tao rito—"
"Open the door." Three words. Putcha three words lang pero parang nakakapanlambot na siya ng tuhod.
"Bubuksan ko lang 'to kapag nalaman ko kung ano'ng pakay mo. Malay ko kung balak mo 'kong patayin," sagot ko kahit pa malaking-malaki ang chance na mautal ako. Tapang-tapangan talaga ako, e.
Imbes sumagot ay tinitigan lamang ako nito nang mariin na para bang kung puwede lang akong mamatay sa titig niya ay bumulagta na ako ngayon.
"Open the goddamn door," kalmadong muling wika nito pero para bang may mga kasamang balisong iyon sa sobrang lakas ng dating.
"S–sino ka muna kasi—"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niyang tinulak nang marahas ang pinto kaya't bahagya akong napatalsik palayo.
"I don't like repeating my words, lady."
Pumasok ito ng bahay at nagtuloy-tuloy sa may hagdanan. Tinitigan ko ang kabuoan niya at doon ko lamang napagtanto ang suot niyang damit. Hindi naka-tuck in ang polo na suot niya, nakaitim na pants siya, at wala siyang sapin sa paa dahil may kakaunting putik ang mga iyon. Gusto ko siyang pigilan sa pag-akyat ngunit para akong naestatwa sa klase ng tingin na bigay niya dahil nakalingon na pala siya sa akin.
Nang mawala siya sa paningin ko ay pumailanlang bigla ang radyo na lagi namang nakabukas.
"May natagpuang isang bangkay ng babae malapit sa Lake Woodern. Kasalukuyang iniimbestigahan ang naturang krimen. Wala pa di-umanong pagkakakilanlan ang babae ayon sa mga otoridad at hindi pa malaman ang sanhi ng brutal na pagpatay."
Agad gumapang ang kilabot sa pagkatao ko sa narinig ko kaya't tumakbo ako sa kusina para kumuha ng kutsilyo bago ako sumunod sa taong iyon sa taas. Malapit lamang dito ang Lake Woodern kaya't tila ako niyanig sa narinig ko.
Nanginginig akong nakarating sa 2nd floor at isa-isang binuksan ang walong mga silid pero wala siya sa kahit alin man sa mga iyon.
Napalingon ako sa itaas at kumabog ang dibdib ko. Ang nasa 3rd floor ay ang opisina daw ng amo ko kung saan ito nagsusulat ng mga akda nito na pinakabawal kong pasukin. Ano naman ang pakay ng taong iyon doon?
Dahan-dahan akong umakyat habang mariin ang hawak ko sa kutsilyo. Nanginginig ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko dahil wala namang magliligtas sa akin kung sakali. Malayo ako sa kabihasnan. Kung tatakbo man ako ay mamamatay lang ako sa labas dahil wala naman akong kapitbahay lalo pa't may kalakasan na rin ang ulan.
Narating ko ang nag-iisang silid sa 3rd floor. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ko sinipa ang pinto. Ngunit bago pa ako makapasok ay may bigla na lamang humatak sa akin papasok at mabilis na naagaw ang kutsilyo sa akin. Marahas akong isinandal ng humatak sa sa akin sa cabinet na naroon at saka itinutok ang kutsilyong kaninang hawak ko sa may leeg ko.
Nanginginig ako sa takot ngunit tila binabalot ako ng kakaibang pakiramdam ng mga titig niya. Para akong nilalamon ng mga iyon.
"S–sino ka?! A–ano'ng kailangan mo at ano'ng ginagawa mo?!" Tapang-tapangan na lang talaga ako. Wala na akong ibang magagawa sa sitwasyon ko.
"The knife went here at first . . ." aniya at saka marahang pinagapang ang talim ng kutsilyo sa leeg ko. ". . . but that was not the vital point that killed her."
"Ano'ng sinasabi mo?!" gulong-gulong wika ko.
Muli niyang pinagapang ang kutsilyo patungo sa tainga ko at ramdam ko ang lamig ng talim ng kutsilyo maging ang malamig na butil ng pawis na namumuo sa noo ko.
"She lost her ear because that what made her a sinner," patuloy niya at nagulat ako nang ibaba niya ang tulis ng kutsilyo patungo sa ilalim ng panga ko. "This . . . her submental space was the vital point. She took her last breath when the killer hit this spot," aniya bago lumayo sa akin at binitiwan ang kutsilyong hawak niya.
Namulsa siya, saka ako nginisihan. Ngisi iyon na tila gusto niya akong angasan at usigin.
"Walanghiya ka!" sigaw ko sa kaniya dahil sa takot na naramdaman ko at napu-frustrate ako sa mga inaakto niya!
"You're officially hired, Vinniece Jan Saavedra," walang emosyong sabi nito at tila natuod ako sa narinig ko.
"I–ikaw ba si—"
"Lancelot Haunter Lewis—your boss."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
BINABASA MO ANG
Vices Within Virtues
Mystery / ThrillerStand Alone Novel | R-18 | On-going Bilang alipin ng salapi, iniwan ni Vinniece Jan Saavedra ang masayang buhay sa siyudad kapalit ng malaking sahod sa isang liblib na probinsya. Simple lang daw ang gagawin niya, ang asikasuhin ang mga ipaaayos ng m...