WALA akong nakuhang kahit na anong sagot mula sa kaniya kaya't alam ko nang kahit ano pang tanong ko ay walang mangyayari. Ganoon siya kailap.
Mag-isa ako ngayon dito sa malaking mansyon niya. Buhat kaninang pinagku-culture shock niya ako sa mga pinaggagagawa niya at nilayasan ay narito lamang ako sa sala at nakikinig ng mga kanta sa radyo.
Sabi ko nga, wala naman akong ibang gagawin dito kung hindi makinig sa radyo.
"Magbabalik po ang mga kanta sa ilang sandali. Sa ngayon ay dumako na muna tayo sa ulat ukol sa krimen na naganap noong nakaraang araw. Ayon sa mga awtoridad, hanggang ngayon ay wala pa ring lead sa suspek sa brutal na pagpatay. Ginagawa naman hindi umano nila lahat ng kaya nila upang mapabilis ang progreso ng kaso."
"Paano n'yo ngang mahuhuli, e, nandito nga sa poder ko at umaaktong high and mighty," daldal ko na akala mo naman may kausap. Akala mo talaga ay siguradong-sigurado na ako na ang amo ko nga ang killer, amp.
Hindi pa ako nanananghali, hindi dahil nag-iinarte na naman ako na hindi ako cook, kung hindi dahil mas nangingibabaw ang katamaran ko at isa pa crave na crave ako sa sweet and sour pork ng Chowking. Buti sana kung mayroong rider na may tama sa utak at magde-deliver ng pagkain sa akin dito.
Patayo na sana ako mula sa pagkakahiga sa sofa nang bigla na lamang kumulo ang tiyan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko kung paanong ibinigay ng amo ko ang malalaking hipon niya sa akin kahapon. Kapag ganoon, nakakalimutan kong malaki ang chance na mamamatay-tao siya.
Napalingon ako sa main door nang marinig ko ang pagbukas-sara niyon. Nakita ko si Sir David na may dalang mga paper bag at grocery bags.
"Ginagawa mo rito, Sir David?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. Wala akong pake kahit sabihin ni Sir David na wala akong modo. Totoo naman, e. Hehehe.
"Mr. Lewis asked me to put stocks on your fridge and kitchen. Mabilis ka raw magutom, e," aniya habang tumatawa.
Kung ano'ng sungit ng boss niya, siyang pagiging masayahin niya. May tama yata sa utak itong mag-amo na 'tong. Isang bugnutin at isang happy house donut—I mean happy person.
"Ano naman ngayon? Draining kayang maging boss iyang boss mo," prangka ko sa kaniya na lalo niyang ikinatawa.
"You are really a funny person, Ms. Saavedra," anito.
"Hindi ako nagpapatawa, Sir David. Tantanan mo rin ako sa katatawag mo ng Ms. Saavedra. Nag-usap na tayo noon na Vinn na lang," sagot ko sa kaniya na sinuklian lamang niya ng tawa.
Hindi ko na sana siya papansinin nang tumungo siya sa kusina para mag-ayos ng stocks ngunit may bigla akong naisip. Literak na akala mo na may umilaw na light bulb sa tuktok ng ulo ko.
"Sir David!" kunwaring panggugulat ko sa kaniya at hindi man lamang nagulat ang mokong kahit na nag-aayos siya ng mga de-lata sa kasalukuyan.
Noong magpasabog si Lord ng kamanhidan, sinalo nilang lahat ni Mr. Lewis.
"Yes, Vinn?"
Umismid muna ako nang patago bago ako nagsalita. "Ano ba'ng trabaho ni Mr. Lewis? Bakit—"
"Rule number six, Vinn," seryosong wika nito. Nawala na ang kanina'y smiling face na Sir David.
"Pero hindi naman ikaw si Mr. Lewis kaya't puwede akong magtanong," depensa ko ngunit sunod-sunod ang naging pag-iling niya sa akin.
"I am an employee of Mr. Lewis and his personal secretary at that. No personal information shall be disclosed," muli nitong sagot sa akin at itinuon na ang pansin niya sa inaayos niyang mga de-lata.
BINABASA MO ANG
Vices Within Virtues
Mystery / ThrillerStand Alone Novel | R-18 | On-going Bilang alipin ng salapi, iniwan ni Vinniece Jan Saavedra ang masayang buhay sa siyudad kapalit ng malaking sahod sa isang liblib na probinsya. Simple lang daw ang gagawin niya, ang asikasuhin ang mga ipaaayos ng m...