Chapter 6

1.8K 63 22
                                    

LILINGA-LINGA ako sa paligid ko habang iniisip kung may sumusunod ba sa akin o TH lang talaga ako dahil batak na batak ako sa pang-uunggoy sa akin ng amo ko na mukhang hindi pinainom ng am noong baby siya.

"VINNIECE!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita ko si Pitchy na malaki ang pagkakangiti sa akin.

Laki ng ngiti ni gaga. Parang hindi siya responsable kaya ako narito sa sitwasyon na 'to ngayon. Aba'y kung hindi kasi siya nagselan at paladesisyon wala ako sa sitwasyon ko ngayon at tamang inom lang ako ng redhorse habang nakataas ang paa!

Nang makalapit siya sa akin ay bigla niya akong dinamba ng yakap. Halatang miss na miss niya ako.

Nandito ako sa mall kasi tinakasan ko ang amo ko para saglit akong makakawala mula sa mga kamay niyang may mahabang mga kuko–charot!

"I missed you so much, Vinn. Inang iyan, hindi ka man lang tumaba kahit wala kang ginawa kung hindi kumain ako humilata—ARAY!" Dinagukan ko nga.

"Wala kang karapatan husgahan ako sa mga ginagawa ko dahil hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko sa boss kong mamamatay-tao!" pag-iinarte ko sa kaniya.

Bigla niya akong tinulak palayo at gulantang niya akong tinitigan. "M–mamamatay-tao?"

Dahan-dahan kong itinango ang ulo ko at lumabi pa ako na para bang nakakaawa talaga ang sitwasyon ko.

"Gaga! P–pinagsasasabi mong abnormal ka!" aniya na sinundan pa niya ng awkward na tawa. Halata sa pautal-utal niya na talagang gulat na gulat ang pagkatao niya sa sinabi ko.

"De huwag kang maniwala. Tse!" inarte kong muli, saka mabilis at malalaki ang hakbang na iniwan siya.

Letse ka, Pitchy! Nakipagkita ako sa 'yo para may masabihan ng mga hinanakit ko tapos hindi mo ako paniniwalaan. Hmp!

Hinabol ako ng bansot na ito at buong lakas niya akong iniharap sa kaniya. O' pak! Hindi n'yo kaya. Parang may humatak sa akin na gremlin—charot!

"Ang arte-arte ng hayop na 'to, akala mo naman maganda," salubong niya pagkalingon ko sa kaniya at binelatan ko siya.

"Maganda talaga ako kaya okay lang mag-inarte. Inaayon ko naman sa mukha," buwelta ko at saka ko siya hinatak sa isang malapit na kainan.

Pagpasok namin sa loob ay nahirapan pa kaming makaubo sa sobrang dami ng tao.

"'Tang ina, singkwenta mil ang sahod buwan-buwan tapos dadalhin ako sa Mang Inasal. Kayang-kaya naman sa fine dining. Kuripot talaga ng gago!"

"Bumubulong ka lang ba niyang lagay na iyan? Lakasan mo pa kaya para marinig pati ng crew sa kitchen na nag-iihaw ng manok para masabi kong ikaw na ang isunod?" anas ko at saka ko siya inismiran. Inilibre mo na nag-iinarte pa!

Love na love ko iyang si Pitchy. Madalas lang talaga na abnormal kaming mag-usap na dalawa. Sanay naman na kami sa isa't isa.

Nang maka-order na kami ay nakahanap na siya ng upuan at natiyempo kami sa may sulok at malayo-layo nang bahagya sa tao.

Hindi pa ako halos nakakapagsimulang kumain dahil naghugas ako ng kamay, itong Pitchy ay sumesenyas na sa nagbibigay ng kanin na bigyan na ulit siya.

"Awow! Nagrereklamo ka pa kanina pero sinusulit mo na ang extra rice!" pang-aasar ko sa kaniya nang makalapit ako at ang gaga ay sinamaan lamang ako ng tingin tapos ngumiti naman siya doon sa crew na may dala ng kanin. Bipolar, amp!

Nang makaupo na ako ay nagsimula na rin akong kumain dahil baka itaob pa ni Pitchy itong Mang Inasal sa lakas niyang magkanin. Sumbong ko yata kay Cynthia Villar 'to, e.

Vices Within VirtuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon